Chapter 2 - Meet the Fanboy

31 4 0
                                    

Ilang linggo na rin ang nakalipas since nakita ni Shammy ang ex niya. Nagpaka-busy na lang siya sa paggawa ng bagong story niya, kinukulit na kasi siya ng mga followers niya, wala pa daw siyang bagong story na pina-publish. Kaya ayun, absorbed sa pagsusulat.

At isa pa, busy din siya sa paghahanap ng bagong trabaho. Di niya kayang makatrabaho 'yung minsang pinagkatiwalaan niya, 'yung minsang tinawag niyang 'friend'. Katrabaho niya kasi si Aubrey dati.

Habang naghahanap siya ng pwedeng pagapply-an naisip niya, bakit di na lang siya mag-apply sa isang publishing company tutal mascom naman natapos niya. Dati kasi sa isang magazine company siya nagtatrabaho. At least ngayon pag sa publishing company siya mas exposed siya sa maraming libro, maraming professional authors, maraming pagbi-busyhan.

Kung saan-saan siya nagpasa ng resume niya online hanggang sa naubusan ng magawa. Nag-online siya sa fb, may unread message. Binuksan niya 'to, as usual message ng isa sa mga readers niya. But there was something different, first time na magkaron siya ng lalaking fan. Madalas kasi babae or gay, pa-girl kasi mga sinusulat niya. First time 'to na lalaki ang nag-message sa kanya.

RR Perez: Hi Ms. Shammy! Fanboy here. I really love your works so I had the urge to search for your fb to message you.

Wow. Mukhang nagpapa-impress kay Shammy, straight English.

Shammy Uy: Thank you for reading my stories. Hope you enjoyed it!

Ang usual na response ni Shammy sa mga fans niya kahit na di naman usual 'yung fan niya ngayon.

RR: You know Ms. Shammy, I want to meet you in person someday.
Wow ulit. Di naman kasi ganun ang usual na response ng mga fans niya. Usually, 'I enjoyed it po' o kaya 'sulat pa po kayo ng bago' or 'book two po, open ending kasi'. Hindi, 'I want to meet you someday'. Medyo creepy, pero intriguing. So nagreply siya ulit.

Shammy: But why mister?

RR: Because I guess, you're not just a good writer, but you're wonderful. You know, cause I think you put some part of yourself into your stories.

Shammy: so you're saying that you know a part of me?

RR: not really, Miss. But I'm just saying that your works are somewhat a reflection of you.

Hindi nagreply agad si Shammy. Baka kasi stalker lang 'to. Ang creepy. Pero nakaka-impress, di na masama.

Shammy: um, you know what, I'm impressed that you really are my fan. Pero pwede bang wag ka nang pa-impress. Sino ka ba talaga? Tagalog lahat ng works ko kaya malamang marunong ka din magtagalog.

RR: wow! Sa wakas Ms. Shammy. Sobrang kinabahan ako kanina. Hinihintay ko lang kasi na magtagalog kayo eh.

Shammy: Jologs ka din 'no? pero, seriously, sino ka talaga?

RR: I'm Rusty Perez, RR for short, 22 years old.

Shammy: Hi Rusty, or should I say, RR. I'm Shammy Uy.

RR: no nickname?

Shammy: bakit? Close na ba tayo?

RR: may point ka! Pero thank you.. um, can I call you Shammy na lang?

Shammy: Shammy na lang? ang haba naman nun Rusty na lang.

RR: hahaha. Hindi ganun. Ang ibigsabihin ko, 'Shammy' instead of 'Ms. Shammy'.

Shammy: okay. Shammy it is.

RR: thank you Shammy for being friendly to me. And sa pagreply mo sakin kahit na isang random fan mo lang ako.

Ang Di Mapipigilang "Tayo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon