ABIGAIL'S POV
FLASHBACK
"Abi, nasasaktan na ako. Bakit ka ba ganyan? Tinatanggap ko naman lahat, nagbubulag-bulagan na ako para maging matatag samahan natin. Isang taon at dalawang buwan na tayo oh! Magtatatlo sa 26. Ano bang problema mo sakin at di ka makuntento sakin ha? Nagawa na natin lahat lahat!" sabi sakin ni Martin via chat, magkaka-group chat kaming tatlo nila Lawrence kasi kailangan ko na makipag-break kay Martin dahil mahal ko si Lawrence.
"Oo nga, nagawa na natin lahat. Nabigay ko na sa'yo lahat lahat ng first sakin. Pero di mo ba naiisip na nahihirapan ako kasi wala ka na sa school natin ha?! Ang layo mo na eh. Di ko kaya yung LDR. Mahirap yun at masasaktan tayo pag ginawa natin yung LDR. Sa tingin mo ba kakayanin natin yun? Mahihirapan at papahirapan lang natin sarili natin!" sagot ko sa kanya. kasi tama naman ako. Lumipat na siya ng ibang school kasi na-kick out siya dahil sa mga kalokohan niya sa school.
"Di ba tayo pwedeng gumawa ng paraan? Ngayon papapiliin kita Abi. Ako o si Lawrence?"
"Si Lawrence." straight-forward na sagot ko sa kanya
"Ganun na lang yun Abi? Tangina naman! Ano ba kulang ko ha?! Sabihin mo! Bakit bigla-bigla mo nalang ako pinagpapalit dyan ha!?"
"Pare, nakapag-desisyon na siya. Wala nang makaka-pigil dun. Tanggapin mo nalang desisyon niya." ngayon lang sumagot si Lawrence at nag-log out na kaming lahat at baka magka-initan pa.
END OF FLASHBACK
Hayhayhay. Ang hirap talaga maging maganda no? Hahahahaha. Laging pinag-aagawan! Kaya hay. Sobra-sobra naman kasi binigay ni God sakin eh. Maganda na, sexy pa! San ka pa? Hahaha. Yummy kaya ako!
Masaya na ako ngayon, sana di na ako guluhin ni Martin. Kasi tahimik na buhay naming ni Lawrence. Although, wala pang nangyayari samin no! Sinesave ko lang baka may iba pang boys na nag-iintay sakin eh. Alam ko namang madaming pumipila at nagbabalak pa pumila sakin eh.
Hintay-hintay lang ng onti. Pero sa ngayon si Lawrence muna. Sa kanya muna ako magiging loyal. At malay mo matutunan ko siyang mahalin!
Don't get me wrong pero minahal ko din naman si Martin eh. Sobra-sobra pa nga. Di naman kami aabot ng 1 year kung di ko siya minahal. Siya naman kasi nagsimula kung bakit nagulo relasyon namin ngayon eh. Kundi dahil dyan sa Monika na yan di kami maghihiwalay! Eto pa, flashback ulit tayo guys.
FLASHBACK
1 new message
From: +639*********
Hi Abi! Ikaw ba yung ex-girlfriend ni Martin?
(sino kaya to? di naman kami nag-break ni Martin ah? bakit ex?)
To: +639*********
Ah, di niya ako ex. GIRLFRIEND niya ako. Sino ka ba?
From: +639*********
Uhhmm. Let's say you don't need to know.
Pero girl, niloloko ka nalang ni Martin kasi dalawa kayong girlfriend niya eh.
1 new message
From: Jewel
Ate Abi, hiningi po ni Ate Denisse number mo ha? :)
(ah! so, si Denisse pala ito. ano kayang pinagsasasabi nito?)
To: +639*********
Ay, hello Denisse!
(naka-ilang oras na pero di pa din nag-reply si Denisse, nabuko ko eh. hahaha)
END OF FLASHBACK
Grabe yang conversation namin ni Denisse. Akala ko eh nagloloko lang siya. Pero di pala. Kasi totoo pala talaga. At nakilala ko pang si Monika Julianne Diaz ang nakabangga ko. Aba walang kalaban-laban sakin yan! Kung war freak siya mas war freak ako! Pero balita ko mabait yun eh, mahinhin and everything girly. Virgin pa nga eh, di uso sa grade 11 yun! Hahaha.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~glittersandsparkles
au revoir♥
BINABASA MO ANG
Silent Tears
Teen FictionDon’t take someone for granted just because you know, that every time you push them away they’ll always come running back. Because one day, they won’t