Chapter 4 - The Family

34 5 0
                                    

Pagdating niya sa pinto ng unit niya, nag-aalangan siya kung papasok na ba siya o hindi pa. Alam niya na kasi kung sino ang madadatnan niya sa loob. Ang pamilya niya.

Ano naman kayang ginagawa nila dito? sabi ni Shammy sa sarili niya.

"Ma, Pa, oh-ah, andito po kayo." Sabi niya sa mga magulang niya. "napadaan po kayo dito. Kasama niyo pa si Shana."

"hi ate!" sabi ng napaka-hyper na kapatid ni Shammy. Bata pa kasi eh.

"hello bunso!" sabi niya sa kapatid niya. "ah, Ma, ano pong ginagawa niyo pala dito?"

"Anak, hinatid lang naming si Shana dito. Remember, nagmessage ako sayo last month na dito muna siya while we have our vacation in Singapore?"

"Ma, pano 'yung schooling niya? Tsaka wala naman akong maalala na message niyo ah?"

"Anak, bakasyon niya ngayon. Palibhasa, di ka na nag-aaral kaya di mo na alam ang school season." Natatawang sabi pa ng Mama niya."tsaka wag ka nang magkaila na wala kang maalalang ganun, nag "okay Ma" ka pa nga eh."

"pero, Ma!!!!" pagmamakaawa niya sa Mama niya. Hindi naman sa ayaw niyang makasama 'yung kapatid niya, ayaw niya lang talagang mag-alaga.

"Anak, everything's settled in Singapore already. We cannot move this vacation again." Sabi ng Papa niya.

"pero, Pa, walang mag-aasikaso sa kanya dito. dapat dun na lang siya sa bahay eh kasama niya naman sila Manang Pering dun."

"Shammy, Manang Pering needs some rest, too. Alam mo naman para na siyang pamilya satin kaya time niya naman na magpahinga although andun naman siya sa bahay."

Wala nang magawa si Shammy. Alam niyang may point ang Mama niya, kelangan din ni Manang Pering ang magpahinga kahit papaano.

Pero hindi pa rin siya susuko. If she could not convince her Mama, she would convince her Sissy.

"Shana, tell Ma that you don't want it here." Sabi niya sa kapatid niya. "tell her na gusto mo sa bahay na lang and not here in my small place."

"ate, I'm sorry but I have already packed my things and, you know, your place isn't really maliit. We can both fit in here. Plus, I guess, before I enter college, it's nice naman to experience the city life." Sabi ng kapatid niya sa kanya.

Nawala sa isip niya na magka-college na nga pala si Shana next school year. Kelangan niya ngang ma-expose sa takbuhin dito sa city.

"pero Shana, who's gonna take care of you pag nasa work ako or somewhere?"

"don't worry ate, I can handle myself naman. Tsaka, as if I'm gonna do something stupid. Of course, I wouldn't."

"Just make sure Shana. Just make sure you won't."

UUUGGGGGHHHHHH!!!!!!, sigaw ni Shammy sa isip niya. Wala na siyang laban. Wala na.

"Okay fine. Ma, just tell me when will you come back." Surrender na si Shammy.

"we'll be back after one month, Anak. Don't worry about our hacienda and Shanna's budget. We already took care of it."

Well, hindi naman siya worried sa hacienda kasi alam niya naman na andun ang mga tito at tita niya to supervise habang wala sila. Ang worry lang talaga ni Shammy is 'yung allowance para kay Shana. Lalo na ngayon na wala pang tumatawag sa kanya to tell her that she's hired.

Buti na lang na parents niya na ang nag-initiate about sa matter na 'yun. Ayaw niya kasing pag-usapan pa nila 'yung tungkol sa pagre-resign niya.

"sige po. I'll take care of Shana while you're gone. But make sure na one month lang talaga, Ma. One month."

Ang Di Mapipigilang "Tayo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon