JAOF 52: Revenge?

11 1 0
                                    

Chapter 52

Trisha's POV

Maaga akong gumising ngayon dahil may pupuntahan daw kami ni Tristan. Ewan ko ba dito. Makayaya naman akala mo mas alam niya tong buong Manila kesa sakin. Pero syempre pumayag din naman ako. Tutal magaling naman na ako at wala ng sakit.

Naalala ko, malapit na din pala yung kasal nila kuya. Ilang buwan na lang ikakasal na siya. Haaay. Ganito na lang kabilis yung panahon. Teka. Tama na nga sa drama. Maliligo muna ako.

---------------

"Iha, andyan na si Tristan sa baba at hinihintay ka." sabi naman ni manang sakin.

"Ah sige po manang. Pasabi na lang po na mabilis na lang po ako. Salamat."

Lumabas na si manang sa kwarto ko. Ako naman, inayos ko na yung sarili ko at kinuha na yung bag ko. As usual, wala sila mama dito. Ako lang ulit at si manang ang tao dito. Mga workaholic. Tsk!

"Let's go?" tanong niya sakin at nilahad niya pa yung shoulders niya.

Tumango lang ako bilang sagot at naglakad na kami palabas.

"Ummm... San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya nung naka-upo na kami dito sa kotse niya.

"Ako ang bahala." sabi niya sabay wink sakin.

"Aba. Makasabi ka nyan parang alam na alam mo na to ha." pagbibiro ko sa kanya. Sa totoo lang, hindi naman mahirap pakisamahan si Tristan. Sa loob kasi ng isang taon halos siya ang nakaka-chat ko at nakapag-lagayan na kami ng loob. Di katulad ni Brad.

Haaay... Brad na naman ba? Umiling-iling na lang ako dahil sa naisip ko. Bakit ko ba siya naisip?

"Trisha are you okay?" tanong ni Tristan sabay hawak sa shoulder ko.

"Huh? Oo naman."

"You sure? Baka nahihilo ka pa o baka masama pa yung pakiramdam mo. You know, we can go outside tomorrow or anytime you want kung magaling ka na."

"Tristan relax. I'm okay." hinawakan ko naman yung kamay niya at ngumiti.

"Okay. Sabi mo eh." then he started driving.

Okay naman ako. Okay lang. Okay na okay. At FEELING OKAY. Pero sa totoo lang tinatago ko lang tong nararamdaman ko. Sa totoo lang, masakit pa din yung ginawa ni Brad sa akin. At sa totoo lang, nasasaktan pa din ako hanggang ngayon. Kahit sorry man lang niya hindi ko narinig. Tch. Bakit pa pala magsasayang ng oras para sa isang katulad ko na ORDINARY FAN lang naman. Na kung ituring niya ay balewala. Na walang iportansya.

Oo galit ako sa kanya. Pero mahal ko pa din siya. Si Tristan? Mabait siya. At isa yun sa ideal boy ko. Pero anong kwenta nun kung hindi ko din naman siya gusto?

Pero tulad nga ng sabi ni Tan, i-try ko daw na pakisamahan si Tristan. At wala naman daw masama kung gagawin ko yun. Kaya eto, pumayag ako na lumabas kasama siya.

Sana maging masaya ako dito sa desisyon ko.

Terrence's POV

Pag-dating ko sa condo ko, si Tanya agad ang bumungad sakin.

"Oh c'mon Tanya, I'm tired." panimula ko. I know this girl. Baka daldalan lang ako nito.

"May kailangan kang malaman Terrence." teka mukhang may nangyari ah.

"What happened?" tinatamad kong tanong.

"Trisha passed out."

Teka...
.
.
.
.
.

"WHAT?! Trisha passed out?! Anong nangyari?!" natataranta kong tanong. Sa mukha kasi ni Tanya talagang seryoso siya. Mangiyak-ngiyak na nga siya eh.

"Hindi ko alam. Ang importante pumunta ka na sa ospital. Ite-text ko na lang kung saan. Kailangan ko pang iuwi yung kotse niya."

"Thank you Tanya." binaba ko na agad yung mga bagahe ko at dali-daling bumaba.

Kailangan ko siyang maabutan. She needs me.

---------------

Pagka-baba ko ng sasakyan, dumiretso agad ako sa may information.

"Miss, saan ang room ni Trisha?" tanong ko habang hinihingal. Ewan ko na lang kung maintindihan niya pa yung tinanong ko.

"Wait lang po sir. Iche-check ko lang po." sabi niya at nag-search sa computer. Wow. Buti naintindihan niya pa yung sinabi ko.

"Private Room number 28 po sir. Sa second floor. Kumaliwa na lang po kayo--"

"Sige! Salamat!" hindi ko na pinatapos yung sinasabi nung babae at tumakbo na ako dun sa room na sinasabi niya.

Bigla naman akong napa-hinto nung nakita kong lumabas si Brad sa kwarto na yun. Nakaramdam ng panghihinayang. Mas nauna pa pala siya kesa dito.

Napansin kong medyo malungkot siya at natataranta. Nakatulala lang siya at naka-tingin sa malayo. Ni hindi nga niya ako napansin eh. Dumiretso na ako dun sa room ni Trisha at dahan-dahang binuksan yun. Mas nakaka-lungkot yung nakita ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Yakap-yakap ni Tristan si Trisha. Ganito na ba? Ganito na lang ba lagi? Ako na lang ba lagi ang masasaktan? Wala na ba talaga akong pag-asa?

Bigla akong nabalik sa katinuan ko nung narinig ko yung sinabi ni Tristan.

"Trisha mahal kita matagal na." hindi ko na kinaya yung mga narinig ko. Nakita ko. And at same time, nararamdaman ko. So, I think hindi na niya ako kailangan kasi andyan naman si Tristan sa tabi niya eh.

'Umuwi lang pala ako dito sa Pilipinas para sa wala.' sabi ko sa isip ko.

"Ano?! Bakit daw?!" rinig kong sigaw ni Tanya. Naka-uwi na pala ako sa condo ko.

"What the?! Anong ginawa ni Brad kay Trisha?!" teka. Tama ba yung narinig ko?

"Terrence ano ba?!" sigaw ni Tanya nung inagaw ko yung phone niya.

"Anong nangyari kay Trisha?" seryosong tanong ko sa kanya. Alam naman niya sigurong seryoso ako ngayon.

"Aish! Pinutol mo tuloy usapan namin ni Con!" impit na reklamo niya. Sinimangutan ko siya at tignan ko siya ng masama.

"Eto na sasabihin na. Umamin daw kasi si Trisha kay Brad kanina. And Brad rejected her. And that's one of the reason kung bakit nahimatay siya."

"Teka! Nahimatay si Trisha? Brad rejected her? One of the reason? Can you please fucking explain this Tanya?" iritadong tanong ko sa kanya. Shit ka Brad!

"Yeah. One of the reason. Kasi kakagaling niya din lang sa sakit at pinilit lang niyang pumasok kanina." tipid niyang sagot.

"Walangyang Brad yan. Humanda siya sakin."

---------------

Just An ORDINARY FANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon