Chapter 21

12 1 0
                                    

MONIKA'S POV

Ang bilis ata talaga ng panahon. Parang kahapon lang nakipag-break ako kay Martin. Tapos ngayon graduating college student na ako! Siguro ganun talaga ang high school life, akala mo love ne pero infatuation lang pala. According lang naman yan sa persective ko. Yun kasi nafifeel ko hahaha akala ko love na yung meron samin dati ni Martrin okaya ni Kris pero infatuation lang pala. Siguro dahil pogi hahaha. And siguro kaya ako nasaktan nung nakita ko si Martin at Michelle sa ganung "pangyayari" siguro dahil sa ego ko. Syempre ako girlfriend that time nakakahiya naman. Parang napahiya ako ganun lang siguro yun. Although I'm not really sure, ang alam ko lang is I moved on from my high school life. I'm 22 years old and I'm free from the past. Uhm, maybe? Ewan ko, bahala na. Go with the flow na lang.

"Let's go?" pag-gising sakin ng lalaking sumuporta sakin simula nung di ko mahanap ang sarili ko, siya yung tumulong sakin mahanap ulit yung sarili ko and he succeeded

"Oh Blaise, ikaw pala yan tara na" yep si Blaise nga, kapatid ng bestfriend ko

Ang swerte ko nga kasi dalawa silang sumusuporta sakin mula nung nangyari yun. Blaise and I have been dating since forever. Ang tagal na naming, super steady relationship. We've been together for 4 years. Di niya agad ako niligawan syempre he knows naman na I've been hurt and he didn't want to rush things.


BLAISE'S POV

Naniniwala talaga ako sa "good things come to those who wait". 4 years na kami ni Monika at hindi ako nagsisisi. Kasi simula palang alam kong siya na gusto ko.

FLASHBACK

May bisita nanaman si ate nako, iingay nanaman sila. Mga babae talaga.

"Gagala nanaman kayo nako, dapat magaral kayo ng self defense eh babae pa naman kayo" pinapagalitan sila ni mommy hahaha kasi ang hilig hilig magsi-gala pwede namang sa bahay nalang sila. Ayaw gumaya saming mga lalaki eh mag-laro lang sa gadgets solve na

"Ay tita dapat po taekwondo" sabi nung kaibigan ni ate

"Oo nga, andun si ano diba?" si mommy naki-sakay pa tss di maintindihan kung galit o nakikipag-lokohan eh "si Peter!"

"Opo tita" sagot naman nung kaibigan ni ate tas tumingin sakin "pagtulungan natin ate niyo" ewan kung ako sinasabihan niyan pero di ko alam kung bakit bumibilis tibok ng puso ko

END OF FLASHBACK

Oo simula palang nun di ko na alam kung anong nararamdaman ko para kay Monika. Pero simula nung nabalitaan ko nga na sila na nung Martin medyo dumistansya ako. Nako Blaise sinong niloloko mong dumistansya eh hindi naman talaga kayo close? Okay okay di naman kami close kaya di ako medyo nahirapan. Baka nga crush ko lang siya nun. Pero nung nagka "something" sila ni Daniel yun yung di ko kinaya, lumayo talaga ako. Walang kokontra alam kong lumayo ako. Nasa iisang barkada kami nila Ethan, Daniel, Franz at Vince pero nung nalaman kong balak i-reto ni Vince si Monika kay Daniel yun na yung simula ng paglayo ko. Takot kasi ako masaktan.

FLASHBACK

"Pre! Kamusta na ba yung ilalakad mo sakin?" Si Daniel yan, excited tong baliw na to

"Di ko pa nga nakikilala kinakamusta mo na agad?" si Vince hahaha, sino nanaman kayang irereto nito kay Daniel

"Eh sorry naman! Excited eh."

"Ikaw kasi naman, bakit sa grade 10 ka pa papatol ha pre?" ako hahaha sabi kasi ni Vince para maiba naman daw at mag-mature daw si Daniel masyado kasing isip bata

Silent TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon