Chapter 9 - The Tests

32 3 0
                                    

Halos isang buwan na nung huling magkita-kita sina Shammy, Anne, Bitz at Nina. Sobrang namiss nila ang mag-bonding. Kaya nung nagkita sila nagshopping sila at nagpumilit na mag-sleep over sa unit ni Shammy kasama si Shana.

Hindi maka-hindi si Shammy sa mga kaibigan niya kaya tinawagan niya na lang si Jude para sabihin na hindi siya makakapasok bukas. Buti na nga lang at di na nagtanong si Jude kung bakit kasi hindi alam ni Shammy kung anong gagawin niyang excuse. Kasi syempre, hindi niya pwedeng sabihin na nag-sleep over ang friends niya sa unit niya. Mababaw na excuse yun.

"Shammy, halika na dito. mag-start na yung movie," sabi ni Bitz kay Shammy. "sino ba yung kausap mo?"

"Boss ko lang yun," sabi ni Shammy.

Hindi niya pa kasi nasasabi sa kanila na nagkabalikan na sila ni Jude. Hindi niya alam kung paano sasabihin at ipapaliwanag sa kanila.

"Boss nga lang ba?" sabi ni Shana nang pabulong, nakatingin sa tv.

"Anong sabi mo Shana?" tanong naman ni Nina, narinig niya pala ang bulong ni Shana.

"Ahh, wala po yun ate Nina. Ginagaya ko lang yung dialog nung nasa movie."

"Di pa nga nag-start yung mismong movie eh," natatawang sabi ni Nina. "pero ano nga yun? May 'boss' kasi akong narinig eh."

Wala nang takas si Shana kay Nina dahil halatang narinig ni Nina nang malinaw yung mga sinabi niya. Hinuhuli lang siya nito.

"Si kuya Jude po kasi yung boss ni ate. Nagkabalikan na sila," sagot ni Shana. "wag mo na lang sabihin na alam mo na. Sure ako humahanap lang ng time si Ate para sabihin niya sa inyo."

"Sabihin sa amin ang alin?" tanong ni Anne.

Naku! Lagot talaga si Shana sa Ate niya. Hindi dapat siya ang magsasabi nun sa kanila eh.

"Tanungin niyo na lang po si Ate," sabi ni Shana. Naisip niya kasi na si Shammy ang nasa lugar para magsabi nun.

"Uy, Shams, ano tong sinasabi ng kapatid mo, may sasabihin ka daw?" tanong ni Anne kay Shammy.

"Ha? Ano naman yun?" sagot ni Shammy, pero sa tingin niya alam niya na kung anong tinutukoy nila.

"Hm, Shams, sabihin mo na lang," sabi ni Nina.

"Huy, ano ba yan? Sabihin mo na," sabi ni Bitz, naboboring na sa suspense ng sasabihin ni Shammy.

"Urgh! Okay fine. Hmm, nagkabalikan na kami ni Jude at siya yung boss ko sa trabaho," sabi ni Shammy, surrender na. "sorry kasi hindi ko sinabi sa inyo agad kasi hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag."

"Ayos lang, ikwento mo na lang. tsaka na 'tong movie," sabi ni Anne.

Kwinento ni Shammy lahat nang nangyari sa mga kaibigan niya, mula flowers hanggang sa date at sa pagbabalikan nila. Na-realize niya kasi na si Jude pa rin pala yung mahal niya at nakita naman niya yung mga efforts nito para magkabalikan sila.

"Naiintindihan ka namin Shammy," sabi ni Nina. "Pero–"

"Pero dapat nating ma-test kung totoo nga ba talaga siya sayo," sabat ni Bitz.

"Tama, pareho kami nang nasa isip ni Bitz," sabi ni Nina.

"At agree naman ako sa naisip ni Bitz at ni Ate," pagsang-ayon ni Anne.

Plinano nila Anne, Bitz, Nina at Shana kung ano ang mga tests na gagawin nila para kay Jude. Hindi nila inopen kay Shammy kung ano ang mga binabalak nila kasi baka warningan nito ang boyfriend niya. Kaya hinayaan na lang nila si Shammy na matulog na at wag nang umabsent bukas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Di Mapipigilang "Tayo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon