Chapter 3 - The Meetup

29 4 0
                                    

Dumalas ang pagcha-chat ni Shammy at ni RR. Halos di na nga niya maalala ang matulog kung minsan eh. Paano ba naman, sa gabi inaabot sila hanggang madaling araw magka-chat, kung anu-ano lang ang pinag-uusapan. Tapos, sa umaga naman, kelangan niyang magprepare para sa job interview niya.

At dahil din sa sandamakmak ng ginagawa niya, unti unti niya nang nalilimutan 'yung sakit niya, sakit sa puso. Di niya na masyadong iniisip 'yung ex niya at 'yung nangyari last few weeks ago.

Pero tadhana nga naman oh. Minsan sa isang interview niya, nabigla siya nung makita niya kung sino 'yung interviewer. Walang iba kundi si Jude.

Bakit ganito? Umo-okay na ako eh? Ano bang ginawa ko para maparusahan ako ng ganito? Why? bulong ni Shammy sa sarili niya. Hindi n asana siya lalapit sa desk ni Jude, lalabas n asana siya. Pero tinawag siya nito.

"Shammy. Wag ka munang umalis. May sasabihin lang ako." Sabi ni Jude.

Ito naming si Shammy dahil sa ayaw niyang magmukhang bitter at gusto niyang ipakita na strong siya. Humarap uli siya kay Jude na para bang wala silang masalimuot na nakaraan.

"ha? Bakit, ano 'yun?" simpleng sagot ni Shammy.

"ah, eh, kasi..." di mapakali si Jude, parang nagdadalawang-isip sa sasabihin niya. "kasi may na-realize ako."

"ano naman 'yun? Sagot niya.

"mahal pa rin kita, Shammy. Break na kami ni Aubrey. Di ko alam kung anong ang pumasok sa isip ko nun, bakit ko nagawa sayo 'yun? Pero, Shammy, seryoso ako sayo. Mahal pa rin kita. The last time that I saw you, I realized that without you I am incomplete. Please forgive me Shammy. I need you, and I love you."

Hindi alam ni Shammy kung paano siya magre-react. Kasi sa totoo lang, masaya siya sa mga narinig niya na at least, break na sila ni Aubrey. Pero di niya alam kung magiging masaya ba siya dahil sabi ni Jude, mahal pa rin siya nito.

"Jude, I forgive you already. But I don't know what to say, you know, it's not that easy to forget." strong pero mahinahon na sabi ni Shammy.

"please accept me again Shammy. I will never hurt you again. I really love you. Please come back to me." Nagmamaka-awa si Jude.

"I couldn't decide right now yet. Just give me time to think first, Jude. Kelangan mo ding pag-isipan pa. Baka di naman talaga totoo 'yang nararamdaman mo."

"I'm sure, Shammy, of what I feel. If you want, liligawan kita ulit. Susuyuin kita ulit. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal talaga."

"Action speaks louder than words." Tsaka lumabas na siya ng office. Nanglalambot ang mga buto niya sa tuhod.

Kinuha niya 'yung phone niya. Minessage niya si RR kahit na alam niyang di naman magrereply ito sa ganitong oras.

Shammy: grabe RR!!! Ang kapal ng mukha niya! Sa tingin niya ganun na lang kadaling kalimutan ang lahat? Ganun na lang 'yun? "please come back to me"? siya kaya 'yung nangloko... UGGGHHHH!!!!

Biglang nagreply si RR. Nagulat naman si Shammy. Di niya kasi ine-exoect na ganun kabilis ang response ni RR.

RR: ha? Bakit? Anong nangyari?

Shammy: naaalala mo 'yung nakwento ko sayo minsan? 'yung ex ko.

RR: oo, bakit? Nakita mo siya?

Shammy: oo, siya 'yung interviewer ko ngayon. Di naman n asana ako tutuloy eh, siya lang tong tumawag sakin.. nakaka-inis!

Ang Di Mapipigilang "Tayo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon