MONIKA'S POV
"Oy Monika!!!" Sigaw ni Denisse, itong babaeng to may pagkabungangera to eh, sabay madrama pa. Pero mabait yan, maaasahan at maaalalahanin yan.
"Oy Denisse, ang aga aga makasigaw ka dyan kala mo kakatayin ka! ano ba problema?" Sagot ko naman ng mahinahon.
"Wala naman, hehehe." Oh kita mo na, baliw tong si Denisse eh.
"Eh anong sinisigaw sigaw mo kanina?"
"Eh kasi exciting daw project natin sa music! Aaaahhh! Gusto ko na malaman. Nga pala, nakita mo na ba si Michelle?"
"Di eh, kita mong kadadating ko lang sakin mo hahanapin."
"Eto naman nagtanong lang eh! Sungit." *pout*
"Wag ka nga gumanyan! Di bagay!"
"Hoy mga magagandang dilag! Anong pinag-aawayan niyo dyan?" Sigaw ni Michelle na padating palang.
"Ikaw!" Sabay naming sagot ni Denisse.
"Ako?! Nako, gandang ganda nanaman kayo sakin at pati ako pinag-aawayan niyo na." Pagmamayabang ni Michelle, isa pa sa mga bestfriends ko. Tres Marias kami ng room namin eh. Maintindihin yan at maganda, syempre bawal pangit samin.
"Kapal mo ha!" Si Denisse.
RIIINNNNNGGGG!
Ayan bell na! Music time. Kaya ayun, excited sa chismis ni Denisse kanina. Hehehe, chismosa eh! Tsaka, ehem. Favorite subject ko kaya yan! Voice lessons eh, hahaha, yieee. Inasar ang sarili. Ewan ko ba, kadalasan may topak ako eh. Okay, listen na tayo kay Mrs. Lazaro.
"Okay class, nabalitaan niyo na siguro yung iaannounce ko ngayon, right? All present ba klase niyo ngayon?" tanong ni Mrs. L
"Yes po!" Sagot ng secretary namin.
"Okay, great. So ang project ng lahat ng 2nd year students ay broadway musical at ang napunta sa inyong kanta ng Hairspray ay 'Welcome to the 60's' familiar ba kayo dun?"
"Ms. Pano po yung costumes dun? And diba po may mga lalaki dun sa sayaw at kanta nun?" tanong ni Ms. President
"Nice question, ang costumes niyo di naman kailangan pare-pareho as long as dress siya na pang-60's. At para sa mga lalaki. Alam ko namang matagal na kayong nag-aasam dito. Pagpapartner-partnerin ko bawat section ng girls at boys ng grade 10 level. Kaya Ms. President, be here sa Music Room after dismissal time kasi magbubunutan tayo ng sections na kapartner at girls ang bubunot."
"Opo miss" Ang polite ng president namin no? President namin si Michelle eh.
So ayun, after ng announcement. Lesson, lesson, lesson, lesson. Huhuhu. Nakakasawa na kumanta :( Pero wala eh, kailangan magtiyaga. Ayan na 5 mins. nalang time na!
Kaso may tatlong subject pa bago mag-lunch, feeling ko makakatulog na'ko. Whoooo. Tagal!
RIIIIINNNNGGGG!
Yes! Lunch na. I'm so hungryyyyyy. :D
"Monika! Sino kaya partner section natin?" Tanong ni Denisse
"Aba naka-salalay yan kay Michelle! Siya bubunot mamaya eh." Sagot ko naman.
Lagi kaming sabay-sabay kumain eh, di talaga kami mapag-hiwahiwalay! At di pwede mangyari yun!
"Mich! Galingan mo bumunot ha! Dapat pogi yung section na andun." Request nitong si Denisse
BINABASA MO ANG
Silent Tears
Teen FictionDon’t take someone for granted just because you know, that every time you push them away they’ll always come running back. Because one day, they won’t