Angel's POV
SF Hall.. (CR)
Di pa din ako makamove on sa mga sinabi ni Kevin kanina. Hala baka nahuli na kami ni Dan. Pano na to. Di ba nga kasi bawal ang may relasyon sa squad? Remember?
Andito ako ngayon sa CR nagbibihis para maghanda na para sa training mamaya. Di ko pa din alam kung paano ako haharap kay Kevin. Hay nakakaines naman.
Flashback..
"Close pala kayo ni Dan? May pa-kiss kiss pang nalalaman huh"
O_O.
O_O
"Ah.. E-eh. Oo naman. Ganun naman kami lagi bago maghiwalay" pagdedeny ko sa kanya.
"Ang sweet niyo naman kung ganun" sabi niya. Parang di siya naniniwala. Mahirap na to.
"Oo ganun talga. Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng ganun na magkaibigan?" sana maniwala ka na Kevin. Ang hirap magisip ng dahilan sayo.
"Ahh. Matagal na ba kayong magkakilala ni Dan?" luh.. Ewan ko? Parang kailan lang naman kami nagkakilala eh.
"Oo naman. Since high school" pagsisinungaling ko ulit. Grabe naman tong magtanong. Ayaw paawat.
"Ahh. Matagal na pala kayong magkaibigan eh" may halong pagtataka mula sa mukha niya.
"Oo naman. Sorry di ko nakwento sayo ha. Baka kasi kung anong isipin mo tungkol samin"
"Ah wala yun. O sige magbe-bell na. Una na ako may klase pa ako" sabi niya. Hala anong oras na ba? Patay late na ako.
"Ako din eh. Sige see you later Kevin" paalam ko sa kanya. "Sige Angel" sabay alis niya.
End of Flashback..
Nangdahil sa paguusap namin nahiya na tuloy ako sa kanya. Ewan ko ba. Parang nailang na ako sa kanya. Si Kevin naman kasi kung ano ano pa ang mga tinanung eh.
Ayan tuloy. Bahala siya kapag hindi ko na lang siya pinansin.
After kong magmuni muni sa CR lumabas na din ako. Para pumunta sa loob ng SF Hall.
Nakalatag na din ang mats. Gaano ba ako katagal sa loob ng CR? at tapos na silang maglatag. Baka naman nakahalata yung sa tagal ko sa loob.
"Angel bakit ang tagal mo naman magbihis." sabi na eh. Yan si Kuya Jam. Ang pinakastrikto sa squad. Daig mo pa ang Captain eh. Pano kasi bakla eh. Kaya ganun.
"Ah.. Nagayos pa po kasi ako ng gamit kaya ganun" pagdadahilan ko. Kaasar talaga to.
*sabay irap niya sakin* Ewan ko ba pero hobby na niya ata ang pagirap eh. Kumbaga normal na lang sa kanya yun.
Maya-maya pa lang dumating na si Coach Jay together with my loves. Si Dan. Ang guwapo niya talaga kahit nakapang training clothes lang siya. Halatang halata mo na ang pagiging macho niya eh.
Nagulat naman ako kasi napatingin siya sa akin. Di lang basta tingin. Kumindat pa at ngumiti. Nang dahil sa ginawa niya. Kinilig na naman ako. Ang guwapo guwapo kasi ni Dan eh.
Eto talaga si Dan hindi nagiingat. Buti na lang wala nakakita sa ginawa niya. Nako kung nagkataon. Goodbye Cheerleading World samin. Kaso mukhang malabo naman mangyari yun. Maingat naman ako eh. Sana ganun din siya.
"Ok guys. Magstretching na kayo. Madami pa tayong gagawin for today" sabi ni Coach Jay. Hala ano ano kaya ang gagawin namin?
Pumunta na sa harapan si Dan para maglead. Ang cute niya talaga naka smile pa siya habang nagstestetch. Ganda ng mood nito ah. Alam ko naman ako ang dahilan eh. HAHA. Feelingera naman ako.
BINABASA MO ANG
My Cheerleader Lover
Ficção AdolescenteMeet Angel, also known as "Star Flyer" in the world of cheerleading. Can she still soar as a Star Flyer after meeting this man? A man who shatters her heart-can she continue to fly despite all the heartbreak? A lover who can bring her down and leave...
