Angelo POV kasi pagod na ako kaka englis haha. Tsaka pala, buwan ng wika namin ngayun kaya... Wikang Filipino, mabuhay!
Hahahahaha :) Pero taglish parin. Hindi ko kaya 'yung deep Filipino tsaka malalim na englis. Lol. Parang antagal ko nang hindi nag-update. So here's for ya!
~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Angelo's P.O.V ju
Nakahiga lang kami. Oo, magkatabi kami. Oh diba? Naks hahahaha. De joke lang.
Nag-iistart palang 'yung movie. Unang category? Drama. Pinilit ko nga siya, diba?
Kaya siguro 'yung itsura ni Arisha ngayun eh... bored na bored. Pero iba kasi 'tong pinili ko... pakiramdam ko mamaya baka maluha pa 'to e. Ako pa, alam niyo naman ang gusto ko ang da best.
"Antagal, I'm bored." -Arisha.
"Maghintay ka kasi. Matuto ka maghintay." sabi ko naman.
May tumugtug ng konti, parang pang rock na tunog. Kasi nakikinig ng music 'yung babae.
Napangisi naman si Arisha.
"I remembered myself all of a sudden, she's like me." nag comment siya.
"Galing ko pumili noh?" tanong ko.
"Let's see?" natawa pa niyang tanong.
-----
Nasa gitnang conflict na kami. Napatingin lang ako kay Arisha na... parang paiyak na. Parang?
Kasi nga... nag-aaway 'yung magkapatid. Siguro kasi nakakarelate siya sa pinagdadaanan nung bida.
Mahal na mahal niya talaga sister niya noh?
Swerte ni Sheena sa kanya. Ba't kaya hindi niya nakikita 'yung nakikita ko?
"Oh damn, damn this movie." narinig kong bulong niya.
Napangiti ako ng konti. May feelings din kahit papaaano.
Tumayo ako papuntang cabinet para kumuha ng panyo. Nung makakuha na ako ay tumabi rin agad ako kay Arisha.
Para kasi sa kanya 'to.
"Panyo?" tanong ko
"No, I don't need that." sabi niya.
Ano ba 'yan.
"Psh, 'I don't need that'. Wag ka na kasi mahiya, wala ka naman nun diba?" pang-aasar ko
"Bwisit" bulong niya
"Joke lang, eto naman oh. Wag na kasi mataas pride."
Alam ko namang bibigay rin 'to kapag kinulit ko ng kinulit.
Ako pa, alam niyo namang malakas ang charm ko.
Nagulat ako ng bigla niyang hablutin 'yung panyo ko.
Galit ba?
Bakit naman?
"Galit? Ayah, ba't ka galit?" tanong ko.
"No... I just.... whatever." sabi niya.
Napatingin lang ako sa may movie. Tas 'yun nga... Sister conflict.
'Yung girl... parang si Arisha. Siya na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/39303878-288-k912369.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unexpected Bride (On-Going)
Ficção Adolescente"Marriage? Hindi basta basta. Hindi 'to 'yung pa dalos-dalos lang. Ito dapat 'yung pinagpaplanuhan, full of love and Meaningful promises. Arrange marriage? Marriage without love. Promises full of lies." Kimberly Arisha Cruz never trusts anybody. She...