Chapter 23

6 1 0
                                    

MONIKA'S POV

Sobrang sakit ng ulo ko, alam kong sobrang dami kong nainom kagabi. Pinipilit kong matulog ulit kaso ayaw na akong patulugin ng buong sistema ko kaya napilitan na akong dumilat. Nagulat ako na wala ako sa bahay, mas nagulat ako nang na-recognize kong bahay to ni Martin. Bahay ni Martin na ex ko!

Kinabahan ako, pero naisip ko wala naman sigurong nangyari kasi wala naman akong katabi pero namatay ang damdamin ko nang nakita kong nakakalat lahat ng damit ko at damit ni Marvin sa lapag. Sinilip ko din sarili ko sa ilalim ng kumot na puti at naiyak ng nakitang wala akong suot kahit na nakita ko na yung damit ko sa lapag. Pero mas naiyak ako nang nakita ko yung kaunting dugo sa putting bed sheet ng kama.

Napaka-tanga ko na uminom ng marami kagabi at wala man lang natandaan na sumama ako kay Martin. Ang natatandaan ko nalang ay ang taong sayaw ng sayaw sa likod ko at wala nang iba.

Naglakad-lakad ako sa kwarto ni Martin at isa isang pinulot ang aking mga damit, nag-punta na din ako sa banyo upang makapag-linis at mag-bihis kahit na ang bigat bigat ng kalooban ko lalo na naalala ko si Blaise. Hindi ako nakapag-sabi sa kanya o nakapag-balita man lang kung anong nangyari sa akin. Naiwan ko kasi yung mga gamit ko sa kotse ko nan aka-park sa labas ng bar.

Palabas na sana ako ng banyo kaso narinig ko si Martin na may kausap sa cellphone niya.

"Sabi ko naman sa inyo makukuha ko din si Monika sa tamang panahon ng walang kahirap-hirap eh"

"........"

"Basta yung pusta niyo alam niyo naman kung anong bank account ko"

"........"

"Oo yun, ang dami niyo pang satsat eh nagawa ko naman yung pustahan natin, basta siguraduhin niyong kumpleto yang ilalagay niyo ha"

"........"

"Sige, bye"

Mas naiyak ako ng marinig ko yung mga sinabi ni Martin, di ko man narininig yung sinabi sa kabilang linya pero alam kong napag-pustahan nila ako. Feeling ko ang dumi dumi kong tao. Nang narinig kong tahimik na sa labas ng pinto, nagmadali akong lumabas at nag-tawag ng taxi. Nagpa-hatid ako sa bar na pinuntahan naming kagabi para kunin yung kotse ko.

Hindi ko alam kung paano ako naka-uwi ng safe, kasi umiiyak lang ako habang nagda-drive. Buti nalang at walang tao sa bahay at walang nangingialam o pumapansin sakin. Chineck ko din ang phone ko na lowbat pala. Hindi muna ako nag-charge dahil ayoko ng may makausap muna kasi kahit ako hindi pa nagsi-sink in sakin lahat ng nangyari sakin sa loob ng isang gabi.

Mahigit isang buwan din akong hindi umalis sa kwarto ko, lalabas lang ako kung kakain na. May banyo naman ako sa kwarto kaya dito nalang ako naliligo. Di ko namalayan na gabi na pala, may kumakatok sa kwarto ko. Ayaw ko sana buksan kaso late na, nabuksan na ni kuya, may susi kasi siya bwisit.

"Monika, sabihin mo naman sa akin kung anong nangyayari sayo. Nahihirapan na kami ni Blaise sa kakaisip kung anong problema mo" di ako sumagot sa kanya at naalalang di ko pa din kinakausap si Blaise, simula nung may mangyaari sa amin ni Martin. Ayaw ko man aminin sa sarili ko pero tuwing napapanaginipan ko hindi ko maiwasang maalala at aminin sa sarili ko na totoo lahat nang nangyari nung gabing yun.

"Hindi ba dapat masaya ka ngayon Princess? Kasi graduate ka na at may loyal kang boyfriend na kahit mahigit o halos isang buwan mo nang hindi kinakausap andyan pa din para sayo" hindi pa din ako sumasagot sa kuya ko ngunit nagulat ako ng may hikbing tumakas sa bibig ko, I felt comfortable and safe ng maramdaman kong niyakap ako ni kuya

"Sige na, tawagin mo lang ako kung ready ka nang makipag-usap sakin tungkol sa problema mo ha?" sabi sakin ni kuya nang medyo kumalma na ako

"Oo nga pala Princess, nabalitaan kong na-aksidente pala si Martin sabi ng mga kaibigan niya masyado daw mabilis magpa-takbo ng motor papunta dito sa bahay natin. Di naman ako naniniwalang dito nga pupunta baka pareho lang way tong bahay natin sa pupuntahan niya talaga. Anyway, ayun nga daw di kinaya ni Martin he passed away a week after his accident" hindi nag-sink in agad sa utak ko yung sinabi sakin ni kuya pero nagulat ako, syempre sino ba namang hindi magugulat

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero nagulat nalang ako pag-dilat ko ng mga mata ko may araw na. Nakatulog na pala ako kagabi. Ngayon ko lang din napansin na may iniwan si kuya na box sa table ko. Natatakot akong buksan yung box sa di ko malamang dahilan but I opened it anyway.

Silent TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon