Third Person's POV:
Malakas ang ulan sa labas nang nakarating ang motor na sinasakyan ni Caspian. Tahimik niya itong pinark sa tapat ng maliit Villa na tinitirahan ni Ella. Nakita niyang patay ang lahat ng ilaw sa loob, alam niyang nasa loob na ang dalaga kaya mabilis na tinakbo niya ang daan papuntang main door. Pero napa-simangot siya nung pinihit ang doorknob, dahil naka-lock ito. Sinimulan niyang buksa ang mga glass window, pero naka-lock din ito. Pumunta siya sa garden na matatagpuan sa likod ng Villa. Pinagmasdan niya ang bahay habang nakatago siya sa mga puno, hanggang sa nakabangga niya ang isang maliit na bahay at pinasok ito. Parang stock room lang ang laki, agad siyang humanap ng pwedeng panlaban sa dalaga. Lumabas siya nung naalala na may dala pala siyang baril, nagtago siya ulit sa puno ng bukas ang pintuan sa Villa.
Lumabas si Ella sa likod ng bahay habang nakahanda ang isang mataas na kalibre ng baril at nakasabit naman sa katawan niya ang iba. She is checking the area, with her fierce look on. Determinado siya ngayong gabi at galit sa kaniyang sarili dahil hindi niya namalayang nawala nanaman sa kamay niya ang kwintas. She roamed her eyes around the backyard and when she secured it, pumasok siya ulit at ni-lock ang pintuan.
"Damn it" Caspian cursed silently. Dahil ang kaisa-isang pintian na pwede niyang pasukan ay na-lock pa.
Tumakbo siya palapit sa bahay at humanap ng ibang entrance.
Alerto si Ella sa loob ng bahay, pinupuntahan niya ang lahat ng sulok kung saan pwedeng makita si Caspian at pinapatay ang mga ilaw.
Inakyat ni Caspian ang puno papuntang second floor kung saan may nakita siyang bintana. Sinilip niya muna kung may tao. Gamit ang kaniyang siko, binasag niya ang maliit na parte ng bintana. Hinintay niya muna kung maririnig ng dalaga. Pinasok niya ang kaniyang kamay sa basag na bintana at binuksan ang lock.
Parang may narinig si Ella, kaya dahan dahan niyang inakyat ang hagdan habang nakatutok sa itaas ang baril niya.
Matagumpay na nabuksan ni Caspian ang bintana at pumasok sa kwarto. Sinigurado niyang tahimik ang pagkakapasok niya. Kinuha ng binata ang dalang baril, kinabitan ng silencer at kinasa ito. Lumabas siya sa silid na naka-handa ang dalang armas at nagmamasid sa paligid.
Ang hindi alam ng binata na nasa kabilang dingding lang pala si Ella. Umupo siya sa hagdan habang nakatutok ang baril sa kabilang dingding. Kumuha ng picture frame si Caspian na nakita niya at ginamit iyon para silipin kung tama ang hinala niya na malapit lang ang dalaga.
He saw Ella's reflection and he didn't expect her to fire the gun. Napa dapa si Caspian sa sahig dahil sa hindi inaasahang pag paputok ng baril.
Makikita sa mukha ni Ella ang kagustuhang mapatay ang binata. Pinaputok niya ang shotgun hindi lang isa ngunit apat na beses pa. Tumama ang mga bala sa dingding, kaya nabutas ito ng husto.
Pagkatapos kasahin ang baril napa ngiti ang dalaga. "Are you still alive, sunshine?" She teased him. Alam niyang hindi lang niya basta bastang mapapatumba ang isang katulad ni Caspian.
Nung narinig ito ng binata, napa kuyom ang kamao niya. Pero kailangan niyang maging kalmado ngayon. Hindi muna siya umimik kaya nagtaka si Ella, binaba niya ang kaniyang shotgun. Naghintay lang ng tamang oras si Caspian at pinaputok niya din ang baril sa direksyon ni Ella. Napagulong pababa ng hagdan ang dalaga upang maka-iwas sa mga bala. Tumayo siya agad at kinasa ang baril. Sunod sunod na mga putok ang pinakawakan ng dalaga papunta sa direksyon ni Caspian. Pero parang wala lang ito para sa binata, pasimple siyang lumalakad palayo habang nasisira ang mga gamit sa likod niya. Agad namang bumaba si Ella sa hagdan nung napansin niyang nakalayo na pala ang binata.
Mabilis silang nagka-palitan ng bala, pero wala manlang may nasugatan o nadaplisan. Hingal na hingal si Ella ng magtago siya sa isang dingding at inihanda ang isa pang may mataas na kalibre ng baril na naka-sabit sa kanyang katawan. Mabilis niyang hinanap sa kaliwa at kanan kung nasan si Caspian. Ang binata naman alerto na nagmamasid sa kaniyang ginagalaw kahit natataranta pa ito. Naka-abot siya sa kusina at hindi inaasahang natabig niya ang isang maliit na jar. Ilang beses niya pa itong sinalo at nagtagumpay naman, pero huli na ang lahat nung malaman niyang nahulog na ang takip nito at lumikha ng ingay, napa pikit nalamang ng mariin si Caspian dahil sa nagawa. Napangiti naman ang dalaga dahil kaniyang narinig at agad na natukoy kung saan nanggaling ang ingay. Nasa kabilang dingding lang pala ito at sinimulan nanaman niyang magpaputok.
YOU ARE READING
The Serpent QUEEN
RandomYou'll never tell the truth and a lie apart. In this world, illusions are reality and reality is just a lie. ♠ Cruella Demonise DeVil is a daughter of a Mafia boss, pero ang tanong anak nga ba?. Second in line for the throne next to her brother, ang...