**/**/**
4.20pm
Holiday
Chos. Hindi holiday. Cancelled lang ang klase dahil sa bagyo.
Nakahiga lang ako at sinasagutan yung reviewer ko para sa malapit nang college entrance examination, nang makatanggap ako ng text message galing sa kaklase ko.
Nandun yung shirt sizes para sa ipapagawa naming shirt para sa buong klase.
May iba lang daw nagpost nun sa group ng section namin. Nung tanungin ko kung sinong nagpost nun para magtanong, ang sabi, si pula daw.
Nasa isip ko naman, chance na to. Ayoko nang maging bitter. Kahit man lang sa text makausap ko na sya.
So yun nga nangyari, nagtanong ako tas sinagot naman nya. Nagthank you ako, nag "sure thing" sya.
Teka. Parang may kulang...
May hinahanap ako...
Walang " :) "
Fine.
Kasalanan ko naman eh.
Siguro nababasa nya din tweets ko dati na tungkol sa kanya o baka yung way ko ng pakikipag-usap sa kanya na hindi na ako makatingin sa kanya, sa tuwing magkasama sila ng Eris nya.
Fine. Sorry. Nagsisimula na naman ako. -_-
Ewan ko. Pero hinanap ko talaga yung smiley na yun.
Yung smiley na nagpapangiti sakin na at the same time, nagpapahirap sakin. Lalo na pag sa personal nya pinapakita yun pag nakikipag-usap sya.
Gaaahd. Ano na po bang nangyayari sakin?
Sinasabi kong gusto ko syang kalimutan pero heto ako at hinahanap hanap ang nakakasakit sakin.
Masokista na kung masokista. Pero kahit nga ako, di ko rin alam kung bakit nga ako nagkakaganito.
This has been my first.
Ang "masaktan" dahil sa "crush"? Nagpapatawa ba ko?
Hindi ko naman masabing...ERR...ayoko nang i-mention yung word na yun. Nacocornyhan na ako, at isa pa, baka mali na naman ako.
Sya yung unang taong nagustuhan ko na naikukwento ko sa nanay ko na dati rati naman inisnob ko lang pagdating sa mga sikreto ko at sa mga nangyayari sa buhay ko;
unang "crush" na naikukwento ko sa mga kaibigan ko;
unang magpakilig sakin ng sobra kahit wala namang katuwa tuwa;
unang tao na hindi ko mabura bura sa isip ko kahit anong gawin ko;
unang taong pinag-confess-an ko ng...ERR. alam nyo na yun;
una kong last dance? HAHA;
una kong nakaembrace na lalaki; (NOTE: SABI NUNG SPEAKER NAMIN SA RETREAT, YAKAPIN DAW NAMIN LAHAT)
At higit sa lahat...
UNA SYANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NASASAKTAN AT NADIDISTRACT NGAYON.
Ayun. These past few days naging bitter ako pagdating sa kanilang dalawa.
Inisip ko na...fine, "Ang malandi ay para sa malandi, magsama silang dalawa!"
Lahat na naibato ko na sa kanila (not literally na binato ko sila -_-), pinag-isipan ko sila ng masama, nakisama sa mga usapan na tungkol sa kanilang dalawa na hindi nila namamalayan.
Oo. Siguro pareho silang may mali.
Pero katulad nga ng lagi kong sinasabi, hindi maitatama ng isang mali ang isa pang pagkakamali, na ako mismo ang nakalimot.
Nagkamali din ako. Pinalaki ko lang lahat.
Kahit hindi lang naman ako ang nagkamali, at meron ding iba na ginawa yung ginawa ko, still, gumawa pa rin ako ng isang pagkakamali.
And I'm sorry for that. I swear, I'll stop bashing or whatsoever.
Hindi naman "kami" pero makapag-react ako, kala mo kung sino. Wala akong karapatan at nakalimutan ko yun.
Masyado lang siguro akong nasaktan? Eww. Sinasabi ko ba talaga to? HAHAHA. Okay. Nagpapatawa nga siguro ako. Tawa kayo, dali!
Basta. Masyado akong naging bitter kahit hindi naman dapat.
Sorry na lang.
I mean...
Sorry talaga.
Nakapag-sorry na ko kay pula pero sa text lang. Saka na sa personal, baka sa isang araw na, bukas, next time, ewan.
Dun kay babae, hindi pa. Basta. Darating din tayo dyan.
K.Bye.
Stay BEAUTIFUL everyone. :*
BINABASA MO ANG
It Started With A Tease
Fiksi Remaja"It all just started with those teasing, and now, I'm screwed." Hay, high school.