Early in the morning after a week of phone calls between Shammy and Jude, busy si Shammy sa pag-aayos ng gamit niya bago siya umalis. Nabulabog niya na rin pati ang pagtulog ni Shana.
"Ate, bakit maaga pa lang ang ingay ingay mo na dyan," naiiritang sabi ni Shana, habang papunta ng sala. "maawa ka naman sakin oh? Wala pa akong tulog eh."
"Bakit kasi madaling araw ka nang natulog? Kasalanan ko pa ba yun?" sagot ni Shammy mula sa kwarto niya.
"Hindi pero kasalanan mo kung bakit ako nagising. Ano ba kasing inaasikaso mo dyan ha?"
"Secret!" sigaw ni Shammy.
"Ano nga kasi Ate? Hindi ka naman usually gumigising ng ganito kaaga ha? Nauuna pa nga ako sayo minsan eh," sagot ni Shana. Papunta na siya sa kwarto ni Shammy para tingnan ang ginagawa ng Ate niya.
Pagpasok niya sa kwarto ni Shammy, nag-aayos ito ng mga gamit. Gamit pang-opisina. Wow!
"Oh, himala, Ate. Ngayon lang kita nakitang mag-ayos ng mga gamit pang-work."
"First day ko ngayon eh, ipinasok ako ni Jude sa company nila. EIC kasi siya sa isang magazine ng company," sagot ni Shammy, carelessly.
Nagulat si Shana sa mga sinabi ng Ate niya. Kasi all this time akala niya home-based lang ang pagtatrabaho nito pero ang totoo wala pala talaga siyang trabaho.
"So you mean, wala kang work dati. Nagsecret ka sa akin, kela Mama at Papa," curious na tanong ni Shana.
"Intindihin mo na lang Shana, please?" pagkukumbinsi ni Shammy sa kapatid niya. "Come to think of it, kapag sinabi ko kay Mama at Papa na jobless ako, malamang pinauwi nila ako sa hacienda at hindi mo mararanas na magstay dito." Confident na siya na na-convince niya na si Shana.
"Pero ate–"
"Shana, look, I somehow did you a favor. Kaya please, do me a favor also. Wag mo nang banggitin sa parents natin ang tungkol dito. May work naman na ako ngayon di ba?" sabi ni Shammy.
"Okay, sabi mo eh," papalabas na si Shana sa kwarto ng Ate niya. "Anong gusto mong breakfast?"
"Wag na. Mag-take out na lang ako sa Coffe Haven ng kape."
"Sus, nahiya ka pa Ate, ako na lang magtitimpla ng kape mo para di ka malate sa work. Sure ako, madami nang customer sa oras na dumating ka dun." Pagi-insist ni Shana kay Shammy.
"O sige nga, caramel macchiato ha?" challenge ni Shammy sa kapatid niya.
"Yun lang ba? No problem."
Ilang minutes na lang aalis na si Shammy pero sa tingin niya di nakaya ni Shana ang challenge niya na ipagtimpla siya ng caramel macchiato. Kaya she decided na dadaan na lang siya sa Coffee Haven talaga.
"Shana!! Aalis na ako," sigaw niya kay Shana na nasa kusina.
"Wait lang, Ate. Ito na yung kape mo oh?" hinabol ni Shana si Shammy para iabot ang kape. "Hindi yan caramel macchiato kasi wala kang caramel dito, basic lang yan."
"Hm, thank you kapatid ko," sabi ni Shammy as if talking to a child. Kiniss niya din si Shana sa noo. "Anything from you, ayos na sakin yun."
"Ate naman, para naman akong bata niyan eh. Tsaka kape lang yan, tikman mo na lang dali."
Tinikman ni Shammy yung kapeng ginawa ng kapatid niya. And was surprised kasi it wasn't bad at all. In fact, pwede na ngang ipangtapat sa mga coffee shops na sikat dyan eh.
"Ang sarap naman nito, pano mo natutunan?"
"Google po. Uso mag-search, Ate," sabi ni Shana, matter-of-factly.

BINABASA MO ANG
Ang Di Mapipigilang "Tayo"
HumorIsang writer at isang fanboy (turned boss)... ...pinagtagpo ng tadhana? o pinagtripan lang? ...kakayanin ba nila ang mga problem na kahaharapin nila? o susuko na lang sila? ...di nga ba sila mapipigilan? o 'yun lang ang sa tingin nila? Sila lang ang...