Chapter 13

71 5 2
                                    

KRISTOFER'S POV

Oh shit! Malelate na akooo! August 22 na kasi ngayon. NCAE nila Monika. Puro grade 11 lang nag-gaganun para sa career or courses nila pagdating nila sa college. Kaya ngayon susunduin ko siya. Haha. Wala kasing pasok yung ibang year level puro grade 11 lang. :)

Ayan na onting push nalang Manong Jeep! Ahehehe. Wait lang Monika ha? Sorry late.

Grabe mga pre! Ang saya saya kasama ni Monika! Ang tanga ni Martin at pinakawalan at pinaglaruan lang niya si Monika ng ganun. Hayyy. Sayang minahal siya ni Monika ng totoo eh. Change topic, masakit. Haha. So ayun nga, pag kasama namin sila Vince medyo awkward pero pag si Archelle naman yung kasama namin okay lang. Alam kasi namin yung tungkol sa kanila ni Franz eh. Haha. Tsaka feel at home kami dun no!

Pero oy, wag kayo! No thouch, no kiss. Malaki respeto ko kay Monika eh. Di ko pa nga nahahawakan kamay niya eh kahit hug o kiss sa cheeks wala! Promise.

"Oh Rosewood High na! May bababa?" si Manong jeep nagulat ako nagkukwento ako eh. hahaha.

"Meron manong, wait!" sabi ko kasi baka mamaya patayo palang ako biglang magdrive si manong.

Ayun nga bumaba na ako pero maglalakad pa ako papuntang 7eleven. Dun kami magkikita eh. Kasi pag sa gate di naman kami magkikita agad dun tsaka iwas na din sa intriga. HAHAHA.


*bzzzztttt*

1 new message

From: Monika Julianne♥

Tagal mo :(

(Bawal magdala ng gadgets sa school ah? Pano nakapagtext to?)


To: Monika Julianne♥

Naglalakad na po. :) Wait.

Di na siya nagreply nakita ko na siya, nakatingin na dito. :'>


------------------------------------------------------------


MONIKA'S POV

Alam niyo ba susunduin ako ni Kristofer ngayon!! Ohmyy :">

Hahahaha. Kaexcite eh! Ang tagal naman matapos ng time netong NCAE eh kanina pa ako tapos sobra yung time limit nila. Di naman kasi siya yung test na may kailangan pa icompute chuchu. Ano lang siya yung test kung saan o ano hilig mong gawin. Kaya madali lang matapos. Pang career mo siya para madaling pumili ng course sa college or uni--

"Okay class, time na." proctor namin

Iniisip ko lang ha. Bakit kaya may proctor pa eh hindi naman kami magkokopyahan nga hobbies namin o mga balak namin sa future? Aysus. Haha. Lalabas na ako! Gusto ko na makasama si Kristoferbabe :'> Ayyyyy! Wag kayo maingay sa kanya ha! NAKAKAHIYA! HAHAHAHA.

Eto na ako sa 7 eleven. Kasama ko si Paris. Hinihintay din kasi niya boyfriend niya na grade 12. At grabe! 15 minutes na ako naghihintay dito wala pa din siya. Nasan ka na Kristoferbabe? :( Ay. May phone pala ako. Ahehehe. Shhh lang kayo ha? Bawal mag-dala sa school namin eh. :)


To: Kristoferbabe♥

Tagal mo :(


From: Kristoferbabe♥

Naglalakad na po. :) Wait.

Silent TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon