Second day ng Leadership Training, umaga wala sila pareho, si Red at Eris. Mag-U-UPCAT eh.
Madami dami din namang wala. Kahit nga si Eloise wala din ng umaga kahit 12.30 pa naman sya mag eexam.
Medyo ayos pa ko nung umaga kasi nga wala silang dalawa. Ayoko pa silang makita eh. Masyadong masakit sa mata.
Pero nung after na ng lunch break? Ayun nagdatingan na yung iba, kasama si Red.
Wala pa si Eris nun. Baka malelate.
Or better kung di na lang sya pumunta.
Bitter na kung bitter.
Sabihin na lahat ng gustong sabihin tungkol sakin.
Sinubukan ko namang di na lang tignan si Red kasi nga maaalala ko lang yung nalaman ko kahapon.
Naka-group na kami nun. Wala akong kaklase na ka-group puro taga ibang section at year level. Loner men, loner.
Ang masaklap pa, sa group namin napunta si Red, pero buti na lang nakasama din si Rick sa group namin para atleast may makakausap naman ako.
Nung nasa labas na kami para sa team building, dumating na din si Eris kasama pa yung isa pa naming kaklase, at ang masaklap na naman, sa group pa namin sila nakasama.
Oh well, doorbell, eh di magkakasama kaming tatlo. Isn't it just great?
Nandito rin si Dane pero wala naman sakin na kagroup ko sya, kasi simula pa nga nung nag-transfer sya sa school, parang may kakaiba akong feeling na gusto ko syang maging kaibigan.
Basta yung parang naramdaman ko din nung nagkakilala kami ni Jean. Atsaka sabi naman daw, wala na sa kanya yung dati nila ni Red.
So yun nga, iniiwasan ko na lang na mapatingin sa kanya, sa kanila I mean.
Nung pagkatapos nung unang activity, nagsama sama yung dalawang group.
Kaming group seven at yung group six.
Buti na lang may sumingit sa gitna nilang dalawa. Kundi magkatabi na naman sila.
After din nun, magkakasama pa rin kami tapos may dumagdag lang na isang group.
Yung activity na yun, kailangan gayahin naming lahat kung sino man yung may hawak nung certain object na binigay samin.
Nung sakin na napatapat, ito sinabi ko na ginaya naman nila.
"I have the ball."
"I hate the ball"
"And I throw it"
Gets? Sorry sa bola na yun. HAHA.
Natapos na rin yung training. Nung hinihintay na lang namin matapos yung elementary, para na naman akong shunga na tulala habang pinaglalaruan yung bote ng tubig na hawak ko.
Okay, yung mga katabi ko nag-uusap, ako, tahimik lang na nakatingin sa sahig.
Hindi ko na rin hinanap kung san sila nakaupo kasi pakinig ko na rin naman boses nila.
Malapit lang sila sakin, kaya umub-ob na lang ako at ginalaw galaw yung paa ko para naman hindi ako mag-mukhang natutulog.
Tinakpan ko na rin yung tenga ko kasi ayaw ko rin silang mapakinggan.
Naiinis lang ako sa babae.
Kasi nga alam naman nya sigurong may boyfriend na sya, tapos kung makadikit pa sya sa ibang lalaki, ganun pa.
Hindi naman sa sinisiraan ko sya dahil sa ginagawa nila ni Red...
Kasi kahit naman sino ganun naman siguro ang sasabihin.
Yung boyfriend nun, lagi syang naaalala, samantalang sya?
Ayun lumalandi.
Sorry for the term. Wala na talaga akong maisip na ibang word para idescribe yung ginagawa nya.
Judgemental na ba ko masyado?
I won't be sorry for that.
Kasi yun naman yung nakikita ko eh.
From now on, wala na akong pakialam. Bahala na sila.
Ito na yung simula. Ayoko na talaga.
BINABASA MO ANG
It Started With A Tease
Teen Fiction"It all just started with those teasing, and now, I'm screwed." Hay, high school.