KRISTOFER'S POV
Uwian na namin pero andito pa din kami sa school. September 7 na, kaya celebration na ng birthday ni Ashley. At kaya kami matagal kasi tumawag pa si Ash kay tita. Ipapaalam kung sino mga bisita niya.
"Daniel, samahan mo ako tumawag kay mama." paki- usap ni Ash sakin, tumango nalang ako bilang sagot. Wala pa naman si Monika eh mga after 10 minutes pa labas nila. Junior sila eh kaya mas late.
"Hello ma?" sabi ni Ash sa kabilang linya
"..."
"Ahm. Madami-dami po kami Grade 10 & 11 lang naman po."
"..."
"Kasama po sila Archelle, Franz, Ate Monika..........." daming bisita nito "pati po pala si Kuya Martin"
"..."
"Okay po. Bye." tapos binaba na niya yung phone.
Ay wait! MARTIN DAW?!?!?! Nako shet. Di kami pwedeng magsama-sama sa isang bahay. Shit! Shit! Shit!
"Ano Ash, let's go?" si Arch na kakadating lang pala kasama si Franz at Monika na nakapag-pagising sa pag-aalala ko "Anyare kay Daniel?"
"H-ha? W-wala to. S-sige n-na."
"Okay ka lang ba?" sabi ni Monika na mukhang nag-aalala
"Ano ba nangyari Ashley?" Monika
"Ewan ko. Basta tinawagan ko si mama tapos sabi ko pupunta ikaw, Daniel, Arch, Franz, Ethan...... at Kuya Mar--" sabi ni Ashley pero pinutol ko agad yung sasabihin niya
"MARVIN!" sigaw ko at tinignan si Ashley ng masama na nagets naman ata niya "Diba Ash?"
-----------------------------------------------
ASHLEY'S POV
"Ano Ash, let's go?" sabi ni Arch, kakadating lang nila eh "Anyare kay Daniel?"
"H-ha? W-wala to. S-sige n-na."
"Okay ka lang ba?" sabi ni Ate Monika
"Ano ba nangyari Ashley?" tanong ni Ate Monika sa akin
"Ewan ko. Basta tinawagan ko si mama tapos sabi ko pupunta ikaw, Daniel, Arch, Franz, Ethan...... at Kuya Mar--" sagot ko pero nagulat kaming lahat kay Daniel
"MARVIN!" sumigaw siya bigla tapos tumingin sakin ng nakakatakot "Diba Ash?" pagpapatuloy niya ng mag-sink in sa utak ko kung bakit.
EX nga pala ni Ate Monika si Kuya Martin. Shit. What did I do? Basagulero pa naman yun si kuya at sa pagkaka-alam ko nanliligaw at nanghihingi siya ng isa pang chance kay ate. Pero pano kung magkatapat-tapat na silang tatlo mamaya? Kinakabahan ako. Tulong naman oh. Birthday ko eh. :(
------------------------------------------------------
ARCHELLE'S POV
Parang alam ko na ata kung bakit ganyan umarte si Daniel eh. PERO SECRET MUNA!
"HOY DANIEL! Ano ba. Halika na. Anong oras na oh!" tulala nanaman kasi eh. Hay hay. Pag-ibig nga naman.
Pero wala eh. Di pa din nakikinig. Kaya ayun, si Ate Monika na gumawa ng move sa tulala niyang boypren ayy MU palang pala. Alam niyo ginawa ni Ate? Haha. Advice ko gawin niyo din to sa tulala. Hahahajk. Jansport kasi bag ni Daniel edi ayun, hinila ni Ate Monika si Daniel. Hinila ni Ate yung dulo ng bag, yung naka-lawit sa ilalim na mahaba. OH WAG GREEN! HAHA! Basta yun na yun. Di ko alam tawag eh.
BINABASA MO ANG
Silent Tears
Teen FictionDon’t take someone for granted just because you know, that every time you push them away they’ll always come running back. Because one day, they won’t