MCL Chapter 1

627 8 3
  • Dedicated kay @fall_inlove_with_strangers13
                                        

Angel's POV

Facebook conversation..

"OMG!!! Sige po tatanggapin ko na po yung offer niyo. Magtetraining na po ulet ako Coach Jay. Alam ko po na isa kayo sa pinakamagaling na coach, Coach Jay" sabi ko habang ka-chat si coach.

"Hay nako Angel wag mo na kong bolahin. Kilala na kita. Kaya kita tinanggap kasi alam kong magaling ka. Sayang naman skills mo kapag di mo magamit" reply sakin ni Coach Jay.

"Hehe. Syempre naman po. Kaya nga tinanggap ko na po yung offer niyo eh" reply ko naman.

"Good to hear that dear" sabi ni Coach.

"O sige po out na po ako. Text niyo na lang po ako sa ibang info. Salamat po Coach" reply ko na may halong ngiti sa aking mukha.

"O sure my dear. Bye Angel" pagtapos niya.

End of conversation..

Nag-out nako sa fb pagkatapos maka-chat si Coach Jay. Akalain mo yun may tatanggap pa pala sakin. Buti na lang si Coach Jay yun. Isa sa pinakamabait na Coach sa Cheerleading World.

Hay malapit na pala magpasukan no? Excited nako kasi makakapagtraining na din ako. Sana ma-maintain ko pa din ang skills ko. Hirap kaya maging cheerleader lalo na kapag magaling! HAHAHAHA!

Ay oo nga pala bago ko makalimutan. Ako si Angel Tenito 18 years old. Halos 8 years na po ako nasa Cheerleading World. Bali 2 years po akong natigil sa pagiging cheerleader. Tagal no? HAHA ayos lang basta maganda at sexy pa din. HAHAHAHAHA!

Halos matuwa ako nang malaman ko na may mahuhusay na cheerleader ang member ng SF Cheering Squad na kasama doon. Oo sa Arco University ang balak kong pasukan na school at AB Comm. ang balak kong kunin na course pagpasok ko.

Ang Arco University ay isa sa member ng UBEL Schools. Kaya mas lalo akong natuwa. UBEL yun eh aarte pa ba ko? Kahit last place sila nung last UBEL Cheerdance Competition 2012 ayos lang kasi alam ko binigay nila ang best nila.

After 3 months..

At Arco University..

Sa wakas. Back to School na! Excited nako mamaya pero bago magtraining kailangan ko munang pumasok kasi 5pm pa ang training namin.

"anu ba yan di ko mahanap yung room ko" inis na sabi ko.

Lakad lang nang lakad. Halos di ko na nga makita yung dinadaan ko. Sige lakad pa din. Hanap pa din. Hanggang may nabangga akong estudyante.

"Ooops sorry miss" sabi nung nabangga ko. Wait mukhang di freshmen ito ah. Higher year na. Siguro mga 3rd year o 4th year. Makapagtanong nga.

"Excuse me. Kuya pwede po bang magtanong?" tanong ko. OMG! Ang gwapo niya! Heaven ang mukha niya! Di mo maiwasan tingnan! Grabe di ko na kaya! WAAAAAAHH.

"Miss ok ka lang? Kanina pa kasi kita kinakausap pero di ka nakibo" pagkasabi niya. Bigla na lang nawala ang pagde-daydream ko kasi nakatitig lang ako sakanya!

"Oh sorry. HEHE.. a-ano? ahh s-saan nga po ulit? a-ahh s-sige po. Salamat p-po" utal-utal na pagkasagot ko sa kanya. hay grabe di ko na kaya to!

"Sige see you around? Hey ano nga pala name mo?" tanong niya. Ano sasabihin ko ba o hinde? Syempre sasabihin ko gwapo tong kaharap ko eh.

"A-angel" sabi ko. Na medyo nauutal pa.

"Ah. I'm Dan. Nice meeting you Angel. Ok see you around" pagkaalis na pagkaalis niya ay bigla na lang akong tumili!! AckHHHHH.

Ang gwapo talaga ni Dan. Di maalis sa isipan ko ang ma-ala-anghel niyang mukha. Kahit nasa klase ako siya pa din ang iniisip ko. Sana magkita ulit kami. Nako kailan naman kaya yun? Sana talaga makita ko ulet siya.

[AN: Ibibitin ko muna kayo..]

dearMayo13

My Cheerleader LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon