XV - Appreciated Yet Unrequited

66 2 9
                                    

Naglog-in ako sa twitter at nakakita ng tweets tungkol sa April Fools.

Bigla ko tuloy naisip na 'bakit hindi ko kaya i-fool si Pula?'.

Ito ang una kong tinype sa messenger...

"Hoy. Gusto pa din kita!

HAPPY APRIL FOOLS! ^^v"

Pero binura ko din.

Parang may nagdigta sakin at the back of my mind na ito ang sabihin ko,

"Tanda mo yung letter? Nung birthday mo?

Wala lang.

Ikaw pa rin kasi. Lumala pa, Red. Sobra. Shit lang diba? HAHAHA.

Lalagyan ko na ba ng happy april fools? Hahaha. Sorry."

So, yun nga ang tinype ko bago i-click yung send.

Ano bang ginawa ko?!

Pinapakaba ko lang ang sarili ko.

Hindi ko inexpect na magrereply sya. Hindi dahil sa off sya ha. Pero dahil feeling ko iisnobin nya lang yun.

Pero nagkamali ako.

After 38 minutes, nagreply sya, at ito ang sinabi nya,

"bakit ka nagsosorry? I should be the one apologizing, for not reciprocating. Sorry kung English, nahihirapan lang tlaga akong itagalog eh"

After 38mins sya nagreply! 38minutes.

Tae. Di ko ineexpect to. Ang ineexpect ko kasi iisnobin nya lang talaga yun. Akalain mo nga namang pinansin ako.

Mas nalinawan ako sa nabasa ko. Para kasing sa kanya ko na din mismo napakinggan (nabasa -_-) na wala talagang kahit konting pagtingin. HAHAHA. As in wala. HAHAHA

Syempre nagreply pa din ako.

At ito na yung naging flow...

AKO:

"Hindi naman kailangang ganun ka din sakin eh. Pinaasa ko lang talaga  sarili ko. Haha. Wala eh. Kung ganun talaga, ganun nga siguro talaga.

Salamat na lang siguro sa kasi kahit nung sinabi ko pa sayo na may gusto ako sayo di mo pa rin ako iniwasan.

Okay na yun. I'll try stopping this madness. Basta. Salamat sa pagiging isa sa mahahalagang tao sa high school life ko."

SYA:

"thank you rin, sobrang bait mo kasi. Di ko talaga makakalimutan nung papunta tayo kina sir dex (ata?) tapos parang nagbiro si Lem ang baho ko tapos pinagtanggol mo ko. Alam ko naman na di un dahil ng kahit ano, pero first time atang may nagsabi ng ganun para sakin x)

thank you rin dahil naging part ka ng hs life ko :D"

AKO:

" Hindi yun yung papunta kina sir moreno. Di ako nakasama nun. Haha"

SYA:

"oo nga eh xD sorry di ko tanda ung details. Shunga kasi ako. Pero di ko talaga malilimutan ung ginawa mong yun"

YUN NA YUN.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHURTHURTHURT.

Nung time na yun parang gumaan ang loob ko.

Akala ko madadalian na ko. Hindi pala.

Eh pano naman kasi yun?

Ang hirap kaya.

Lalo na kasi sa fact na lahat lahat na ng tungkol sa kanya minahal ko na.

Tae. please, wag nyo kong pagtatawanan.

Oo. Lahat sa kanya minahal ko na, hindi lang yung gusto ko lang sa kanya, lahat lahat, pati yung mga ayaw ko sa kanya. AS IN LAHAT LAHAT NA.

Kaya panoooo??

Paano ko magagawang kalimutan na minahal ko na tong taong to?!

Hindi ko alam ah. Pero nung sinabi ko sa kanya na susubukan kong tigilan na tong kabaliwang to, akala ko magiging madali na. Kasi Parang binunutan na ko ng tinik nun nung sinabi ko. Pero bakit ganito??

Tas kahit anong pilit kong mag isip ng ibang bagay, yun lang pumapasok sa lintik na utak kong ito.

Bago matulog, yun naiisip ko. Pagdilat ko ng mata sa umaga, yun din. Panoooo??

Putangina, Red. Potaaa.

Sorry sa words. Pero naiintindihan nyo naman siguro diba?

For more than 2 years Minahal ko sya. Oo, nung umpisa siguro hindi pa ko sigurado.

Pero yan na oh. Sobra na kong nakakaramdam ng sakit.

Magdududa pa ba ako? Magdedeny pa ba ko?

Ewan ko ba. Lintek na poste naman kasi yan. Dyan nagsimula lahat. Ipagiba na yan!!!

"Sa oras na minahal mo na ang maganda at hindi maganda sa kanya, sa oras na nahulog ka na talaga sa kanya, hindi ka makakabangon agad agad. Masasaktan ka muna ng napakatagal, magiging manhid din ng matagal, at saka ka pa lang siguro makabangon ulit. Tatlong stages pero mahaba-habang proseso. Hindi basta basta."

It Started With A TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon