JAOF 56: Terrence And Natalie?!

9 2 0
                                    

Chapter 56

Trisha's POV

"Spill." sabi ko kay Tan and sipped my frappé.

"Nalaman niya kasing papunta daw dito ang The Vamps kaya sumunod siya."

"What?! How?" naguguluhang tanong ko.

"I-I don't know." sagot niya at uminom din ng frappé.

"Sinabi mo nuh?" pambibintang ko sa kanya. Knowing her, madaldal to. Kaya baka sinabi niya.

"Hell no! Bes, nalaman ko na nga lang na andito siya pagka-lapag ng eroplano niya eh. Syempre nagulat ako. At humingi siya sakin ng pabor na kung pwede eh wag ko daw munang sabihin sayo na nandito siya. Sinunod ko lang yung sinabi niya."

"And then? Bakit niya sinuntok si Brad?" pinaningkitan ko si Tan ng mata at mas lumapit pa sa kanya.

"Nalaman niya kasi *gulp* na nahimatay ka at ni-reject ka ni *gulp* Brad. Hehe." bigla siyang nag-peace sign at napapikit ng dahan-dahan.

"Sinabi mo?" kalmadong tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot.

"Tanya naman! Bakit mo sinabi?!"

"Bes nag-aalala kasi ako sayo. At ayoko namang paglihiman ang pinsan ko. Kailangan niyang malaman ang totoo. I'm sorry okay? Sorry." maluha-luha niyang sabi at biglang yumuko.

"I'm sorry din bes. Nagpadala ako sa emosyon ko." tumabi ako sa kanya at niyakap siya.

"Bumalik na tayo sa lobby. Nag-text na si Con sakin eh." yaya naman niya.

"Eh di wow. Tara na nga. Nakakahiya naman kasi sa inyong dalawa." I act na parang nagtatampo ako. Pero sa totoo lang hindi. I'm very happy for Tan. For them. Sana magtagal sila.

"Ito naman. Nagtatampo. Wag kang mag-alala, magkaka-boyfriend ka din. It's either Brad or Tristan. Hihihi." pwedeng kiligin? Joke. Pumunta na kaming lobby at tama si Tan. Andun si James at Connor.

*****

"Is it true? Nandito si Natalie?" tanong ni James.

"Eh isumbong mo ba namang sinuntok ni Tristan. Eh malamang pupunta yan dito."

"Teka, teka. Tama ba yung narinig ko? Si Rence ang sumuntok kay Brad hindi si Tristan." pagco-correct ko sa kanila.

"Hindi Trisha. Kahapon, sinuntok ni Tristan si Brad. Buti na nga lang at nagka-bati agad silang dalawa eh." pagpapaliwanag ni Connor.

"B-bakit sinuntok ni Tristan si B-Brad?" nakakapag-taka lang kasi. Ano namang pinag-awayan ng dalawang yun? O baka naman nagka-pikunan?

"Um, it's not our right to tell the reason why. If you want, you can ask Brad or Tristan." sabi ni James.

'Bakit ba ayaw nilang sabihin sakin?' tanong ko sa sarili ko.

'Baka naman ikaw yung dahilan.' sabi naman ng konsensya ko.

"Hello?" biglang may tumawag kay Tan kaya napa-lingon ako agad sa kanya.

"Really?! Thank God! Asan ka? Pupuntahan kita." sino ba yun? Makapag-salita akala mo wala si Connor dito sa harap namin.

"Sino naman yun aber?" tanong ko at pinaningkitan siya ng mata.

"Uhm... Si... Si ano... Si... Terrence."

"Si Rence? Asan daw siya? Sasama ako sayo." natatarantang sabi ko. Kailangan ko siyang maka-usap.

"Sumama ka na lang sa akin. Dun tayo sa kotse ko." yaya niya at hinila ako. Pero bumalik siya at biglang kiniss si Connor.

"Ewww. Gross." bulong ko. Eh tama ba namang mag-PDA dito? Ang dami pang tao dito sa lobby ha.

"Is that the way of saying goodbye to Connor?" iritadong tanong ko sa kanya.

"Bes, ganyan talaga. Kailangan may spark sa relationship niyo." sabi niya with matching kindat pa.

"Spark, spark ka dyan. Eh kung kuryentehin kaya kita? Hmp!"

"Ito naman. Hindi mabiro. Sakay na." pagka-sakay ko, bigla niya ng pinaandar yung sasakyan.

*****

"Trisha?" bukambibig ni Rence sabay lapit sa akin. Halata sa mukha niya na masaya siya.

"What have you done?!" tanong ko sa kanya. Napaatras siya nung sumigaw ako. Ako kasi yung tipong sumisigaw lang kapag sobrang galit na ako.

"Trisha, ginanti lang kita. Sinaktan ka niya."

"Hindi yan ang tamang katwiran Rence!"

"Trisha he deserves that! Pagkatapos lahat ng naramdaman mong sakit, kulang pa yun sa kanya! He deserves it cause he hurt you!"

*PAK!*

"You don't have the right to hurt him. Hindi mo ba alam ang pwedeng mangyari sayo sa ginawa mo sa kanya?" this time, kumalma na ako.

"Are you concern of me? Or you're just concern of Brad? Come on Trisha, wala kang maloloko dito. Alam kong mahal mo pa din siya. Alam kong mahal mo pa din yung taong kahit kailan, hindi ka kayang mahalin. Kahit kailan, hindi kayang tapatan ang pagmamahal mo."

*PAK!*

Another slap for him again. I'm so sorry Rence.

"OO ALAM KO! ALAM NA ALAM KO YAN RENCE! PERO BAKIT KAILANGAN MO PANG IPAALALA?!" I started to cry so hard. Yung tipong hindi na ako maka-hinga kakaiyak.

"Trisha, tama na yan. Terrence please stop this." pagmamaka-awa ni Tan. Pinipilit niya akong patahanin pero hindi ko magawa. Iyak lang ako ng iyak.

"Hindi Tanya! Kailangan niyang malaman ang totoo. Sabi nga nila di ba, the truth hurts? Kaya siya nasasaktan ngayon dahila ng totoo, hindi siya mahal ni Brad--"

"Stop it Terrence! Bitter ka lang dahil hindi ka pa nakaka-move on kay Trisha! Dahil hindi mo din tanggap na hindi ka niya kayang mahalin!" nagsimula na ding sumigaw si Tan.

"Excuse me? Who's Trisha--" nagulat ako nung biglang sumulpot si Natalie sa harapan namin.

"Sa totoo lang, naka-move on na ako kay Trisha." nag-smirk siya at biglang lumapit kay Natalie.

"Hey I know you--"

Literal na nanlaki yung mga mata namin ni Tan nung nakita naming hinalikan niya si Natalie.

"Kami na nga eh." sabi niya and left us dumbfounded.


Just An ORDINARY FANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon