Chapter 8 - The Comeback

21 2 8
                                    

Shammy: Bakit kasi hindi ka nagreply dun sa message ko sayo nung last time?

RR: Natabunan lang ako ng work. Kaya sorry na, ngayon lang ako ulit nakapagparamdam.

Shammy: Ooh.. multo ka?

RR: Sha, naman eh.. hmm. Pero seryoso, sorry na.

Shammy: Seryoso din, multo ka?

RR: ugh!! May chance. Andito nga ako sa likod mo ngayon eh.

Shammy: Wala kaya. :p

RR: Oo, kasi nasa harap mo na ako.

Shammy: :p

RR: pero seryoso na talaga Sha, sorry na nang super. Super talaga.

Shammy: seryoso din, ayos na. ako nga ang dapat na mas mag-sorry eh.

RR: Sus, wala na yun. Ayos lang din. Yii, hmm, R?

Shammy: Anong R? di ko gets.

RR: yii.. mag-backtrack ka ng convo natin..

Shammy: wag na. sabihin mo na lang.. dali na.

RR: sige na nga. Last message mo sakin bago ako magmessage sayo kanina. Tinawag mo akong R.

Shammy: oh tapos? Anong big deal dun?

RR: wala... :(

Shammy: huy!!!!!!!!!! Bakit?!?!?!?!?! Anyare sayo? Bipolar?

RR: nasaktan mo na nga ako patuloy mo pa rin akong sinasaktan.

Shammy: alam mo?????

RR: ano????

Shammy: ANG DRAMA MO!!!!!

RR: awww </3

Shammy: bakit nga kasi bigla kang malungkot?

RR: kasi... kasi... kasi ano eh....

Shammy: ano na? wala nang katapusan yang kasi mo?

RR: wait lang ha? Pwede wag masyadong atat. Ito na oh...

Shammy: oh ano?

RR: kasi nikikilig lang naman ako na 'R' ang tawag mo sakin parang 'Sha' na tawag ko sayo. hmm..

Shammy: yii, syempre friends tayo eh. hm.

RR: talaga? Friends tayo? Di na ba pwedeng next level na lang?

Shammy: ahhh. Best friend? Dadating tayo dyan.

RR: eh more than that?

Shammy: ano ba R? may boyfriend ako noh?

RR: hala! Medyo assuming ka po ate. Super best friend po ang tinutukoy ko. haha

Shammy: HA! HA! HA! NAKAKATAWA.

RR: eh totoo naman kasi. Masyado kang advance mag-isip. Haha. Pero seryoso, sino?

Shammy: yung ex ko. nagkabalikan kami eh.

RR: huwwwwaaaaattttt?

Shammy: OA mo. Maka-huwat ka dyan, wagas ha? Oo nga kasi eh.

RR: kelan pa?

Shammy: bakit ko sasabihin sayo?

RR: kasi konsensya mo ako... at sinasabi ko sayong sabihin mo sakin kung kelan pa.

Shammy: konsensya.... Manahimik ka dyan....

RR: basagtrip naman neto oh.. kelan nga kasi eh?

Shammy: basta..!!!

RR: edi paano na lang?

Shammy: paano na lang ang alin?

RR: hindi. Ang tanong ko, 'paano' nalang.

Shammy: linawin mo kasi eh.

RR: sagutin mo na lang din kasi.

Shammy: basta nga....

RR: siguro basta din pangalan ng bf mo noh?

Shammy: ang labo mong kausap, alam mo yun?

RR: mas malabo ka kayang kausap. Tinatanong kita ng maayos di ka naman sumasagot ng maayos.

Shammy: hmm, ewan ko sayo. sige na, madami pa akong gagawin...

RR: wait lang, magkwento ka naman sa life oh?

Shammy: basta hindi ka na magtatanong ng kung anu-ano ha?

RR: yes, Ma'am!

Shammy: okay, so, hm,,,,

RR: ano na?

Shammy: may work na ako.

RR: ahh.. oh tapos? Ano nang gagawin ko?

Shammy: azur ka! Tse! Pakamatay ka na lang. hmp!!!

RR: hala! HB naman agad. Nagpaparty na kaya ako dito oh. Woo-hoo. Woo-hoo. Party-partey!!!

Shammy: Party sa chatbox? Push natin yan!!! Woo-hoo. Parteeyyyyyyyy!!!!!!!!!!

RR: haha. Pero super saya ko talaga para sayo. sana ma-enjoy mo work mo.

Shammy: wish ko din yan. :) thank you. ;)

RR: oh em G-O-S-H!!!! nagwink ka!! Nikikilig ako. Hihi.

Shammy: Sira ka talaga noh? Tsaka ang lakas maka-mangkukulam nang tawa ah.

RR: whatevah! Nag-wink ka pa rin sakin. Hahaha.

Shammy: ano? Hindi ka mananahimik dyan? Bugbugin kita sa chatbox eh!

RR: sa personal na lang.. yiii

Shammy: wag na, baka mapuruhan ka. Haha

RR: wag na nga lang. ambayolente mo kasi. Nakakatakot. Hahaha

Shammy: good. :p

RR: so, saan ka na nga pala nagwowork?

Shammy: uyyy,,, change topic agad ah. haha. Hm, sa Valley Publishing, Inc.

RR: uy, maganda yata dyan. Daming benefits ng employees nila.

Shammy: oo nga eh. pero kaka-start ko lang kanina kaya baka di ko pa ma-experience yung mga benefits nay un.

RR: oo naman, kababago-bago mo pa lang benefits agad? Abusado? Hahaha.

Shammy: haha. Hindi ako ganun noh? Kaya nga, magpapaalam na ako kasi nakakahiya naman sa pinagtatrabahuhan ko kung yung bagong managing editor nila ay hindi nagtatrabaho ng maayos.

RR: agad-agad? Maaga pa naman eh.

Shammy: 10:30 na po kaya, maaga pa ba yun? Hm, sige na. buh-bye na po, R. :)

RR: wink muna. Please?

Shammy: tse!!!!

RR: sige na.... hmmmm

Shammy: ito na nga, ;

RR: azur, napaasa ako. hm, twulowxg n4 n64 lh4ng pfowxz t4yowxsz. Ay, work muna pala. Hihi. Night in advance Sha.

Shammy: you, too, R. at tigil-tigilan na rin ang jejemon. Di na uso. haha.


Ang Di Mapipigilang &quot;Tayo&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon