9AM Tuesday
“Nasan na ba yun?? Tsk. Dito ko lang nilapag yun kanina ah??”
Nawawala yung lipstick ko na orange! Tsk. Kainis! Kailangan kong maghanap ng trabaho ngayon tapos sasabay pa yang lipstick ko?? Kaasar!
Makapagscan na nga lang sa facebook, baka may mas matinong trabaho naman na nakapost dun ngayon. Yung walang rapist syempre. Hahaha.
Scan.. Scan.. Scan..
“Aha! Eto! Ayos to!”
“Internet Connection is all you need. 12,000 per month.. blah blah blah..”
Uy okay to. Haharap lang ako sa computer magdamag may pera na ko? Alright! Makapag-apply na nga.
At ayun pinuntahan ko na yung site and then I just follow the instructions there at ayun! Isa na akong instant consultant. Ask me and I’ll give you the best answers I can give. Parang call center, ang kaibahan lang dito, magpopost yung mga clients namin sa wall ng website na to ng kahit ano, as in kahit ano. Parang mala-Simsimi pero mas may sense naman to nu?! Haha. International company pa tong pinasok ko kaya ang saya! Nose is bleed. Haha.
Walang masyadong nangyari ngayong umaga kasi hindi ako lumabas at nagparticipate sa mag tao ng mundo. Wow deep! Haha. Except pala sa mga thoughts ko kay Grey. Ang weird kase kahapon, lunes na lunes buhay ang multo niya? Hindi niya ata alam ang schedule ng labasan nila? Every Friday diba? Haha.
Baka naman hindi pa talaga patay si Grey? Baka nga nabalian lang talaga sya?
Naguguluhan na ba kayo kay Grey? At kung bakit ako ganto sa kanya?
Sige na nga, sabihin ko na. Hmm..
Si Grey Mendez ang pinakasikat ngayon sa University naming. Skater kase siya tapos Digital Arts pa nga ata course nun? Kaya ang daming rumors ngayon sa kanya. Pano ba naman kasi, bigla bigla na lang siyang nawala after an accident.
*FLASHBACK TAYO!
(Sirens of ambulances)
“Ay grabe? Naaksidente daw si GM! Tara girls puntahan natin”
Narinig ko lang yan sa mga nag-uusap na babae sa tapat ng gate ng school namin. First year college ako nung mangyari to kay GM (Gret Mendez). Hindi ko pa siya kilala nun kase fresh student lang ako.
Lahat ng students sa campus namin updated ata kay GM. Irregular student kasi ako kaya hindi ko masyadong naabutan ang pagsikat ni Grey.
Hindi ko pinuntahan yung si Grey nay un. Nakibalita na lang ako sa mga classmates kong love na love sya, skater daw eh? Labo!
“Meg, sino ba yung GM na yun? Bakit parang ang laking issue naman niya sa school natin?”
“Ahh oo nga pala, irregular student ka kaya wala kang alam sa mga nangyayari nu? Anyway, Si Grey Mendez, skater siya, Digital Arts Student, yun lang ang characteristics nya na nagswak sa mga tao dati pero ngayon, yung pagkakapanalo niya rin sa isang International Competition. Dun na rin nakilala tong school natin. Kaya ganun na lang tingin sa kanya ng mga tao dito. Parang feeling nila utang na loob nila kay Grey yung mga enrolees dito every year. Tapos ngayon, patay na daw si Grey, wala kasi yung katawan niya sa accident area. Pero baka naman hindi na nagpakita dahil nabalian at din a makakapag-skate ulit. Pero ewan ko kutob ko lang yun. Hehe. Grabe nu? Ang labo ng mga tao.”
Ayan alam nyo na kung bakit siya ma-issue??
*END
Tuesday. 7PM. First night ko sa trabaho. Every 7PM ang start ng working hour eh hanggang umaga na to basta maka-8hrs ako at yung 12k ko ibigay nila. Hahaha.
BINABASA MO ANG
FRIEND ZONE
Genç KurguA story of a true lover and friend zone deliverer.. Had experienced this before? Want to escape from here? There are ways, but you can't really help yourself from falling. Watch your heart, take guard of it. There is a right time for you, for the b...