Chapter 24

25 1 0
                                    

MONIKA'S POV

Ngayon ko lang din napansin na may iniwan si kuya na box sa table ko. Natatakot akong buksan yung box sa di ko malamang dahilan but I opened it anyway.

Sobrang gulat ko nang ang unang nakita ko ay isang infinity ring. Isang promise ring. Naisip ko na siguro si Blaise ang nagbigay nito kasi halos isang buwan ko na siyang di kinakausap. Pero mas ikinagulat ko yung letter.

I don't fucking know how to start this letter. Siguro una, sana okay ka lang. Yung lang naman kasi lagi gusto ko eh. I was supposed to give you this ring years ago nung tayo pa because I fucking love you. Kaso hindi umabot, nagbago na nga yung letter ko eh. Sa opinion ko madami naman talaga tayong masasayang moment kaso bumibigay tayo sa mga problemang pwede namang mapag-usapan ng maayos. Sobrang nasasaktan na ako lalo na kapag nakikita kitang masaya na parang napaka-walang kwentang tao ko to the point na nakipag-pustahan ako sa mga kaibigan ko makukuha kita ako ako ang makaka-una sayo para sa ego ko. Wala akong ginawa kung hindi isipin na bakit sa lahat ng tao ikaw pa mawawala sakin. I hope you'll never forget that symbol and number for the both of us, most especially I hope you'll never forget me. Mahal na mahal kita at alam ko sa sarili ko na gagawin ko lahat para bumalik ka sakin, kahit himala o kahit ikamatay ko man. Iba ka kasi eh. You're so fucking great compared to other girls. Alam kong sasabihin ng lahat sakin madami pang babae dyan kaso alam ko sa sarili ko na ikaw ang huli at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huli. I'll always fucking love you even though you keep on running away. Never akong susuko, tandaan mo yan Monika.

-Martin

A month had passed again since I read Martin's letter and this week had felt like hell. Lagi akong parang nasusuka pagka-gising ko. Siguro dahil to sa dami ng nakain ko nung weekend. Sobrang dami kasing inuwi ni kuya. Natuwa siya na lumalabas na ako sa kwarto ko regularly. Di ko naman kailangan kasi mag-hanap agad ng trabaho, may company naman kasi kami na papatakbuhin namin ni kuya in the future.

"Monika?" naabutan ako ni kuya sa banyo ko na nagsusuka nanaman "buong linggo ka na nagsusuka ah, grabe ka naman kasi kumain, magpa-check up ka na kaya? Baka pati bituka mo isuka mo na eh"

"Che, ang OA mo kuya ha" sagot ko sabay hampas sa dibdib ng kuya ko

"Ang tigas no? Nagwo-workout kaya ako. Ikaw kailangan mo na din mag-workout tumataba ka na eh" sabi ng kuya kong panget

"Yabang mo, baho mo na. Dalian mo maligo ipa-check up mo ako" pagka-sabi ko nyan sa kanya lumabas na siya ng kwarto ko habang tumatawa na parang baliw

SA OSPITAL

"Wala namang nakain na kung ano yung kapatid mo Max baka OA ka lang" sabi ng family doctor naming dito sa ospital at sabay kaming tumawa ng doctor

"Pano po doktora, ginawa akong baboy nung weekend kung ano anong pinakain sakin" sagot ko naman sa doctor habang natatawa pa ng onti

"Ay nako hija, simula ngayon kailangan mo nang kumain ng maayos at wag yung kung ano ano lang. Alagaan mo ang katawan mo at ang baby mo" sabi ng doktora

"Ang ano ko po?" nagulat ako pero umaasang nagkamali lang ako ng rinig pati si kuya nagulat

"Hindi mo pa ba alam? You're 3 months pregnant" hindi pa din nagsi-sink in lahat ng sinasabi ng doctor at si kuya nalang pinagbilinan niya ng lahat ng kailangan kong kainin o gawin ngayong dalawa na kami ng anak ko na inaalagaan ko.

Hindi ko alam kung pano kami nakauwi ni kuya pero pareho lang kaming taimik buong biyahe. Hindi ko alam kung awkward ba or comforting silence to. Pero natatakot ako. Natatakot akong lumaki ang anak ko na walang ama. Hindi ko din inaasahan na ang isang gabing yun ay magbubunga.

"Monika, gusto kitang intindihin kaso hindi ko alam kung pano. Tulungan mo naman ako intindihin lahat ng nangyayari sayo" pagmamakaawa ni kuya sakin

Nagulat ako sa pagsasalita niya at kinwento ko lahat ng nangyari nung gabi ng graduation. Habang nagkkwento hindi ko nanaman mapigilang umiyak sa alaala ng pustahan at ng lahat ng nangyari. Lalo na naalala ko nanaman si Blaise.

"Kuya, tulungan mo naman ako at ang anak ko please" pagmamakaawa ko din sa kuya ko kasi hindi ko na alam kung anong gagawin ko

"Pano na si Blaise?" tanong niya sakin

Hindi na ako sumagot at umiyak nalang. Niyakap ako ni kuya at nakaramdam ako ng safety. Laking pasasalamat ko at may kuya akong katulad ni kuya Max.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silent TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon