II - Last Dance

106 3 0
                                    

Naalala ko nung prom night namin nung 3rd year high school pa lang kami.

Almost halfway of the promenade, boring talaga at nakakaasar lang. Kayo ba naman ang diktahan ng mga teacher na nandun kung anong gagawin nyo.

Kumain ng pagkaing not worth the payment, na mapapaisip ka talaga kung san napunta sa binayad mo eh sa school nyo din naman ginanap yung js. Tss.

Naalala ko ang mga mata kong hinahanap ang isang tao.

Hindi sya yung lalaki sa naunang kwento, okay.

Fine.

Lalaki yun.

Crush ko din.

Pero dati yun, Bago ko nalaman na nagkagusto na ko kay Red.

Patrick pangalan nya, senior, at hindi nya ako kilala.

Nang-stalk pa nga ako nun at gumawa ng isang facebook account para sa kanya. Pero syempre, matagal na ding deactivated. :p

Mabait sya. Hindi sya snob, hindi masungit, etc... 

In other words, opposite nya si Red

Mababaw lang naman pagkagusto ko dun.

Lol. Mababaw pa pala ang gumawa ng isang secret facebook account para lang hindi makilala. XD

Basta yun na yun. At sya nga yung hinahanap ng mga mata ko nung gabing yun.

Nag-dare kasi kami ng kaibigan ko na pag tumugtog yung mga mga kantang gusto naming pakinggan, pag turn na ng babaeng pumili ng partner, aayain namin yung ex-crushes namin.

Meaning... 

By that time, "ex" crush ko na yung Patrick na yun. Lels.

Maka-"ex" naman ako, akala mo naging kami. XD

Basta yun na yun.

Pero ilang oras na ang lumipas at hindi talaga tumugtog ang gusto naming mapakinggan...

Sooooo nakakadisappoint. -_-

Pero okay na rin kasi hindi naman natapos ang gabi ng...

Hindi kami niyayang magsayaw ng present crush namin!!!!!!!

Yepp! 

Nakasayaw ko po si Red! Wahahaha!

Sya lang naman ang nagpasaya ng gabi ko.

Nung isinayaw nya ko, dun ko lang naramdaman ang "JS Promenade"

Hindi ko makalimutan kung pano ko sya titigan nun pag sa iba sya nakatingin.

Buti na lang kinakausap nya ko kahit papano.

Gentle naman yun pag talagang kayong dalwa lang ang nag-uusap. Alam mo na...

Basta! Mabait yun!

Nung medyo napansin kong parang antagal tagal na naming nagsasayaw dun...

(well, hindi naman talaga sya ganun katagal, konti lang talaga pinag-uusapan naman)

tinanong ko lang kung okay pa sya, kung di pa sya ngalay or whatsoever.

Charr! Syempre concerned naman ako! :p

Sinabi nya naman na okay lang daw sya.

And guess what's next!!!

Tinanong din nya kung okay ako!!

Fine. Mababaw kung mababaw. Masaya ako eh. Bakit ba?

Pero seriously, medyo nagiging awkward na din kasi ang atmosphere.

Ilang minuto lang din, sinabi ko sa kanya na okay na. Yung bang "Tara?"

Tch. Basta! Yun na yun.

Hinatid nya naman ako sa upuan ko...

Syempre nag-thank you naman ako.

Teka, nag-thank you nga ba ako? 0_0

Pero...

Kyaaaaaaaaaaa!

First dance with him, first holding hands with him...

Best feeling ever!

Sayang lang hindi ko napakinggan kung ano yung nagplay na song nung nagsayaw kami.

Ganun nga siguro talaga.

Tumitigil ang mundo pag yung gusto mo ang kasama ko.

Wahahaha. Ang deep ko naman. XD

After nung sayaw na yun, umubob na lang ako sa table at dun nagblush ng nagblush. >3<

Buti na lang talaga kaya kong pigilin ang kilig pag nasa harap ako ng mga tao lalo na sa taong gusto ko!

At yun ang talent ko! XD

Syempre may mga lumalapit...

Pero kung hindi ko tatanggihan, ituturo ko na lang yung mga kaibigan ko na katabi ko.

K. Fine. Ang sama ko.

Pero...

Duuuuuh? 

Yung crush mo na nga yung last dance mo eh, sisirain mo pa ba?

Syempre hindi diba? 

Sana lang kasi nung last minutes, ako naman nagyaya sa kanya.

Pero unfortunately, hindi ko sya makita. At for sure, may kasayaw yun. :(

Kaya ayun. Umupo na lang kami ng mga kaibigan ko at nagpicturan kuno.

Ang gamit namin ay isang camera at isang phone.

Nagpapapicture kami kasama yung phone kung san, dun naka-flash ang korean crush ng bawat isa.

Baliw na kung baliw.

Pero sorry.

Ganun talaga pag magkakaibigan na ang nagsama.

PDA na.

Public Display of Abnormality.

It Started With A TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon