Chapter 1 - Meet Shammy

181 8 0
                                    

Ang daming spotlight, sobrang init. Di akalain ni Shammy na ganito pala kagrabe ang nararanasan ng mga ini-interview sa tv. Para siyang nakabilad sa araw pero di niya na lang inisip masyado 'yun. Kasi sa wakas may nakapansin sa kanyang "obra" –kung tawagin nga niya. Na-feature kasi sa isang show 'yung mga authors ng mga pinakasikat na stories sa wattpad. Napasama siya, thank goodness sa mga readers niya.

"So, Shammy, o mas kilala sa pangalang ShammySiyam, what can you say about your fans na super excited magbasa ng bago mong stories?" sabi ni Thea V, ang pinakasikat na tv personality.

"Well, right now po, I'm working on a story. And this time it'll be a little bit different po from my previous stories." Ngumiti lang siya ng kaunti. Kasi alam niya that the story she's planning to publish will not just be 'a little bit different' but a whole lot different. May pinaghuhugutan kasi eh.

"Wow, that's interesting!" sabi ni Thea, "paanong different naman 'to, Shammy? If I'm not mistaken, most of your stories are, let's say, sweet. You know, the kind of sweet which is teenager-oriented?"

"Um, opo pero ngayon po, lalagyan ko lang ng kaunting toughness, kaunting reality."

And again, na-amaze si Thea V, mukhang di makapaniwala. "That was a really tough statement Shammy. So, I guess, your readers should brace their selves for a little bit of reality in your stories, huh?"

"Yes, I guess so." Sabi ni Shammy, with a small smile on her lips. And the show dragged on.

Sa totoo lang, she's torn between pagiging masaya at pagiging malungkot. Una, kasi na-feature siya sa tv which means mas lalaki ang chance na makilala siya sa industriya ng pagsusulat. Pangalawa, may masakit siyang pinagdadaanan ngayon. At 'yun ay ang pagmu-move on.

Dalawang linggo pa lang kasi ang nakakalipas mula nung mahuli niya si Jude, 'yung boyfriend niya for three-long-years, doing something you don't want to know with her so called 'bestfriend', Aubrey, sa bahay ni Jude.

Almost a year na din pala siyang niloloko ng dalawa. Di siya makapaniwala. Akala niya kasi he's the one na pero hindi pala. At di din naman siya makapaniwala na gagawin sa kanya ng bestfriend niya 'yun. Kesyo nawalan daw si Shammy ng oras kaya silang dalawa ung nagkakasama sa lakaran hanggang sa nadevelop na lang daw.

Sinungaling! Ano tanga lang para hayaang masaktan ako ng ganito?, sabi ni Shammy sa isip niya. Hindi kasi siya 'yung tipong nakikipagsagutan o nakikipag-away. Lahat kinikimkim niya lang sa loob niya.

Di na siya nagsalita at umalis na lang siya. Simula nun wala na siyang balita sa dalawa. Siguro nagpakasaya na sila dahil sa wakas they don't have to hide their relationship from her. Kasi nahuli na sila, buking na. Habang siya, wasak na.

"Okay ka lang?" sabi ni Anne, isa sa dalawang online bestfriend ni Shammy. Nagpapasalamat si Shammy kasi kahit nawalan siya ng bestfriend sa personal niyang buhay, andyan si Anne pati na rin si Bitz, na naging friends niya through wattpad.

"Ha? Bakit mo naman natanong? Okay lang ako. Ikaw naman oh?" sabi ni Shammy.

"Hala! Ang simple ng tanong ko, ang haba na ng sinabi?" natatawang sabi ni Anne.

Kumunot lang ang noo ni Shammy nang marealize niyang may point nga si Anne.

"Kanina ka pa kasi tahimik Shams." sabi ni Bitz from behind, mukhang medyo natabunan siya ng fans niya kaya ngayon lang nakarating ng backstage.

"Ha? Hindi ah? Akala niyo lang 'yun. Kinakabahan lang kasi ako sa interview satin kanina."

"Ay. Speaking of interview, ang tough mo kanina Shams ha?" sabi ni Anne.

"Oo nga." pagsang-ayon ni Bitz

Nag-bow lang si Shammy sa harap nila na para bang kakatapos lang magperform. Proud sa ginawa niya kaninang interview. Pero naka-gain naman siya ng light na batok from Bitz.

"Aray!" sabay hawak sa back ng head niya.

"Naku. Masanay ka na kay Bitz. Bayolente kasi 'tong babaeng to eh." sabi ni Anne. Unlike Shammy, si Anne at Bitz, matagal ng magkaibigan, classmates yata sila nung college pa. At isa pa, ngayon lang sila nagkita ng personal puro online lang kasi eh.

"Tara. Celebrate na lang tayo kasi sa wakas, nakita ko na kayo ng personal–" Tuwang tuwa naman ang dalawa kaya nag-ayos agad ng mga gamit nila.

"–tsaka para makalimot din ako kahit sandali lang."

"Ano namang dapat mong kalimutan te?" nagulat si Shammy. May nakarinig pala sa kanya. Nakakahiya. Tumingin siya sa likuran niya para tignan kung sino 'yun.

"Hi. Nina nga pala." the stranger said with a wide smile and an offered hand.

"Shammy." reaching the hand of the stranger, na nagngangalang Nina.

"May problem ka te?" sabi ni Nina. Mukha naman siyang mas ahead kesa kay Shammy, siguro hobby niya lang talaga mag-'te'.

"Wala naman, joke lang 'yung sinabi ko kanina te."

"Sure?" di naniniwala si Nina.

"Oo nga te, sinusubukan ko lang kung papansinin nung dalawa kong kaibigan. Eh mukha yatang di nila narinig. Buti na lang narinig mo, kundi sayang 'yung trip ko." Sabi ni Shammy, sabay tawa. Para mas magmukhang totoo 'yung sinabi niya.

"Oh, ate Nina. Akala ko mamaya ka pa?" sabi ni Anne sabay tingin sakin. "Magkakilala na kayo ni Shammy?"

"Ah, medyo, ngayon-ngayon lang."

"Okay, good."

"Di ko akalain na friends pala kayo ng kapatid ko," sabi ni Nina kay Shammy.

"Hi ate!" sabi ni Bitz, interrupting them. "oh ano? Tara na?" Nag-agree naman ang lahat.

Pumunta sila sa pinakamalapit na restaurant. Masaya naman ang lahat hanggang sa may itinuro si Nina kay Shammy, tingin ng tingin daw kasi eh. And to her surprise, it was her ex-boyfriend with her ex-bestfriend.

Sabi ko gusto kong makalimot, bakit ganito? Why?, sabi ni Shammy sa sarili niya.

"kanina pa tingin ng tingin sayo 'yan. Na-intriga ako baka kasi kilala mo."

"kilala ko nga sila te." pabulong na sabi ni Shammy. "yan 'yung ex ko at bestfriend ko dati."

"sila 'yung gusto mong kalimutan?" medyo malakas ang pagkasabi ni Nina kaya sabay baling kay Anne, "ano Anne?"

"Ahy, oo ate!" agree naman ni Anne, nilakasan din niya.

"Kasi nasaktan si Anne ate, di kasi binasa 'yung work niya." Back-up naman ni Bitz.

Hiyang hiya si Shammy pero thankful siya kasi sinalo siya ng mga kaibigan niya. Buti na lang at nandyan sila at nagkaron ng confidence si Shammy. In the first place, hindi naman siya 'yung may ginawang kasalanan, it was them.

Biglang tumayo si Jude mula sa mesa nila, sumunod din si Aubrey.

Naku! Mukhang papunta pa yata dito oh? Pag-aalala ni Shammy.

"It's nice to see you again, Shams. I hope we forget what had happened before." Sabi ni Jude, reaching for Shammy's hand.

Ito naming si Shammy, sa sobrang gulat at sa sobrang sakit ng nadarama niya. Wala siyang nagawa. Natulala lang.

Akala tuloy nung dalawa, okay na sila. Kaya itong si Aubrey, nagawa pang magbeso kay Shammy. Parang walang nangyari last two weeks.

Pati mga friends ni Shammy na-shocked. Di nila akalain na magagawa sa kanya nung mga taong 'yun ang bagay na ginawa lang nila kanina. Hindi nila alam ang buong storya pero ang alam nila nasaktan at patuloy na nasasaktan si Shammy.

Kaya after ng nakakalokang pangyayari, inaya nila si Shammy to stay for the night sa bahay nila Nina. Para maaliw, baka kasi sumuko sa buhay pag iniwan nila 'tong mag-isa.

Sobrang sakit, patuloy na sinasabi ni Shammy sa sarili niya, mga walang hiya sila.


_________

First chap done. Congratulations to me! Yay!!

Comment and Vote!

Ang Di Mapipigilang "Tayo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon