Angel's POV
At our House..
8:15PM
Di ko talaga makalimutan yung mga nakita ko. Bakit ganito sa pakiramdam? Parang pinagtaksilan ako kahit di naman. Hay kailangan itigil ko na to mga nararamdaman ko para sa kanya. Baka mabaliw pa ko. Malay ko ba dun sa kahalikan niya malay mo Girlfriend niya. Sadyang assuming lang talaga ako.
Nako wag ko na nga isipin yun. Oo nga pala bukas magtetraining na ko. Sana naman mabait yung Captain para hindi mahirap makisama, specially yung mga members din. Sabi ni Coach mababait naman daw yun eh. Sana nga.
"Angel kumain ka na dito" sabi ni mama. Hay wala akong ganang kumain ngayon. Kasi naman eh.
"Mamaya na lang po. Una na po kayo." sigaw ko kay mama. "Bahala ka diyan ate!" sabi naman nang kapatid ko. Hay mag-ina nga talaga sila ni mama.
"Sige na mauna na kayo. Gagawa pa ko nang assignments ko" sigaw ko ulet. Sana tumigil na sila. Wala talaga akong balak kumain ngayon. Hay si Dan kasi eh.
Matutulog na lang ako nang maaga. Tutal maaga pa ang pasok ko bukas. Sana makatulog agad ako. Hayyss.
Next day.. Wednesday..
At Arco University (Room)
Habang naglelesson yung prof namin. Di ako makapagconcentrate nang dahil sa Dan na yan. Hay Angel kailangan mo na talagang itigil yan. Baka san pa mapunta yang nararamdaman mo.
Bell rings..
"Sa wakas tapos na ang klase" bulong ko sa sarili. Maaga natapos ang klase kasi may importante daw pupuntahan si Ma'am kaya yun.
"San ka na pupunta nito Angel? 5PM pa training niyo di ba?" tanong sakin ni Yuki. Oo nga noh. 1PM pa lang. Maaga pa nga. Tambay na lang kaya kami sa garden wala naman masyadong tao dun.
"Sa may garden na lang tayo pumunta. Pampalipas oras lang" sabi ko sa kanya. Sana pumayag to.
"Sige ba. Kaso una ka na dun may kukunin lang ako sa locker ko" sabi niya sabay punta sa locker niya.
Papunta na ako sa Garden na may nakasalubong akong babae na umiiyak. Ano kaya problema nito? Makausap nga.
"Miss ayos ka lang?" tanong ko dun sa babaeng umiiyak.
"Obvious naman na hindi diba? Tatanung ka pa?" sabi nung babae. Abay ang taray nito ha. Siya na nga ang kinocomfort nagtataray pa.
"Ay sorry miss ha. Nagmamalasakit lang po. Ako pa nasungitan. Sige po maiwan na po kita diyan ha" sarkastikong sagot ko sa kanya sabay alis dun.
Nakakabadtrip tong babaeng to. Nasira mood ko sa kanya. Siya na ng kinocomfort siya pa ang mataray. Dahil sa inis ko padabog akong pumunta sa garden.
"O mukhang badtrip ka ata ah" sabi nung lalaki.
O_o
O_O
Si Dan pala to!
Hala nakita niya kung paano akong magdabog. Pano ba to ano sasabihin ko? Sabihin ko ba nang dahil dun sa babaeng nakasalubong ko kaya ako nabadtrip. Para napakababaw naman nun.
"Ah kasi may makasalubong akong babaeng umiiyak. Sinungitan ba naman ako" sabi ko. Aba himala si na utal-utal ang pagkasabi ko.
"Ah ganun ba? Si Princess siguro yun" sabi niya. KIlala niya? Siguro siya ang dahilan kung bakit umiiyak yun. Baka inaway niya?
"Kilala mo pala yun?" tanong ko. "Oo. Haha hayaan mo na yun ganun lang talaga yun" sabi ni Dan. Hmmm bakit kay umiiyak yun? Nacurious tuloy ako. Wag ko na lang tanungin.
"Bakit ka nga pala nandito?" pagiba ko nang topic. "Wala. Tulad mo natambay lang. Sarap kasi ang simoy nang hangin dito eh. Nakaksrelax sa pakiramdam" sabi ni Dan. Tama naman siya eh. Nakakarelax talaga.
"Oo nga eh. Kaya nga lagi kami dito natambay ni Yuki eh" sabi ko.
"Ah parehas pala tayo." nakangiti niyang pagkasabi. "Angel may tanong akko sayo?" Hala ano kaya yun? Wag naman sanang mahirap sagutin. Nako po.
"Ano yun?" tanong ko. "Bakit di ka na utal utal pagkinakausap ako ngayon?" yun lang pala kala ko kung ano na.
"Siguro sinasanay ko na ang sarili ko na maging normal pagkausap kita" sabi ko. Hala bigla siyang ngumiti. Bigla tuloy bumilis tibok ng puso ko.
"Ganun ba? Masaya akong narinig sayo yan" now he's smiling widely. Dahil diyan mas bumilis tibok ng puso ko! Ano ba to!
"Hmm. Dan may gusto akong ipagtapat sayo?" di ko alam pero bigla na lang lumabas to sa bibig ko.
"Ano yun Angel? Na may gusto ka sa kin?" Hala pano niya nalaman? Ganun na ba ako ka-obvious?
"Ah eh. Oo eh. Halata ba masyado?" sabi ko. Nako po nakakahiya naman kay Dan. Assumera talaga ako.
"Di naman. Naramdaman ko lang" nakangiti ulit niyang sabi. "Di naman ako nahingi na gustuhin mo din ako. Gusto ko lang malaman mo na gusto kita" sabi ko. Hay ano ba tong pinagsasabi ko para hindi ako. Dapat ang lalaki ang nagtatapat sakin eh hindi ako.
"Wag ka magalala. Malay mo magustuhan din kita." sabi niya. Totoo ba tong narinig ko? OMG!! sana magkagusto din siya sakin.
"O sige una na ko. Quarter to 5 na." sabi niya? Hmmm Oo nga no? Bilis naman nang oras. Parang saglit pa lang kami nag-uusap ni Dan tapos pagtingin ko sa orasan Magpa-5 na?
"Ah sige. Salamat Dan." ngiting paalam ko sa kanya sabay alis niya. Bakit kaya wala pa si Yuki? Baka naman umuwi na yun. Oo nga pala may training kami ngayon kailangan ko na pumunta dun. Kundi yari ako kay Coach Jay ulit.
Yuki's POV
Hello readers. This is my very first POV in this story. Oo nga pala. Ako si Yuki Mendoza 17 yrs old. Same as course na kinuha ni Angel. Blockmates ko siya at friend ko din. By the way di ko na to papahabain.
Nakita ko si Angel na may kausap na guy dun sa garden. Papalapit na sana ako nang biglang makita ko ang mukha nung lalaki. Napaatras ako bigla.
Si Dan ang kausap ni Angel.
Tinignan ko lang sila habang naguusap. Parang tuloy stalker ang dating ko dito. Mas nabigla ako sa narinig ko sa paguusap nila.
Nag-confess si Angel kay Dan. Ano ba tong babaeng to walang ka-pride pride. Dapat ang lalaki ang mga umaamin hindi siya. Ano na lang kaya iisipin ni Dan nun. Na easy to get masyado si Angel. Hay bahala siya.
Di ko na lang sila nilapitan at umalis na lang. Mukhang enjoy na enjoy sila eh. Baka masira ko pa. Itetext ko na lang si Angel mamaya.
Angel's POV
SF Hall..
Dito pala ang training grounds ng SF Cheering Squad. Dami pala nang members. Sana naman lahat sila hindi masungit para naman hindi ako mahirapan makisama.
Makapagbihis na nga lang. Baka magstart na yung training. After na ilang minuto nakabihis na din ako ng training clothes ko.
Papunta na sana ako sa SF Hall na bigla ako nabigla sa mga nakita ko? Totoo ba to? O sadyang naiimagine ko lang siya? Hala hindi pwede to! At bakit siya ang naglelead sa harapan. Asan si Coach Jay? Hindi maganda ang nararamdaman ko. No! Hindi pwede.
because nakita ko si..
Dan na naglelead sa harapan. O_O.
[AN:// Long Update so far]
Yuki at the side ----->>
dearMayo13
BINABASA MO ANG
My Cheerleader Lover
Teen FictionMeet Angel, also known as "Star Flyer" in the world of cheerleading. Can she still soar as a Star Flyer after meeting this man? A man who shatters her heart-can she continue to fly despite all the heartbreak? A lover who can bring her down and leave...
