Promenade ulit.
Mas maayos yung naging itsura nung lugar kesa nung last prom.
Maayos din yung naging flow ng prom kahit hindi pa rin libre gawin ang gustong gawin.
Pero halos nabangko lang ako buong gabi. Nakakaiyak. HAHAHA.
Yung mga photos sa camera ko, konti lang, tapos puro pictures lang nung rose na bigay ng partner.
"Partner" kasi hindi uso ang "date" samin.
Prom night.
Yung gabing inisip ko na isang chance.
Chance para makausap sya ulit.
Kahit pala anong pilit kong kalimutan lahat, wala pa ring magbabago.
Gusto ko pa rin sya.
First dance, si partner ang nakasayaw. A Thousand Years pa nga yung kanta eh. SAYANG.
Second, si dating classmate. Hindi pa rin sya.
Third...fourth...
HINDI PA RIN.
Ladies' choice...
Chance ko na diba?
Pinuntahan ko ba sya?
HINDI pa rin.
Bakit?
Kasi babae ako. Hindi magandang gumawa ng first move ang isang babae.
Kahit na ako yung umamin sa isang lalaki. Tama na siguro yun. Tama na, as in okay na yun. Wala nang susunod.
Pero sabi ko rin, baka wala nang ibang pagkakataon para makapagtanong ako sa kanya kung okay pa ba.
Kung okay pa bang magkagusto sa kanya...
Kung okay pang tignan sya sa malayo...
Kung okay ba ang lahat lahat sa kanya...
Lately, naging mailap ako sa kanya tulad nang ginagawa nya.
Gusto ko lang kasing makalimutan na nagkagusto ako sa kanya. HAHA! As if kaya ko nga!
Gusto ko lang din itanong kung okay lang ba sya...
Kung naeembarrass ba sya na may gusto ako sa kanya kaya lumalayo sya.
Bumilang ako ng isa hanggang sampu.
Kasi sa loob ng sampung segundo, kung makita ko sya, lalapitan ko sya.
Nakita ko nga sya sa pang-walo.
Pero inalok nya ang kamay nya sa iba.
Nagbilang ulit ako sampu sa sunod na kanta na nagplay.
Hindi ko sya nakita.
Another five seconds...I said.
Pero di ko pa rin sya nakita.
Men's choice na.
Naka cross-fingers kong hinintay sya.
Pero wala talaga. Antanga ko. Assuming pa. HAHAHA. Asa ka namang lapitan ka nun!
Nagbilang ulit ako, sa tatlong segundo, kung makikita kita, kahit may kasayaw ka pang iba, I'll take the courage na tumayo at lapitan ka.
Pero hindi pa rin kita nakita.
Last music na yata pero wala na. Ayoko na.
Tinawag ang senior girls at junior boys para sumayaw sa gitna.
Wala yung partner ko kaya sumama na lang ako sa dalawa kong kaklase na wala ding partner.
Sabi nung isa, "Yun si Red oh. Nakaupo na. Kunin natin, dali!"
Hindi ako tumingin.
"Chelsea, ayun oh. Yayain mo na."
"Ayoko nga." Kahit may part sakin na nagsasabing, ito na yun.
"Daisy, ikaw nga, kunin mo si Red."
"Sige. Sige. Ay wait! Dapat si Chelsea."
"Sus. Kayo na lang. Ayoko din naman dun."
Kahit GUSTONG GUSTO KO.
Pagkatapos nun, nanahimik na ko. Kahit kaibigan ko, hindi ko na kinausap ng maayos.
Sa pag-sundo sakin ng kapatid ko, pinauna ko lang sya kasi ayokong makita nya ko. Pumunta kami sa sasakyan and put my earphones on.
Ayoko munang makipag-usap kahit kanino.
Kahit pakinig ko ang mommy ko na nagtatanong, nagbingi bingihan lang ako.
Pero one time, sinagot ko rin sya at sinabing ayos naman yung naging prom. Nakakasakit lang ng paa.
Nung nakauwi na ko, naglog on muna ako sa facebook ko, kinamusta din ng daddy ko yung JS. Parehas lang din sinabi ko.
Yeah. Ruined night it is.
Walang kwenta. Doomed.
I woke up 11am the next day.
Yun pa rin ang unang pumasok sa isip ko, pagdilat na pagdilat na pagdilat ng mata ko.
Pinanood ko na lang yung cd na binili ko.
Pero the more na gawan ko ng paraan para hindi ko sya isipin, lalo lang nagugulo ang utak ko.
Haaay. Bahala na.
Pag siguro tumigil na ko sa pagdedeny, baka tumigil na din to.
Baka sakaling tumigil din tong kalokohan/kabaliwan na to pag hindi ko na tinatanggi 'TO.
Ang totoo daw ay yung mga bagay na hindi na kailangang ipangalandakan pa sa iba.
So...kung ipangalandakan ko bang gusto ko sya, magsisimula nang maging kasinungalingan yon?
BINABASA MO ANG
It Started With A Tease
Novela Juvenil"It all just started with those teasing, and now, I'm screwed." Hay, high school.