III - They Don't Know About Us, Neither Do You

86 3 0
                                    

Pag bakasyon at walang mapuntahan, syempre tambay tambay din sa loob ng bahay. Pahila-hilata, pakain kain kung may pagkain. Pero syempre bored pa rin.

Nung malapit nang mag-gabi, syempre, on ang instagram, twitter at facebook simula pa kaninang umaga...

Nakita ko ang post ni Red. Kung normal ba daw na tubuan ng wisdom tooth ang isang taong hindi pa nga fifteen. -_-

Aww. Mas matanda nga pala ako sa kanya ng...five months. :|

Pero hindi naman yun eh.

Sa pagkakaalam ko kasi, sabi sakin ni Eloise dati na kaibigan ko, sobra daw masakit pag tinutubuan ng wisdom tooth.

Kaya naman tinanong ko sya kung masakit nga yun. Nagmessage ako sa kanya sa facebook.

Ilang oras din naman, nareply ang baliw. Masakit nga daw yun.

"Oo. Bakit? Tinutubuan ka na ng wisdom tooth? O.o" -eloise

"Hindi pa."

"Eh sino? Ba't mo natanong?" -eloise

"Nahahalatang hindi nagtitingin sa news feed eh."

"Tinatamad nga ako. Ayokong magscroll ng magscroll. Sino nga kasi?" -eloise

"Tingin tingin din sa news feed pag may time. Kung gusto mo sa twitter mo tignan ikaw bahala..."

"So ikaw nga?" -eloise

"Hindi nga. -_-" ang kulit ng lahi nito.

"Eh sino? Si fitch?" -eloise

"Ewaaaaaan. Hulaan mo. Lalalalala"

"I knew it. Si fitch nga."-eloise

"Sya nga. Nakuha mo din!"

"Oy. May cheber nga pala ako sayo!" -Eloise

Oh may cheber daw ang baliw. (cheber: kwento)

Tch. Ano naman kaya yun?

Tinanong ko kung ano nga ba yun pero mas prefered daw na sa personal nya sabihin. Aish. Pabitin pa tong isang to.

Tinanong ko naman kung bad news ba o good news...

Sabi nya lang... 

Medyo bad news pero sa kabila daw nun, good news pa rin daw.

Haaaa? Ang laboooo. -_-

Kaya sinabi ko na lang na magbigti na lang sya kung bad news rin naman. Pero syempre pabiro lang yun. Uso eh. Hopia tayo mga fre!

Pero pagkatapos nun, binigyan nya ko ng hint.

Hindi naman daw yun sa lablayp ng crush ko na si Red pero tungkol daw dun sa taong yun.

Eh? Ang labo talaga kausap nito.

Pero naintriga pa rin ako. Syempre tungkol yun kay Red eh. Ba't ko papalampasin?

"Spill!" reply ko sa kanya sa chat.

Pero bago nya ikwento, sinumbatan nya muna ako dahil hindi nga ako sumama sa bahay nung dati naming adviser dahil invited ang buong klase.

Sinabi ko na lang na tinamad ako at mas gusto kong matulog. dahil yun naman ang totoo.

Kinuwento naman nya.

Bale, pina-picture out nya muna sa akin ang eksena.

***

Nasa sala sya at nakaupo sa sofa kasama si Jean (Jin) at Marrianne. Sa paanan naman nila ay si Red na nakahiga sa carpet.

It Started With A TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon