MCL Chapter 11

273 6 2
  • Dedicated kay fall_inlove_with_strangers13
                                        

Dan's POV

Nakita ko na lang ang aking sarili habang umiiyak. Bakit nga ba ako umiiyak? Iisa lang naman ang dahilan eh.

Pinaiyak ko lang naman ang babaeng

Nagpapasaya sakin..

Di ba nga dapat masaya ako kasi wala na akong problema. Makakapagfocus na ako sa mahal ko si Princess. Kaso mahal ko pa nga ba siya? O si Angel na ang tinitibok nito? *sabay turo sa puso*

Mahal ko na nga ba si Angel?

Siguro nga. Kasi masaya ako lagi kapag kasama siya. Nawawala ang pagod ko kapag kasama ko siya. Halos nakalimutan ko na nga na may girlfriend ako eh. Nang dahil sa kanya.

Bakit nga ba hindi na lang kami? Mahal  naman namin ang isa't-isa. Masyadong komplikado kapag  pinagpatuloy pa namin to.

Andito ako ngayon sa dorm ko. Anong oras na ba? 8:15AM na? Para wala akong ganang pumasok ngaun. Di ko pa kayang harapin si Angel O si Princess man lang.

Namalayan ko na lang ang aking sarili papuntang banyo para maligo. Hay maka pasok na ng lang. Kaysa naman dito sa dorm walang magawa. Oo nga pala nagdo-dorm lang ako kasi malayo ang tunay na bahay namin. Sa palawan

Nami-miss ko na nga ang pamilya ko eh. Onting tsaga na lang at gagraduate na ako. 

Hay tama na nga ang pagdadrama. Mga ilang minuto tapos na din ako maligo. Nagbihis na at sabay alis.

At Arco University.. (Room)

Pumasok na ako sa room at tamang tama nakita ko si Kevin. Nga pala siya si Kevin Salva. Member din siya ng SF Cheering Squad. Siya ang head master pagdating sa tumbling. Mas magaling pa sakin yan pagdating sa tumbling. Blockmates ko siya. HAHA bakit nga ba ako nagintroduce sa kanya? Wala lang trip ko lang.

"Ah Kev may assignment ka na?" tanong ko. As usual kokopya nang assignments.

"Pre, wala pa nga din eh. Sa iba na lang tayo mangopya" sabi niya. HAHA sabi na eh. Wala din to. Parehas lang kaming tamad. Pero pagdating sa quiz at major exams? Nako po sobrang galing namin. Aral talaga kung aral.

"Ge. Tapos pakopya na lang ng iyo kapag nakakopya ka na" sabi ko.

"Ge" tapos nangopya na siya sa mga classmates namin.

Bell rings..

Lunch break na sa wakas. Gusto ko makita si Angel. Text ko kaya siya. Wag na galit pa din sakin yun. Ano na gagawin ko? Hay bahala na nga.

Habang di kalayuan nakita ko si Princess na papunta sa akin. Bakit ganito pakiramdam ko? Parang di na ako masaya makita siya. Parang di na ako masaya makasama siya. Mahal ko pa nga ba siya? 

Bakit ba ganito nararamdaman ko. Tulungan niyo ako Lord. Nababaliw na talaga ako.

Di ko namalayan andito na pala siya.

"Babe? Ayos ka lang?" tanong niya sakin. Lutang pa din ako hanggang ngayon.

"Ah.. Eh.. Oo.. bakit naman hindi?" utal kong sabi. "Tulala ka kasi diyan eh. May iniisip ka ba?" tanong niya ulit. Ang kulit naman nito ni Princess.

"Wala. Ano nga pala ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Yayain sana kitang maglunch eh. Ok lang ba?" 

"Sige ba" sabi ko. Tutal wala na naman akong kasama maglunch. Si Kevin nauna na.

Cafeteria..

Angel's POV

Lunch break na din. Di ko kasabay si Yuki ngayon kasi may importante daw siyang pupuntahan. Di na nga siya papasok mamayang afternoon class eh. Bakit kaya? Siguro may boyfriend na to. HAHA

My Cheerleader LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon