Isang cliché story sa buhay ko...
Ang magkagusto sa isang taong iba naman ang gusto. Hayayay! Nganga din. -_-
Actually, hindi ko alam kung KAILAN nagsimula itong nararamdaman ko sa kanya.
Eww. Corny ko. -_-
Pero ang alam ko lang, ay kung PAANO ito nagsimula.
PANG-AASAR.
Nagsimula ang lahat dahil sa pang-aasar ng ISANG KAIBIGAN na lumaki at naging pang-aasar na ng BUONG BAYAN, este, mga kaklase ko.
***
29th of August 2011, birthday ng adviser namin nung first year at hindi kami nagpapansinan ng kakontrahan ko sa buhay ko, ang BEST FRIEND ko.
Nasa covered court kami ng school namin, dismissal na kaya okay lang na mag-stay sa baba. Dun namin hinihintay ang adviser namin.
Dahil nga wala akong makausap, sumandal na lang ako sa isang poste dun...
Tingin sa bubong, sa harap, sa tabihan, sa harap ulit, at sa taas ulit.
Pagtingin ko sa harapan ko, may papalapit na isang poste, este tao pala. Kinausap nya ako sandali, nagpalinga linga sya sa paligid sandali, at nagulat na lang ako sa sunod nyang ginawa.
Syempre hindi nya ginawa yung iniisip nyo. Hindi nagdampi ang dapat magdampi. Duuuh. Second year High School pa lang kami ano.
Ang totoo nyan, nilock nya ako sa poste na sinasandalan ko. -_-"
Ini-lean nya ang isang kamay nya sa poste na yun at tinitigan ako ng malalalim nyang mga tingin.
GAAAAAAAAHD!
Nanlaki siguro yung mga mata ko nun. Ewan. Di ko na matandaan. Syempre inappopriate yun at baka may iba pang makakita, kaya walang anu ano, tinulak ko sya sa dibdib. Tinignan nya ulit ako ng nakangisi, este nakangiti. Bwisit na lalaki yun. -_-
Vice President ng klase ta's ganun. -_-
Umalis na din sya at napatingin naman ako sa baba. Chugas na yun! -_-
Ilang sandali lang, may nakita akong babaeng balyena sa harap ko. Joke! Kaibigan ko yun! XD
Ang nakakainis lang, tumatawa sya. Eh di malamang, nakita nya yon. ><
Inasar asar nya ko tungkol sa nakita nya. Syempre kunwari nainis ako sa ginawa nung lalaking yun.
Nyaaaaaa. KUNWARI lang daw. Ang landi ko. XD
Pero, seriously? Hindi ko naman talaga ginusto yon. Nagulat lang talaga ako non.
Ang totoo nyan, ang inaasahan kong gumawa sakin non ay yung mga ex-crushes ko. Si Jake, si Karl, pero mas masaya kung yung Koreano kong crush!
Pero... "EH?" naman. Nasa mundo ako ng realidad. Asa pa kong mangyari yun. Kahit nga biro lang o sa panaginip, di mangyayari yun eh. -_-
***
Yun! Simula nun...
Inasar na ako ng kaibigan kong si Lorragne Angela R. Almazan. Pero nung time na yun, di pa ko nagkakagusto sa lalaki kanina.
Nagtataka nga rin ako kung bakit hindi ko kaagad nagustuhan ang isang RED DELOS SANTOS na kaklase ko na taga-dyan dyan lang, na may kapatid na 2 or 3 years yata na mas matanda sa kanya, na may alagang aso.
Siguro dahil hindi naman sya yung boy-next-door na type.
Sya ay snob, moody, parang lasing magsalita, weird, magulong kausap, seryoso, parang ewan minsan, may pagka-green din na minsan ay kinwento pa nya sakin ang isang video na napanood nya tungkol sa condom
susme! curiosity kills nga naman
matalino naman sya, magaling mag-analyze, math wiz at ayaw sa science
YEY! MAY COMMON NA SAMING DALAWA, ayaw nya sa science ^^
Pero kahit sa mga imperfections nya, tingin ko sa kaloob looban nya, merong malambot na side sa kabila ng pagiging matigas nya at ma-pride.
Yung mga imperfections nya siguro ang nagustuhan ko sa kanya, besides sa mga pang-aasar ng mga kaklase ko. -_-
Pero tingin ko nga, ang unang dahilan ay ang mga pang-aasar nila. Dun ako nagsimulang ma-develop sa kanya.
At yun ang masakit. Ako lang ang nahulog! (TT0TT)
Hindi ba pwedeng "You jump, I jump"? Ajujujuju! \(TT0TT)/
***
Sana lang kasi kaya kong i-voice out itong nasa kaloob looban ko. \(TT0TT)/
Red! Gusto kita!
Kahit nga sa chat o text di ko magawa ang mag-hi man lang at magsimula ng mga topic na tanging sya lang ang magbibigay ng kwenta.
Sa mga school or class related lang. \(TT3TT)/ ajujuju
Hindi ko nga rin gaanong mapa-sweet-an man lang mga sagot ko sa kanya sa chat o text tungkol sa nga school matters o galaan ng klase.
Hindi ko rin madamihan ang mga emoticons. Huhuhu!
Mahirap na. Baka lalong maging awkward sa aming dalawa. Eh di lalo akong kawawa. \(T3T)/
Pero alam ko naman na kahit mai-voice out ko sa kanya ang nararamdaman ko, hindi pa rin nya ko papakinggan kasi may iba nang sinisigaw ang kaluluwa nya. \T0T/
I'm feeling so helpless.
Red, hindi mo ba talaga ako pwedeng sambutin? (_ _ ;)
BINABASA MO ANG
It Started With A Tease
Teen Fiction"It all just started with those teasing, and now, I'm screwed." Hay, high school.