Ilang araw nang nakalipas nung na-postpone ang meetup ni Shammy at RR. Hindi pa rin nagcha-chat si RR kay Shammy. Nag-aalala na 'to baka kung ano nang nangyari kay RR.
Pero he is the least of her worries. Kasi ang tagal na niyang walang trabaho, mauubos na ung reserved money niya at ayaw niyang humingi sa parents niya. Mukhang nakakahalata na rin ang kapatid niya kung bakit parang di siya pumapasok sa trabaho.
"Good morning, Ate!" sabi ni Shana as she walk into the kitchen. "What's for breakfast?"
"May pancake dun sa counter, kunin mo na lang, tapos na akong kumain kanina." sabi ni Shammy habang busy sa pagscan sa laptop niya. Naghahanap siya ng job vacancy ulit para magpsa ng resume.
"Aren't you going to work again, Ate? Napapansin ko kasi you're not going anywhere lately." tanong ni Shanna as she eats her pancake with grace.
"Shana, don't ask too many questions. Kumain ka na lang dyan. I have no time to explain everything to you."
"pero Ate, you seem to have all the time in your hands," pagpupumilit ni Shana, "come on, spill it out. You can trust me, Ate."
"Okay, I'm gonna tell you something but, please, promise me you won't tell Mama and Papa."
"promise, Ate." sabi ni Shana, taking another bite of her pancake.
Kinuwento ni Shammy kung ano ang mga nangyari sa kanya the past few weeks. 'Yung betrayal ni Jude at Aubrey. 'Yung pag-alis niya sa trabaho. At 'yung pagkikita nila ni Jude ulit. Pero she left RR for herself.
"talaga, Ate? They did that to you." Gulat na gulat na sai ni Shana, "naku, if I happen to see them, I'm gonna crash their faces talaga."
Bumaon 'yung tip ng tinidor ni Shana sa wooden table sa sobrang galit niya.
"Shana, you're ruining my table. Relax ka lang. Okay naman na ako," sabi ni Shammy, kalmado.
"Are you su–"
Natigil si Shana sa pagsasalita at sabay sila ni Shammy na napalingon sa pintuan nang may mag-doorbell.
Sino kaya 'yun? Pag sila Bitz 'yun, tatawag muna sila bago pumunta dito, sabi ni Shammy sa isip niya.
Unusual kasi. Hindi naman siya nakakatanggap ng maraming bisita kundi mga friends niya lang at family niya. At unusual din na walang tumawag sa kanya bago dumating sa unit niya.
Nakita ni Shana ang di maintindihang expression ng Ate niya. "I'll get the door na Ate. Just fix yourself na lang."
Nagulat siya when Shana returned with a bunch of colorful flowers in her hands.
"kanino galling 'yan?" tanong ni Shammy, naghalong gulat, tuwa at takot ang expression niya.
"I don't know, Ate. I kept on asking the delivery guy who is it from pero sabi niya hindi daw pinapasabi ng nagpa-deliver."
Dala-dala pa rin ni Shana ang mga flowers as she follows her Ate getting a huge enough vase for all the flowers.
"oh, ilagay mo na dito. Sobrang dami naman nito," sabi ni Shammy, helping Shana put all of the flowers into the vase.
May napansin siya sa gilid ng mga bulaklak, may card na naka-slip.
Binasa niya ng malakas ang nakasulat, "These flowers may be beautiful but they can never be as beautiful as you are."
Cute but not sweet, sabi niya sa isip niya, if you let me know who you are siguro I'll consider it.
"Ate, walang name or any initials man lang?" tanong ni Shana as she join Shammy in looking at the card.

BINABASA MO ANG
Ang Di Mapipigilang "Tayo"
HumorIsang writer at isang fanboy (turned boss)... ...pinagtagpo ng tadhana? o pinagtripan lang? ...kakayanin ba nila ang mga problem na kahaharapin nila? o susuko na lang sila? ...di nga ba sila mapipigilan? o 'yun lang ang sa tingin nila? Sila lang ang...