Chapter 19

10 1 0
                                    

MONIKA'S POV

Excited na ako mamaya!! May 8 kasi ngayon so alam na hahaha, 6th monthsary na namin ni Martin. So ayun as usual, susunduin niya ako mamaya para mag-dinner date nothing special hahahaha. Half a year na kami buti naman umabot kami dito although syempre may problems di maiiwasan yun, pero di din naman namin pinapatagal.

"Monika, andito na si Martin" tawag sakin ni kuya

"Bababa na po kuya" sagot ko naman

Pagkababa ko umalis na agad kami ni Martin and as usual dinner date siguro pupuntahan namin ni Martin.

"Ang layo naman ng pupuntahan natin?" tanong ko kay Martin, halos 1 hour na kasi siya nag-ddrive

"Chill ka lang dyan, babe"

"Okay, if you say so" sagot ko nalang sa kanya, ano kaya balak nito?


MARTIN'S POV

Nagtataka na siguro si Monika kung bakit ang tagal ng biyahe para sa date naming ngayon hahaha. Pinaghandaan ko kasi to, syempre special ngayon kasi nakaka-half a year na kami sa relationship namin kalahati nalang 1 year na kami. Diba masaya!!

Kaya eto nagpa-reserve ako sa isang resort. Summer na kasi at yang si Monika di naman nakaka-alis ng bahay kapag hindi ko sinusundo kasi kuya niya may pasok kasi college tapos yung friends naman niya may mga family outing eh diba yung parents niya nasa States. Kaya eto naisip kong surprise sa kanya para ma-feel niya naman yung summer kahit sandali.

"We're here!" sabi ko nang nakapag-park na ako ng kotse

"Bakit dito pa tayo mag-didinner?" tanong sakin ni Monika, minsan may pagka-slow din to eh -___-

"Mukha bang mag-didinner lang tayo? Ang aga aga pa kaya. 3pm pa lang dinner agad? Ano ba yan Monika hahaha" sabi ko naman sa kanya ng tumatawa pa kaya nainis siya

"Che tawa pa sige, di ko naman kasi alam na dito mo ako dadalhin edi sana nakapag-dala ako ng pang-swimming" ayan na sinasabi ko nainis na hahaha

"Di na kailangan, andito na" sabi ko sabay pakita ng paper bag na bagong bili pa ng swim wear and pang-uwi naming

"Wow, pinag-handaan mo talaga to ha?" she said with her eyes sparkling

"Syempre naman, half a year nalang 1 year na tayo eh. Bihis na tayo?" yaya ko naman sa kanya

"Sure, let's go!"

Ano kayang itsura niya pag naka-swimwear? I bought her kasi ng white bikini. Syempre sexy yun, kahit nga di naka-two piece kita yung curves niya eh. Ano ba naman tong iniisip ko, 17 years old palang yun Martin umayos ka nga. Ano ba yan pinapagalitan ko sarili k---

"Huy, sabi ko swimming na tayo!" sabi ni Monika, di ko alam natulala pala ako hahaha

"Ay oo nga, sabi ko lika na" sabi ko nalang hahaha

Our day ended well, ang saya lang. Nag-swimming lang kami at kumain syempre nakakapagod kaya mag-swimming. At eto si Monika tulog na sa kotse habang nag-ddrive ako.


MONIKA'S POV

To: Martin Kyle <3

Hi babe, thank you for this day. It was the best! Drive safely okay? I love you :*

Message Sent!


Grabe may ganung ka-sweetan palang tinatago si Martin hahaha. In fairness napagod ako ngayong araw pero worth it naman. Super worth it!

Silent TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon