The 8th Chapter

60 5 1
                                    

Third Person's POV:

Masaya niyang nilagpasan ang mga walang buhay na katawan na pakalat kalat lang sa loob at labas ng mansyon.
Lahat sila ay naliligo sa sarili nilang mga dugo at maraming bala nang baril ang naka baon sa kanilang mga katawan. Napangiti nang malapad ang lalaking walang awang kumitil ng mga buhay nila.
Ang kanyang puting damit ay punong puno na nang dugo, at ang kaninang naka-ayos na buhok ay magulo na rin.

Natutuwa siya sa kanyang sarili. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang kanyang kakayahang kumitil ng buhay. Naubos niya kasama ng kanyang mga tauhan ang mga taga bantay sa mansyong ito at sigurado siyang matutuwa rin ang kanyang nakaka tandang kapatid sa nagawa at sa gagawin niya ngayong gabi.

"Ughmmm" narinig niyang ungol sa tabi ng mga patay. Linapitan niya ito at sinakal ng napaka higpit habang siya ay nakangisi. Takot na takot ang taong iyon at nahihirapang huminga, hanggang unti-unting mawalan ito ng buhay.

Napa simangot siya dahil para sakanya, ang mahihinang katulad nila ay hindi nababagay sa mundong ito. Nagsenyas siya sa kanyang mga tauhan na ligpitin ang mga patay.

Dahan dahan niyang tinungo ang ikalawang palapag ng mansyon.Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdamang saya na para bang sinusulit niya ang huling sandali bago niya patayin ang kanyang pakay.
Binuksan niya ang silid kung saan mahimbing na natutulog ang mag-asawang Krios at Victoria Frenier.

"Masyado namang masarap ang kanilang tulog na hindi nila naramdaman ang pag tapos ko sa buhay ng mga walang kwenta nilang tauhan" mapakla niyang bulong sa sarili pero agad rin siyang ngumiti.

Kinuha niya ang kutsilyo na nakatago sa kanyang likod. Tinutok niya ito sa balagat ni Victoria at walang hirap na tinapon sakanya.

"Ahhhhhkkkkkkkkk" nakakabinging sigaw ni Victoria na naka basag ng katahimikan sa buong mansyon at ang naka gising kay Krios.

"Victoria! Anong nangyari sayo?!" Natatarantang tanong ni Krios sa umiiyak na asawa at nakita niya ang kutsilyong naka baon sa balagat ni Victoria.

"Ackhh! A-ang……s…a--a…aaakki………………" naghihinang sabi ni Victoria at unti unting nawawalan ng hininga habang patuloy na umaagos ang dugo sa kanyang balagat.

"Victoria! Victoria! Gumising ka!" Sigaw ni Krios habang yiniyugyog ang nag-aagaw buhay niyang asawa.

"Security! Security! May nakapasok! Security! Fuck!" Nabibigo niyang sigaw sa speker, pero walang sumasagot o pumunta manlang.

"Fuck! Victoria! Gumising ka" sigaw niya habang pinipilit na ibalik ang buhay niya. Pero wala na talaga at nag simula itong umiyak dahil sa pagkawala ng kaniyang mahal.

"Hahahahahahahahaha!" Nakakatakot na  tawa ng binata. Na naka pukaw ng atensyon ni Krios at nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat ng malaman kung sino ang demonyong iyon. Halatang masaya niyang pinagmamasdan ang pag-iyak ng isang Frenier dahil sa pag patay niya sa kaniyang pinaka mamahal na asawa.

"Natutuwa talaga akong makita ang katangahan mo……" mala demonyong sabi nito kay Krios at tinutukan siya ng baril.

"Napaka walang hiya mo!Matapos ng lahat ng ginawa namin sayo, ito ang igaganti mo?! HA?! You ungrateful son of a bitch!" Galit na sigaw ni Krios sa binata, naikuyom niya ang kaniyang mga kamay at halatang gusto niya patayin ang Demonyong nasa harap niya.

"Ungrateful? Son of a Bitch?" Malungkot at parang naiiyak na tanong ng binata pero agad siyang tumawa ng napakalakas.

"Ano ba ang magandang ginawa niyo saakin?…………………siguro yung, pahirapan?! Yun! Hindi mo alam kung gaano akong nagtitimpi na patayin ka!!"  Nakakatakot niyang giit kay Krios.

The Serpent QUEENDonde viven las historias. Descúbrelo ahora