Back to Red na.
Di naman katagalan, first week ng August, nagkaron kami ng Leadership training ang kasama lang dun ay ang mga officers ng Student Council, CAT officers, at president at VP ng bawat section at clubs.
At dahil ako'y president ng isang club, eh di kasama rin ako. x)
Syempre excited ako kasi first ko yun at last na rin at the same time.
Nung una, syempre disappointed. San ka ba nakakita ng training na puro talk? Medyo naging boring sya, actually, kasi nag-eexpect ako ng mga outdoor activities o kung ano pa man na hindi ganun na salita lang ng salita. -_-
Pero ice na rin naman.
Bakit? Kasi malapit lang sakin si Red tas napalayo yung si Eris dahil ko. Pinaupo ko kaagad kasi dun sa tabi ni Red yung anak-anakan nun.
Kaya kahit di kami mag-usap, ayos lang kesa naman makakita ako ng naglalandian sa harap ko.
Nung lunch, okay kasama ko yung mga girls maglunch. Para nga lang kaming nagpipicnic kasi sa damuhan lang kami kumakain. Haha
Hanggang sa sikuhin ako ni Eloise at may tinuro.
"Alin ba?"
"Ayuuun"
"Saan?"
"Ayun kasi oh. Dun sa may pababa" (para kasing slope yun na ewan)
Kita ko nga naman. Magkasama na naman silang dalawa. As in silang dalawa lang.
Okay. Medyo masakit. Masakit sa mata. Sa puso na rin. <|3
Pero sinabi ko na lang na, "Okay? Tapos? Ano naman?"
"Tss. Ang landi talaga nung lalaking yun. Di na ko boto dun para sayo."
"Tss."
Tinuloy ko na lang pagkain ko. Mas importante yun ano!
Kk. Bitter-bitteran.
Pero bago matapos yung first day ng training, may tinanong sakin yung anak-anakan ni Red na babae. "Alam mo ba yung ano daw, yung gusto daw ni Red sa babae?"
Syempre ako'y dakilang chismosa, nag-pay attention ako. Haha
"ano daw?"
"Eh sabi lang sakin to ni Dane. Yung daw babaeng marunong daw makipag-flirt." nagulat naman ako dun. Kaya bigla akong napaisip.
So...yung nakikita ko pag sila ni Eris magkasama, hindi lang yung laro laro lang para kay Red?
Totoo ba yun na gusto nga ni Red yun?
Seryoso ba talaga?
Bakit naman ganun?
Alam nya namang may gusto ako sa kanya ah.
Okay. Yung letter nung birthday nya? Dun ko sinabi lahat.
Pero bakit nga kasi ganun?
Dapat ba akong matuwa na pag kinakausap nya ko lagi syang nakangiti,
na ang bait bait pa nya o dapat bang mainis kasi lalo nya kong pinapaasa?
O baka naman kasi...si Eris yung dahilan kaya ganun na sya, yung palangiti...
hindi dahil sa sinabi ko dun sa sulat na palagi na syang ngingiti...Gaaahd. Masyado akong nag-assume.
Alam mo kasi yun?
Alam ko naman na wala akong karapatan, pero bakit naman kasi ganun?
Harap harapan?
Bastusan na ba?
Ang sakit kaya.
Ang sakit magmukhang tanga.
Kasi kung ako naman sya, mas mabuti pag i-ignore ko na lang yung nagkakagusto sakin tapos saka ako lalandi kung gusto ko man.
Napaka-insensitive naman kasi eh. Ang sakit kaya.
Kaya ayun, umuwi kami ng nakasimangot ni Melissa at brokenhearted.
Tapos pagbalik namin ng school (sa ibang lugar kasi yung training eh), nakita ko na naman silang magkasama.
Dala ng emosyon, para akong tanga dun na may padabog dabog pa kunwari. HAHA
Nakakatanga na kasi. Di man lang ba nya naisip na may nasasaktan na sya?
Baka nga tama sila.
Baka nga wala naman talaga syang pakialam sa ibang tao. Tss.
Stupid. I'm so stupid para paniwalaan na mali yung mga sinasabi nila.
Nung naglalakad pa nga lang kami ni Melissa nung una, di pa gaanong nagsisink in.
Ewan ko ba. Siguro di ko lang matanggap, kaya habang nagmomonologue sya habang kasabay ko, nakikinig lang ako at hindi nagsasalita.
Siguro nga masaya na talaga sya.
"Oy, may adju daw. Tara mag-welcome!" -Eloise
"Tara!" -Mindy, Jean, Reeza
"Ikaw? Sama ka?" -Eloise
"Sus. Baka hindi yan. Tignan mo oh, parang lasing."
"Ha? Ah eh, hindi na. Titignan ko pa yung kapatid ko kung nakauwi na. Ipagtatanong ko dun sa mga driver dun total naman kilala na kami dun sa may sakayan." poker face kong sinabi. "Ay, yung reviewer pa pala! Mindy, kunin na natin?"
"Kulang nga pera ko"
"Ha? Baka pwede namang saka na lang dagdagan yun. Tara."
Kinuha na namin yung xerox copy namin tapos nagpaalam na din ako sa kanila.
Pagkarating ko dun sa sakayan, sinabi nila sakin na kanina pa nga daw nakauwi yung kapatid ko.
Nakaupo na ko eh. Hinihintay ko na lang na umalis yung trike. Kaso nasakin yung original copy nung reviewer. Eh baka gamitin nung kaklase ko kinabukasan kaya naisipan kong bumalik kasi baka nandun pa yung may-ari.
Saktong nakasalubong ko si Jean kaya sumabay ako sa kanya papunta dun sa inuupahan nila. Nakihiram na rin ako ng shirt kasi medyo basa na ng pawis yung damit ko dahil sa training.
"Magugulat yung mga yun na kasama na kita pabalik"
Pinilit ko na lang na ngumiti. Alam din naman nya na BH ako eh. Kaya yung tono nya kanina parang casual lang.
Yun nga bumalik kami ng school, sinoli ko na rin yung reviewer at dumaan muna ng blessed sacrament (chapel) kasama sila.
Yun nga nag-welcome kami ng bagong Adjutorians. Masaya naman sya kaya medyo nabawasan yung...lungkot ko?
Nakitext na rin naman ako kay Jean sa mommy ko kasi nga gagabihin ako ng uwi.
Ayun. Ayos naman.
medyo nabawasan yung cargo cargo ko. HAHA
BINABASA MO ANG
It Started With A Tease
Ficção Adolescente"It all just started with those teasing, and now, I'm screwed." Hay, high school.