MCL Chapter 8

291 7 3
                                        

Dan's POV

Nakita ko na si Angel na papalapit na sa akin. Bakit ganito pakiramdam ko parang ang saya ko? Dumagdag pa ang kagandahan niya ngayon. Ewan ko ba kung bakit ko to ginagawa samantalang may girlfriend akong naghihintay sa kin. Basta iba pakiramdam ko kapag kasama ko si Angel. Mahal ko na ba siya? Imposible kasi si Princess ang mahal ko.

"Talagang pinaghandaan mo to ah" pangaasar ko sa kanya. Ganda naman talaga ni Angel eh.

"Sus. Di kaya. Buti ikaw tinupad mo yung pangako mo. Saan naman tayo pupunta?" tanong niya sa akin. Saan nga ba? Ayoko sa mall masyadong common na yung place na yun. Gusto ko romantic naman.

"Di ko pa nga alam. Gusto mo ba magkape muna tayo dito?" tanong ko sa kanya. Saan ko ba balak dalhin si Angel? Sa MOA na lang kaya? or Star City. Siya na lang tatanungin ko.

Pumasok na kami sa loob at umorder na. Habang naghihintay nang order. Tinanung ko na si Angel kung saan niya gutso.

"Angel saan mo gusto pumunta?" tanong ko? "MOA na lang" sabi niya. Pumayag na din ako nasa choices ko din yun.

"Tara na Dan. Punta na tayo." pagakatapos namin inumin yung kape umalis na kami.

MOA..

Nagikot-ikot lang kami ni Angel nung nakaramdam kami nang pagod. Kumain kami sa isang resto.

"Angel ano gutso mong kainin?" tanong ko sakanya. "Kahit ano na lang. Ang mahal naman dito Dan. Sigurado ka ba?"

"Oo naman. Wag kang magalala. Pinaghandaan ko to. Yung unang date natin" totoo talaga. Pinaghandaan ko to. Para sa babaeng espesyal sa kin.

"Ah Dan. Totoo ba tong lahat nang to? Dati rati pinapangarap ko lang to ngayon nagkatotoo na" sabi ni Angel. Di ko alam na ito pala ang magpapasaya sa kanya. Sana matagal ko na tong ginawa.

"Talaga Angel? Hayaan mo lagi ko tong gagawin para naman mapasaya kita." sincere na pagkasabi ko sa kanya.

"Ah Dan. Matagal ko na tong gustong tanungin sayo. Tutal inamin ko naman sayo na gusto kita. Ikaw ba gusto mo ba ako?" nabigla ako sa sinabi ni Angel. Ano nga ba ang totoo. Gusto ko ba din siya? Sa tingin ko oo kasi masaya ako kapagkasama siya.

"Tutal natanung mo na din. Oo gusto kita. Sana mas lumalim pa to. Sana matutunan din kitang mahalin" sinabi ko sa kanya. Di ko alam kung saan nanggaling yang mga sinabi ko. Pero isa lang ang alam ko totoo ang lahat nang sinabi ko. Lahat nang yun galing dito *sabay turo sa puso*

"Alam mo Dan. Di naman na kita gusto eh" sabi ni Angel. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Di ba kakasabi niya pa lang na gusto niya ako. Bakit ngayon binabawi na niya.

"Ano ibig mong sabihin?" litong tanong ko sa kanya.

"Kasi Dan mahal na kita. Di na kita gusto kasi mahal na kita. Di ko alam pero ngayon na-realize ko na mahal kita" sabi ni Angel yan. Bakit ganito parang sobrang saya ko? Kaso di to pwede? Pano na si Princess? Baka di ko mabalik yung pagmamahal niya sa akin.

"Angel.." pangalan ko lang ang tanging nabanggit ko sa kanya. "Dan di mo kailangan pilitin na mahalin din ako. Ayos na sakin na alam mo na mahal kita." sabi niya. Hindi Angel wag kang sumuko. Liligawan kita. Gusto kong patunayan na kaya kitang mahalin.

"No Angel. Sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita. Simula bukas liligawan na kita." nagiba bigla ang itsura niya. Napangiti naman ako dun dahil napangiti siya. Bakit ang sarap sa pakiramdam?

"Di mo naman kailangan gawin yun eh" sabi ni Angel. "Hindi basta gusto kong patunayan sayo na kaya kitang mahalin katulad nang pagmamahal mo sakin." napangiti na naman siya sa mga sinabi ko.

My Cheerleader LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon