Angel's POV
Hay. Nakakapagod pala magsipag sa klase. Kahit si Dan lang naman ang nasa isip ko. HAHA. Nakakatawa no? Isang beses ko pa lang siya nakikita eh di na agad mawala sa isipan ko. Ganun ba kalakas ang impact niya saken. Hay basta saka ko nalang siya iisipin.
"Hello Angel san ang punta mo?" tanong ni Yuki saken. Sino si Yuki? Siya lang naman ang new friend ko dito. Blockmates kami. Buti nga kinausap ako ni Yuki kanina kahit lutang ang pagiisip ko sa klase.
"Ahh Ikaw pala. May training pako eh. Sasali ako sa SF Cheering Squad. Ngayon ang start nang training nila eh." sabi ko sa kanya na parang na-amaze ang mukha sa mga narinig.
"WoW! Sasali ka? Galingan mo ha.. Ang galing kaya ng Squad nang school na to." sabi niya.
"Matagal na kong cheerleader halos 8 yrs na. 2 yrs lang ako nahinto at ngayon babalik na." sabi ko na medyo payabang na dating. HAHA dapat lang ipagmalaki ang pagiging cheerleader.
"Ah ganun ba? O Sige una na ko. Madami pa kong gagawin eh. First day na first day dami agad assignments" sabi niya na medyo inis.
"Hala! Oo nga pala no? Pano yan? Wag na lang kaya muna akong magtraining ngayon. Tutal first day naman eh" sabi ko. Hay Oo nga pala madami kaming assignments ngayon kailanagan matapos yun. Kakausapin ko na lang si Coach mamaya tutal first day naman.
"O pano una nako Angel? Kita na lang bukas" buti na lang pinaalala nito ni Yuki kundi yari ako sa mga profs ko.
"O Sige ingat ka Yuki. Salamat sa pagpapaalala" pagkasabi ko nun bigla na lang siya umalis.
At our House..
10:00PM
Facebook Conversation..
"Hey Angel bakit di ka pumunta kanina? Hinihintay kita eh" patay si Coach Jay chinat ako. Teka anong sasabihin ko?
"Sorry po coach dami kasing assignments today. Di na po ako nakapagsabi" sabi ko na medyo kinakabahan. Nakakatakot pa naman kapag nagalit si Coach Jay. Di mo talaga magugustuhan.
"Its ok Angel but next time magpapaalam ka ha" sabi niya. Hay buti naman di nagalit. Bait talaga ni Coach. Hehe.
"Salamat po Coach pero bukas talaga aattend na po ako" sabi ko habang nakangiti.
"Oh I forgot to tell. Our trainings is MWF only. So it means walang training bukas? Ok" Ayy ganun? HAHA pero ok lang pwede pa kong maglibot sa school.
"Ahh ganun po ba? Sige po out na po ako." reply ko. HAHA buti na lang.
"O Sige Angel. See you on Wednesday. Bye!" pagtapos ni Coach.
End of Conversation..
Bigla na lang sumagi sa isipan ko ulet si Dan. Hay bakit ba di kita makalimutan. Ano bang meron sayo at nagkakaganito ako. Na-love at first sight ba ko sayo? Hay nakakaines talaga! Makagawa na nga lang ng assignments.
Maaga pa pala ang pasok ko bukas 9:00AM. Kailangan ko nang matapos to. Time check 11:15PM. Hay gabing gabi na nako po. Dami pa nito. Kopya na lang kaya ako kay Yuki bukas? Tama kokopya na lang ako sa kanya tutal mukhang matalino naman siya. HAHA yan ang tawag sa masipag na bata.
Next day..
At Arco University.. (Room)
"Good Morning Angel" bati saken ni Yuki. Tamang tama maaga siyang pumasok pwede pa kong makakopya nang assignments.
"Good Morning din Yuki. Ahh nga pala pwede bang pakopya na ibang assignments naten?" tanong ko pero bigla nagiba ang itsura ng mukha niya. Luh..
"Bakit di mo natapos? Di ka naman nagtraining kahapon ahh?" nako po parang ayaw pa magpakopya nito ah. Mabola nga. ^_^
"Eh kasi kinausap ako ni Coach eh medyo natagalan ang paguusap namen kaya ganun. 10PM nako nakasimula gumawa ng assignments. Kaya di ko natapos. Sige na please?" sana bumigay ka na please. Habang maaga pa! HAHA.
"Hay nako Angel. Kung di lang kita friend di na kita papakopyahin" sabi niya. YESS! Makakagawa na din ako.
"Salamat talaga Yuki. Hulog ka nang langit" biro ko sa kanya. Pero bigla naman siyang ngumisi.
"Pero may kapalit? Libre moko mamayang lunch" nako humirit pa. Sige na nga tutal papakopyahin naman ako nito.
"Sure. Pahiram na?" ayos na to kaysa naman di ako pakopyahin.
"O eto na. Next time ha. Wala nang kopya kopya" di ko rin masasabi. HAHA ^_^
"Oo na" pagtapos ko.
Habang nasa klase. Daldal lang ng daldal ang Prof namen. Kaya nakakatamad halos mapapikit na nga ko habang naglelesson siya eh. Nakakaantok naman kasi tong subject na to. AB Comm ang course ko pero may Math pa din na subject. Hay nakakabaliw to.
Mamayang lunch break ililibre ko pa si Yuki tulad nang ipinangako ko sa kanya. Pasama na rin kaya ako sa kanya maglibot sa buong campus para naman malibang kami. I-take out na lang namen yung bibilhin namin mamaya.
Bell rings..
"Hay salamat lunch break na. Tara na Yuki?" sabi ko sabay tayo sa aking upuan.
"Tara!" yaya niya. Bilis talaga nito basta libre. HAHA ^_^
Habang naglalakad kami papuntang cafeteria bigla na naman sumagi sa isipan ko si Dan. Nga pala di ko pa nakukwento kay Yuki si Dan. Nako for sure kikiligin yun pag kinwento ko.
"Yuki nga pala may kukwento ako sayo" sabi ko pero di pa din nagbabago expression ng mukha niya.
"Ano yun? Dali kwento mo na" excited?? siya na!
"Nung first day kasi nung class. Yung hinahanap ko yung room naten. May nakabangga ako student. Mukhang 3rd yr na." sabi ko na habang nakangiti na kinikilig.
"O ano meron dun sa nakabangga mo?" sarkastikong pagkasagot niya. Ano meron.
"Ang gwapo kasi kaya ayun. Hehe na-love-at-first-sight ata ako. Di ko siya maalis sa isipan ko eh." sabi ko habang nakangiti pa din. Bakit ba eh sa gwapo eh.
"Talaga? Ano name? Dali sabihin mo na!" abay biglang nabuhay. Wag na no? Akin lang si Dan bawal ka nang umepal. Sorry Yuki Hehe ^_^
"Secret. Saka ko na sasabihin kapag nagkita ulet kami" sabi ko. Nadismaya naman ang itsura niya. "Basta pakilala mo yan sakin ha." sabi niya. Ewan ko. HAHA bahala na. Damot eh no? Kala mo pagmamayari ko na si Dan. HAHA.
"Sige ba." sabi ko. "Sabi mo yan ha" sabi naman niya.
Habang I-tetake out na namin yung pinamili namin. Halos magunaw ang mundo kong nang makita siya! Di ko alam ang gagawin ko para bang bumilis yung tibok nang puso ko na di malaman ang dahilan? Na-love-at-first-sight na ba talaga ako? O sadyang gwapo lang siya kaya nagkakaganito ako.
Lalong bumilis ang tibok nang puso ko nang papalapit na siya! May gawwdd. Habang palapit na siya bigla ko na lang nasabi yung pangalan niya. Na kinagulat naman ni Yuki.
"Si Dan!"
[AN:// Sorry late update.]
dearMayo13
BINABASA MO ANG
My Cheerleader Lover
Teen FictionMeet Angel, also known as "Star Flyer" in the world of cheerleading. Can she still soar as a Star Flyer after meeting this man? A man who shatters her heart-can she continue to fly despite all the heartbreak? A lover who can bring her down and leave...
