MCL Chapter 26

130 4 2
                                        

Angel's POV

Nakakainis naman si Kevin! Kaya naman pala pumunta ng dorm nila para yayain si Dan magtraining. Di ko pa kasi kayang harapin si Dan. Feeling ko nawala na yung attraction ko sakanya. Feeling ko di ko na siya mahal pero bakit ganun ayoko pa din siyang makita? Bakit?

Tumawag si Kevin, sinagot ko naman kaso ayoko muna silang makita dalawa. Ok na sana kung kaming dalawa lang ni Kevin medyo comfortable na ko kasama siya! Ang lakas mangasar eh! Parang katulad ko!

Di ko na alam kung saan ako pupunta. Tawagan ko na lang si Yuki kaso baka kasama niya si Rei her boyfriend.

Hmmm. Uwi na lang kaya ako? Kaso ayoko naman makita agad si Jhemz at si Mama? Sermon lang abot ko dun baka kasi isipin nun di na ko nagaaral ng mabuti.

"Aray!" Ouch may naka-bangga saken. Sino naman kaya to? Epal di marunong tumingin sa dinadaanan niya.

"Kevin?" Si Kevin lang pala. Ano naman ginagawa nito?

"Bakit ka nandito? Di ba sabi ko gusto ko munang makapagisa?" Sabi ko.

"Nagalala kasi ako. Bigla ka na lang umalis ng walang paalam." Psh -___-

"Eh ikaw kasi di mo man lang ako sinabihan na tatawagin mo pala si Dan para maki-join saten magtraining? Alam mo namang ayo--" di ko na natapos yung sinasabi ko nang bigla siyang magsalita.

"Bakit? Ayaw mong masaktan sa makikita mo? Eh sa situation mo ngayon sinasaktan mo na sarili mo eh" natahimik ako sa sinabi niya.

Yeah tama siya. I'm just hurting myself lalo na ngayon sa ginawa kong desisyon mas lalo lang ako nagpakatanga.

"Alam ko yun Kevin. Gusto ko nga itama yung maling desisyon ko. Kaso di ko pa kayang mawala si Dan alam mo yun Kevin! Di pa ko handa. Kasi sa moment na magkita kami ulet. Baka stranger na lang ituring ko sa kanya." explain ko sa kanya. Ayoko pang matapos to, pero hanggang kailan ako magiging tanga ?

"Sorry Angel." Lumapit siya saken at niyakap niya ako ng mahigpit. Dahil sa yakap niya bumilis ang tibok ng puso ko. Anong ibig sabihin nito?

"Ayoko lang kasing makita kang nasasaktan at umiiyak sa harapan ko." He's crying while hugging me. I can feel his tears.

"Thank you Kevin. Kahit mukhang Ugok ka! Pasalamat ka mahal kita" bigla naman siyang natigilan sa sinabi ko. "Bilang kaibigan" I continued then bigla siyang humiwalay sa pagkakayakap niya saken.

"Oh bakit?" I asked curiously bigla kasi nagiba expression ng mukha niya eh. Then he looked at me straight to my eyes!

"Hanggang kaibigan na lang ba turing mo saken?" He asked passionately. Bigla na naman bumilis tibok ng puso ko. What? Anong ibig sabihin nito?

"What do you mean Kevin?" I asked. Sheeeeez! Bakit ako kinakabahan sa mga nangyayari? Feeling ko anytime may mangyayari di maganda. I mean. Unexpected revelation.

"Hmmm. Nevermind!" Then sabay walkout. Halaa? Ano yun? Di ko siya maintindihan? Sabi niya 'Hanggang kaibigan na lang ba turing mo saken?' Tapos sabay walkout?!

"Hoy! Kinakausap pa kita wag mo kong iwan dito ugoooooook!!!" I screamed kasi ang layo na niya. Bwiset! Kinabahan ako dun ah. Kala ko may something ng mangyayari eh.

"Hoooooy!" ayaw niya pa din lumingon! Binilisan ko yung takbo ko para maabutan ko siya. Naabutan ko naman di na kasi siya natakbo.

"Oyy ano ba? Bakit mo ko iniwan dun? Timang ka ba?" tumigil siya sa paglalakad at tingnan ulit ako sa mata. Ayan na naman siya. Pero this time di na ko kinakabahan.

"Manhid ka ba talaga? O sadyang bulag ka lang?" Huh? Ayan na naman siya sa pinagsasabi niya. Di ko siya magets?

"Ano ba talaga gusto mong sabihin?!" Di ko talaga siya maintindihan.

My Cheerleader LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon