Third Person's POV:
"Ta-ta-ma......na" nag mamakaawa niyang sabi habang gumagapang sa lupa sapagka't punong puno na siya ng sugat at galos sa kanyang katawan. Naka tanggap siya ulit ng isang malakas na suntok galing sa isang binata. Kumuha siya ng kutsilyo at unti unting sinusugatan ang kanyang kaliwang pisngi. Hindi na pinatagal pa ng binata ang pag papahirap niya sa lalaking yun at marahas niya itong sinaksak sa noo ng biktima at namatay itong naka dilat ang mata sa takot.
Tumayo ang binata at ginala ang kanyang mga mata. Napahalakhak siya sa mga nangyari sakanyang paligid. Lahat ng mga tauhan niya ay walang awang pinapatay ang mga kalaban nila.
Kinasa niya ang kaniyang baril at sunod sunod na pinag baril sa ulo ang lahat na humihingang kalaban.
Ginawa nanaman niyang blood bathe ang labanang iyon. Pumasok siya sa isang office sa loob ng malaking mansyon. Tinignan niya ang kanyang wrist watch at nalamang alas kwatro na pala ng umaga.
Umupo siya sa swivel chair na nandoon at pinaikot ito. Halatang masayang masaya siya sa kanyang ginawa. Hinubad niya muna ang kanyang puting coat na punong puno na ng dugo. Iniangat niya ang kanyang mga binti at sinandal sa ibabaw ng mesa.
"Tsk. Paimportante talaga ang matandang yun" bulong niya sa sarili.
Maya maya may narinig siyang pag sabog. Malamang nasa labas ito ng mansyon.
"Sir...nandito na po siya" narinig niyang sabi mula sa ear piece.
"Bring him to me, alive!" Utos niya.
"Yes sir" tugon naman nito. Malaki ang tiwala niya sa kaniyang mga tauhan. Malalakas ito ikumpara sa normal na mga underlings.
Hindi nag tagal at may pumasok na mga tauhan niya kasama si Alejandro Lachowski na puno ng galos at sugat, pinaluhod ito. Mag uumaga na ng umuwi siya galing sa meeting at nadatnan ang nangyari sa mansyon niya.
Naka posas ang mga kamay at leeg nito at ang halatang pagod na pagod na siya at nang hihina na ang katawan niya. Napa angat ang kaniyang ulo at nakitang may tao na naka upo sa swivel chair niya at naka taas pa ang mga paa sa kaniyang mamahaling lamesa. Natakpan ng kadiliman ang mukha ng binata
Napa ngiwi siya at tumawa ng mahina.
"Ang lakas ng loob mong umupo diyan....you're not worth it. Pinadala mo pa ang tauhan mo to get me, because you can't do it by yourself. Sei un codardo!" nang iinis na sabi ni Alejandro.(you're a coward)Pero imbis na magalit ay humalakhak ang binata na ikinagulat naman ni Alejandro.
He laugh again and let a laughter fizzle out. Tumayo ang binata upang ipakita ang kaniyang katauhan niya sa matanda.
At napa pigil naman siya ng hininga nung nalaman niya kung sino ang binata. Gulat na gulat Ito dahil hindi niya talagang inakala na siya ang gumawa ng karumal dumal na krimen sa labas. Maraming katanungan ang nabuo sa kaniyang isipan. Pero isang tanong lang ang nangingibabaw.
"Nagtataka ka kung bakit?" Naka ngiting tanong ng binata at napalunok si Alejandro.
Sinampal sampal niya ng mahina ang pisngi nito at tumawa ulit.
"Huwag kang mag alala, malalaman mo rin" misyeryosong sagot sakanya ng binata at humalakhak ito habang patalon talon na parang nasisiraan siya ng ulo.
"B-baliw ka..." bulong ni Alejandro.
Sinapak siya ng binata.
"At isa pa, ako nga rin pala ang pumatay sa mga Frenier" pag mamayabang niya.
"Che cosa?" Hindi maka paniwalang tanong nito.(what?)
"Kapag nalaman niya toh, sigurado akong siya mismo ang papatay sayo!" Galit na sigaw niya sa binata. Kaya sinipa siya sa mukha dahilan para mapa higa siya. Pero hinatak siya sa kaniyang kwelyo patayo. Tinuhod siya ng binata, napa ubo ito ng dugo. Hindi niya magawang maka laban, dahil pagod na ito at may katandaan na. Hindi niya rin maaring humingi ng tulong sapagkat patay na ang mga tauhan niya, kaya tiniis niya na lang ang pang bubugbog sakanya.

YOU ARE READING
The Serpent QUEEN
RandomYou'll never tell the truth and a lie apart. In this world, illusions are reality and reality is just a lie. ♠ Cruella Demonise DeVil is a daughter of a Mafia boss, pero ang tanong anak nga ba?. Second in line for the throne next to her brother, ang...