MCL Chapter 13 [The Lucky Thirteen]

261 6 2
                                        

Angel's POV

Ano ginagawa niya dyan sa labas? Ano sa tingin niya mapapatawad ko siya? No way! pero kaya ko nga ba siyang tiisin?

Hay bwiset naman. Baka magising pa sila mama kapag nagpatuloy pa din siya sa pagsigaw. 

"Angel! Please patawarin mo na ako!" sigaw niya pa din yan.

Bigla naman pumasok si mama sa kwarto ko. Sabi na eh. Buti na lang wala si papa kasi nasa abroad siya. Nako po suntok abot ni Dan kapag nagkataon.

"Hoy Angel sino yung nasigaw dun sa baba?" tanong ni mama.

"Nako ma, wag niyo na po intindihin yun. Baliw lang po yun" pagdeny ko sa kanya. Kaso mukang hindi effective.

"Ako nga Angel wag mong pinagloloko. Kilala mo yun. Sinisigaw niya nga pangalan mo eh"

"Di talaga Ma!" pagdeny ko pa din. Nakakasar naman kasi tong si Dan eh. Ano kaya pumasok sa isip nun at pumunta pa dito samin. Alam naman niyang ayaw ko siyang makausap eh.

"Pag ako naines Angel. Nako di mo talaga magugustuhan. Babain mo na yun. Mukang lasing eh" no choice ako kundi puntahan na si Dan. 

Habang nababa ako papuntang labas tiningnan ko muna ang oras. Nako 11:40PM na. Ang aga pa nang pasok ko bukas. Dpata ngayon tulog na ako eh. Kundi lang nambulabog to si Dan eh.

*Thunder strikes*

Hala. Mukang uulan pa ata ah.

Nang malapit na ako sa pintuan namin bigla bumuhos ang malakas na ulan. Hala umuulan na. Teka kukuha muna ako nang payong. 

Pano si Dan? Nako po mababasa siya. Ang kulit kasi nito eh. Wala naman kasi akong sinabi na pumunta siya dito sa bahay eh.

Habang kinukuha ko ang payong. Narinig ko ulet ang pagsigaw niya ng pangalan ko. Nako po nakakahiya sa kapitbahay.

Di na rin nagtagal kinuha ko na ang payong at sabay labas para sunduin siya dun. Nako basang basa na siya.

"Ano bang pumasok sa kokote mo at pumunta ka pa dito samin? Di mo ba alam kung anong oras na?" yan lang naman ang pambungad ko sa kanya. Bigla naman siyang ngumiti ng makita niya ako.

"I'm sorry Angel. Please patawarin mo na ako" nagmamakaawang sabi niya. Ano ba to. Gusto ko siyang yakapin kaso di ko magawa. Parang may pumipigil sakin na di ko malaman ang dahilan.

"Di ba sabi ko sayo na wag muna tayong magusap"

"Alam mo naman Angel na di kita kayang tiisin eh. Sobrang mahal na kita" sincere sa pagkasbi niya.

"Ako nga Dan wag mong pinagloloko? Di mo na ako mapapaniwala. Kasi kung totoong mahal mo ako. Di mo ako sasaktan" sabi ko. Di ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Alam kong naiyak siya kahit hindi halata dala ng ulan.

"Siya ang humalik sa akin. Hindi ko naman gusto yung taong yun eh"

"Tama na Dan! Ayoko nang marinig pa ang mga explanation mo" 

Paalis na sana ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod. Nang dahil sa yakap niya nabitawan ko ang payong na hawak ko.

Ngayon parehas na kaming nababasa ng malakas na ulan.

"Pangako ko sayo na di na mauulit yun. Please Angel give me another chance" sabi niya habang yakap yakap niya pa din ako mula sa likod.

Di ko alam ang isasagot ko. Dapat bang bigyan ko pa siya ng chance? Siguro nga dapat bigyan ko pa siya ng chance. I think deserve niya ang secong chance kaya dapat lang ibigay ko sa kanya yun.

My Cheerleader LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon