JAOF 47: Hurts Like Hell

25 3 2
                                    

Chapter 47

Tristan's POV

Biglang nawala si Brad habang nasa kalagitnaan kami ng pamamasyal dito sa campus. Madami din pala ang nakaka-kilala samin dito. May mga Vampette din. Nagpapa-picture sila, nagpapa-sign.

"Asan na kaya si Brad?" pagtataka ni James.

"Baka naman nahila na ng fan kanina di lang natin namamalayan?" pag-aalala ni Connor.

"Let's just find him." sabi ko naman sa kanila.

Kung saan-saan na kami napunta pero ni walang anino ni Brad ang nakita namin. Bigla ko namang naalala si Trisha.

"Bumalik muna kaya tayo kay Trisha?" suggest ko sa kanila. Bigla namang napa-tingin sakin sila James, Connor at Tanya na may nakaka-lokong ngiti.

"It's not what you think. Malay niyo andun si Brad di ba?" they just shrugged at nag-simula na silang lumakad papunta sa room ni Trisha.

Sumunod naman ako sa kanila at mas nauna pang nag-lakad.

"Di ka rin excited na makita si Trisha nuh?" pamimilosopo ni Tanya.

Lumingon lang ako sa kanila at ngumiti ng malapad. Mas binilisan ko pa ang takbo ko para mauna kong makita si Trisha. Para kasing may humihila sakin papalapit sa kanya.

Huminga ako ng malalim nung nasa tapat na ako ng hadgan.

"... Wake up! Fuck!" teka. Boses ni Brad yun ah!

Kumaripas naman ako ng takbo papunta sa room ni Trisha at nakita ko siyang walang malay at hawak siya ni Brad.

Automatic naman akong pumunta sa kanya.

"Anong nangyari sa kanya?!" natatarantang tanong ko sa kanya.

"I d-don't know! Bigla na lang siyang nahimatay tapos nung hinipo ko yung noo niya sobrang init niya!" pati si Brad natataranta din.

"Let's take her to the clinic!" sabi niya at binuhat na niya si Trisha palabas ng room.

Kinuha ko naman yung mga gamit niya at sumunod na din kay Brad.

"Oh my God! Trisha! What happened?!" naiiyak na tanong ni Tanya samin.

"Mahabang kwento. Tara na sa clinic! Tanya, ituro mo samin yung clinic!" kahit na sobrang bilis na ng takbo ni Brad, iniingatan niya pa din si Trisha. Yung ibang estudyante na natira dito sa campus ay nagulat sa kanilang mga nakita. Pero ni isa walang sumubok na lumapit samin. Alam naman siguro nila ang sitwasyon ngayon.

"Anong pong nangyari?" tanong ng nurse dun sa clinic. Halata namang nagpapa-cute siya samin.

"Bigla siyang nahimatay habang umiiyak siya. Tapos hinawakan ko yung leeg niya at sobrang init niya." pagpapaliwanag ni Brad. Teka, umiyak?

"Bakit umiyak si Trisha?" bigla akong sumugod sa kanya.

"Teka lang ho, pwede bang isa lang ang maiwan dito?" pagmamakausap nung mas matandang nurse and I think mga nasa 40+ na siya.

"Ako na ang maiiwan." I want to know the reason kung bakit siya umiyak.

"Sige, Tristan take care of her okay? Ako na ang bahala sa mga gamit ni Trisha." sabi naman ni Tan habang naka-sandal kay Connor na maluha-luha.

Tinignan ko naman si Brad at mukha din siyang natataranta.

'Ano ba talagang nangyari?' tanong ko sa isip ko. Feeling ko kasi may kinalaman si Brad dito.

After 1 hour...

Andito pa din ako sa clinic at nasa tabi ko si Trisha na naka-higa pa din. Hawak-hawak ko yung kamay niya. Ang sarap pala sa feeling ng ganito. Pero parang ewan lang ako kasi hindi naman niya alam na hinahawakan ko yung kamay niya.

Bigla namang gumalaw yung kamay niya na hinahawakan ko. Hindi ko pa din ito binitawan at unti-unti akong tumingin sa kanya at gising na pala siya.

"T-Tristan?" tanong niya? Yung mga mata niya, namamaga. Yung boses niya, ibang-iba.

"What happened Trisha?" alam kong may problema siya kahit hindi ko siya ganun kakilala. Bigla naman siyang umiyak. Wala akong magawa. Wala akong magawa kundi yakapin lang siya at hayaang gumaan ang pakiramdam niya.

Trisha's POV

Ang sakit ng ulo ko. Ang blurred ng paningin ko. Pero feeling ko may naka-hawak sa kamay ko ngayon. Pinipilit kong lumiwanag yung paningin ko.

Teka, tama ba tong nakikita ko? Puti na ceiling? Nasa ospital ako? At si Tristan yung humahawak sa kamay ko?

"T-Tristan?" yung boses ko nanginginig. Yung mata ko parang mahapdi pa din.

"What happened Trisha?" naalala ko na naman yung mga nangyari kanina at bigla na lang akong napa-iyak. Niyakap naman ako ni Tristan at ilang minuto lang kaming ganun ang posisyon hanggang sa medyo gumaan na yung pakiramdam ko.

"I'm sorry." I faked a smile. "Na-iyakan ko yung damit mo." tumawa ako ng mahina at yumuko.

"Ano ba talagang nangyari Trisha?" sincere na tanong ni ztristan. Ini-angat niya pa yung baba ko para lang matignan ako.

"Ang sakit Tristan. Ang sakit-sakit." nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Kahit kelan talaga ang iyakin ko.

"Saan ang masakit? Uminom ka na ba ng gamot? Teka, tawagin ko yung nurse gusto mo?" pwede na ba akong tumawa kahit umiiyak? Hindi yun yung point ko eh.

"Tristan hindi yun. Masakit dito oh." tinuro ko yung dibdib ko. Siguro naman gets na niya agad to.

"Dahil ba kay B--"

"Oo dahil kay Brad. Ang sakit-sakit! Bakit ganun Tristan? Bakit?!" sinuntok-suntok ko na yung dibdib ko pero nararamdaman ko pa din yung sakit. Hinila naman ako ni Tristan at niyakap ulit.

Buti pa siya. Buti pa si Tristan.

---------------

Vote, comment, follow and BE A FAN.

Ganito na lang ang rule, kapag umaabot ng 5-10 votes per chapter, maga-update ako ng 5 chapters. Okay ba yun? This is dedicated to Hannah. Happy birthday! 🎊🎉🎊 😘😘😘

Fb: Trisha Mae Alamillo Burgo
Twitter: @TriiishaMae & @PHTheVampettes
IG: trishamae_vampettes.smiler

Just An ORDINARY FANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon