Pailang part na ba ito?
14th?
Pailang beses ko na rin bang nasabi na "ayoko na, tama na please"?
Pailang beses ko na rin bang sinabi na "Wala na. Limot ko na sya"?
At ilang beses ko na rin bang sinabi na "gusto ko pa rin sya"?
Paulit ulit na lang.
Ayaw. Gusto. Ayaw. Gusto. Ayaw...
At ngayon, GUSTO na naman? Lokohan na ba dito?
Kung isda siguro ako na nasa plastic na kinakalog, patay na siguro ako.
Sa nagbabasa nito, Oo. Gusto ko na ulit sya. Naiinis ka na ba?
Actually, hindi naman nawala yun. Pilit ko lang dinedeny kasi alam kong walang patutunguhan to.
Ilang linggo na mula nung prom. Yung prom na walang SYA. Yung prom na akala ko, SURRENDER NA.
So ito...maiba naman.
Graduating at tapos na ang final exams, meaning petiks na.
Pero joke lang yun.
May Seniors' Ball pang tinatawag. Hindi sya yung formal na formal tulad ng JS Prom. Kumbaga parang semiformal, ganun.
Yung gabing yun ay para samin at sa parents namin.
So kailangan naming maghanda ng program para sa parents na parang bonding na din naming batchmates esp. classmates.
Supposedly, naghahanda na kami ng week na to. At sa susunod pang linggo.
Pero yan. Yung iba nagpapractice, pero karamihan nagsiupo lang, yung iba movie marathon, tulog tulog, ganun.
In short, medyo boring. Walang kwenta. HAHAHAHA
Pero nung mag-uuwian na, kailangan ng maglinis ng room kaya kumuha na ko ng walis at dinamayan si Lorragne sa paglilinis.
Sila Eloise, Mindy, at Kathleen naman nakaupo malapit sa may pintuan at nagwalala, este pasing along sing along na lang.
Lumapit ako sa kanila at umaktong ilalapit ko sa mukha nila yung walis na hawak ko.
Pero nung nilayo ko yung walis sa kanila, di ko alam na dadaan pala si Pula at nasa likod ko na din.
Eh di ayun, natamaan ko sa mukha.
"Hala! O_O"
Yun na lang nasabi ko at nakatakip ang bibig na pumunta sa pinakalikod na part ng room.
Nakakahiyaaaaa!
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko nun.
Sino ba naman kasing hindi magugulat at mahihiya?
Yung taong akala mo hindi ka na papansinin kahit kelan nahampas mo ng walis sa mukha~
Hindi man lang ako nakapag-sorry. o.O
Inabangan ko na lang ulit sya sa may pintuan.
Habang nakaupo ako dun, naisip ko na ito na yung 'langyang "chance".
Makakausap ko na sya. Shet.
Anong sasabihin ko???
"Huuuy. Sorry. Di ko sinasadya. Di ko naman alam na dadaan ka. Soery talaga!"
Madami pang pumasok sa isip ko na way ng pagsosorry. Pero nung nandyan na ulit...
Peace sign na lang nagawa ko at ngumiti na parang napahiya.
Ngumiti lang sya sakin at sinabing okay lang yun.
⊙﹏⊙
Ngumiti sya.
Ngumiti sya.
Ngumiti sya.
Ngumiti sya.
⊙﹏⊙
Nginitian nya ko ng totoo.
Nginitian NYA AKO.
Nginitian nya AKO.
Nginitian nya AKO.
Yung TOTOO.
We're fine right? ●﹏●
Ansayaaa! ●▽●
Pero nakakaguilty pa rin. Hindi ako nakapagsorry ng matino.
Kaya pagkauwi na pagkauwi ko, nagbukas ako ng facebook at nagsorry sa kanya.
"Huuuy.
Sorry ulit dun sa kanina ha. Yung sa walis... Naalikabukan ka tuloy, sa mukha pa. Sorry talaga. Di ko sinasadya yun. :|
Congrats din pala sa pagiging salutatorian! :)"
Offline sya pero sinend ko pa rin.
30minutes after...
Red Delos Santos: "Haha ayos nga lang yun. Thank you :)"
Matutunaw na ba ko sa smiley na yun? ⊙﹏⊙
Nagreply naman ako...
":) Basta sorry haaa. Kk. Ang kulit ko na. Sige sige! :D"
Wattdaaaa. Ang kiri. HAHAHA!
"Seen. ✔"
Pero syempre may smiley pa din. :DD
Haaay. Okay na ulit. Nginingitian nya na ulit ako pag nagkakatinginan na kami sa room. :))
So itooo. Para na naman akong t****.
Wala eh.
Mahal ko na eh.
Tae. Mababatukan na ko ng mga kaibigan ko kapag nabasa nila 'to. Sabihin nila. Kinikilabutan sila sa pinagsasabi ko dito. HAHAHA.kk
BINABASA MO ANG
It Started With A Tease
Teen Fiction"It all just started with those teasing, and now, I'm screwed." Hay, high school.