Matagal nang wala sina Jude at Shammy nang marealize ni Shana na naiwan ng Ate niya ang phone niya. Kundi pa ito tumunog, di niya malalaman.
"Ay shi! Naiwan ni Ate yung phone niya," nagpanic si Shana kasi di niya alam kung paano niya kokontakin si Shammy.
Lalabas sana siya pero bigla niyang naalalang hindi niya pala alam kung nasan sila ni Jude ngayon.
Tumunog ulit yung phone ni Shammy.
"Di naka-save yung number. Sino kaya ito?" na-curious si Shana kaya sinagot niya.
"Hello? Sino 'to?"
"Ah, um, hi Shammy." Nauutal na sabi ng nasa kabilang linya. Lalaki.
"Ah, sorry po pero wala po dito si Ate Shammy, kapatid niya 'to. Sino po sila?"
"Ganun ba? Sige, di bale na lang. Sorry," mabilis magsalita ang lalaki, siguro kinakabahan.
"Pero, uh, wait la–" naputol na ang linya, hindi man lang nalaman ni Shana kung sino ang anonymous guy na tumawag sa Ate niya.
"Sino kaya yun? Creepy ha?" sabi ni Shana sa sarili, "si Kuya Jude na nga lang tatawagan ko.
Tinawagan ni Shana si Jude. Nalaman niya na nasa Coffee Haven lang pala yung dalawa.
"Basta 6pm andito na kayo ni Ate. Kapag hindi mo siya hinatid dito ng 6pm, ipapahanap talaga kita sa mga pulis, ipapakulong kita sa kasong kidnapping. Promise ko yun!" sabi ni Shana kay Jude, threat evident in her voice.
"Opo, before six andyan na kami. May mga pinag-uusapan lang kami. Just save your effort in calling the police. Iingatan ko siya."
"Shana ang strict mo naman! Give us more time, please?" sabi ni Shammy over the phone, when she heard the curfew set by Shana.
"Naku, Ate. Wala nang tawad. Six, sagad na yun," sabi niya kay Shammy.
"OKAY!" wala nang magawa pa si Shammy sa desisyon ng kapatid niya.
"Good! At ikaw naman Kuya Jude, wag kang magpapaniwala diyan sa Ate ko, six lang talaga di na sosobra pa dun."
"Oo, Shana. Pwede ko na bang ibaba yung phone? Para makapag-usap na kami ng Ate mo ulit?" sabi ni Jude kay Shana, may hint of pleading sa voice niya.
"Sige na! Bye, basta six ha? Bye! Ingatan mo Ate ko," binaba na ni Shana ang phone.
Naghintay lang si Shana dun sa apartment, sobrang bored na siya. Nalinis niya na lahat ng pwede niyang linisan. Naligpit niya na lahat ng pwedeng ligpitin. Nalabhan niya na lahat ng used clothes niya. Nakapagluto na rin siya ng dinner nila ng Ate niya mamaya.
Thanks to Internet, naluto niya ng maayos yung dinner nila.
Pero ten minutes before 6pm, wala pa rin sila Jude at Shammy. Sobrang worried na si Shana para sa Ate niya, kaya tinadtad niya ng text si Jude.
Yun nga lang, di siya nirereplyan. Wala ni isang text man lang. So she decided to follow them sa Coffe Haven.
And to her surprise, nasa labas lang pala ng pinto sina Shammy at Jude. And to add more surprise on her already surprised self, the two were just about to kiss. In front of door. Worse, in front of her.
"ATE!!!" malakas na sigaw niya kay Shammy.
Naputol ang muntik na paghahalikan nila sa harap ni Shana.
"Shana! Bakit kelangang sumigaw ka pa? Pasok na dun dali!" sabi ni Shammy, halong irita at hiya ang nafeel niya.
Agad namang pumasok si Shana pero hila ang kamay ng Ate niya. "Bye, Kuya Jude! Ingat."
"Wait lang!" pumipiglas si Shammy sa hawak ni Shana sa kamay niya pero di siya binitawan nito.
"Ano ba, Ate?! Halika na dito."
"Err! Sige na Jude, itong kapatid ko kasi eh. Salamat ha? Sa phone na lang tayo mag-usap. Bye!" sabi ni Shammy kay Jude habang hawak pa rin siya ni Shana.
"ulit? Sabik masyado. Sige na, alis na Kuya Jude. Bye, salamat sa paghatid m okay Ate."
Tsaka sinara niya na ang pinto. Hindi man lang naka-response si Jude kaya nagtext na lang siya kay Shammy.
Jude: Thanks for the day, Shams! And thank you for another chance. I'm not gonna lose you again this time. I love you so much.
Shammy: You know I love you, too, so much. Ingat ka na lang sa pag-uwi. Call whenever.
Walang isang minute, tumawag na agad si Jude.
"Ate! Tigilan niyo yang ka-cheesy-han niyo. Kakahiwalay niyo pa lang, usap agad sa phone? Kwento ka na muna." ginugulo ni Shana ang Ate niya at si Jude sa pag-uusap.
Pero hindi sila natinag. Iniwan na lang ni Shammy si Shana sa sala at pumasok sa kwarto, kinikilig sa usapan nila ni Jude.
Inabot na sila ng midnight na tuloy ang pag-uusap, sabay na nga silang nag-dinner through phone. Ilang beses na din sinubukan ni Shana na guluhin sila.
"Huy! Masusunog na tenga niyo, oy! Tigilan niyo na yan." sigaw niya para marinig din ni Jude on the other line yung sinasabi niya. Pero walang effect.
Kaya hinayaan niya na lang silang dalawa. Nakikita niya naman sa mukha ng Ate niya na masaya ito kaya bakit niya pa pipigilan?
Sabi nga nila, love is sweeter the second time around. Kaya siguro ganito si Shammy ngayon. Jude became sweeter when Shammy gave him second chance.
"I love you so much, Shammy. I'm never gonna lose you again. I will love you better now."
"I love you, too, Babe. Just promise me you'll love me forever."
"Yes, I promise. And I'm never gonna break this promise. I love you, Shams."
________________
To my dearest readers, sorry sa short chapter. -.- look at the bright side na lang, may bagong chapter. hihi.
Hope you enjoyed!
Vote and Comment!!! ♥♥♥

BINABASA MO ANG
Ang Di Mapipigilang "Tayo"
HumorIsang writer at isang fanboy (turned boss)... ...pinagtagpo ng tadhana? o pinagtripan lang? ...kakayanin ba nila ang mga problem na kahaharapin nila? o susuko na lang sila? ...di nga ba sila mapipigilan? o 'yun lang ang sa tingin nila? Sila lang ang...