| Xizyl's POV |
Agad akong umayos ng higa sa kama ko nang dumating ang load 'ko.
Ni-register 'ko agad. Takot akong manakawan eh. Hahaha xD
Hinanda 'ko na kanina 'yung i-gi-gm 'ko. Gm na kay Dale ko lang isesend. Gm pa ba 'yun? Hahaha. I don't care. Basta ganun.
To: Dale
Alam 'ko na 'You Only Live Once' kaya 'pag sinabi 'kong mahal kita, nagsasabi ako ng totoo. Seryosohin mo naman ako.
-ctto
Hii~ Good Afternoon. Text? :))
GrpMsg #Nyenye
Siguro mga 3 minutes bago siya nakareply pero atleast nagreply siya diba?
From: Dale
Yow.
To: Dale
Wyd?
From: Dale
Nanonood ng tv. Ikaw?
To: Dale
Nagtetext lang. Topic?
From: Dale
Anong mga club ang sinalihan mo?
To: Dale
Science, Math and Writers' Club.
From: Dale
Gusto 'ko sanang sumali sa Math pero hindi ko nahanap 'yung booth na nililistahan ng mga magpapamember nung Clubs' Day. Pwede pa ba?
To: Dale
I think so. Tatanungin ko muna yung president namin.
From: Dale
Sige. Thanks in advance.
Tinext ko agad si ate Rylie, ang president ng Math Club.
Nalilito ako sa kanya kasi nung first meeting ng Math Club, she hesitated to give her number sa aming members.
Paulit-ulit pa niyang sinasabing 'Huwag niyo 'kong gawing textmate ah!' pero siya lang naman pala 'yung gm ng gm xD
To: Ate Rylie
Hi ate, may gusto pa sanang sumali sa Math Club. Pwede pa ba?
Mabilis nakareply si Ate Rylie.
From: Ate Rylie
Yup. Bigyan niyo lang ako ng papel na may pangalan at section ng sasali :))
To: Ate Rylie
Sige. Thanks ate~
Di na siya nagreply but I don't really care.
To: Dale
Pwedeng-pwede pa. Magsubmit lang daw sa kanya ng paper na may pangalan at section. Kelan ka magpapamember?
From: Dale
Hindi ko pa alam. Nag usap din kami ni Ma'am Iglesias sabi niya na sa susunod nalang daw na meeting ng club.
To: Dale
Ahh. Sige.
Naghintay ako ng reply pero wala na akong na-receive na text galing sa kanya. Ayoko namang magtext sa kanya na parang gustong-gusto ko talagang ka-text siya kask baka mahalata niya at i-take advantage ako.
***
Sabado ngayon kaya naghanda ako dahil pupunta ako sa bahay nina Sofia. Natapos akong mag-ayos past 8:30 am. Tamang-tama medyo maaga ako xD
Mas mabuti ng maaga kesa sa late. Hahaha.
Quarter to 9 ako dumating sa bahay nina Sofia. Kitang-kita 'yung pagiging mayaman nila sa bahay palang nila.
Alam 'kong ako ang unang dumating dito. Duh. 'Yung mga classmates ko pa, baka nga 9:15 pa sila darating eeh.
Naghintay muna ako sa labas ng bahay nina Sophia para kahit papano, may kasabay ako.
Nasa isang subdivision 'yung bahay nila kaya wala masyadong dumadaan na sasakyan.
Umupo muna ako sa isang bench na malapit sa bahay nina Sophia. Dahil sa wala akong magawa, nagselfie-selfie muna ako xD
May nagustuhan agad akong shot kaya pinost ko agad sa facebook na may caption na 'Naghihintay...'
Tumambay muna ako sa News Feed ko pero wala pang tatlong minuto, may notification na agad ako.
Dale Santiago commented on your photo
Agad-agaran ko itong clinck.
Dale Santiago Oh Come on xD
Nilike ko nalang. Wala akong masabi. Gusto ko sana siyang kausapin ng matagal pero baka i-take advantage niya lang yung attention ko sa kanya.
Hayy. Nabigla ko ng may tumigil sa taxi sa harapan ko at doon bumaba si Arianne.
"Hi, Zel! Ba't di ka pa pumasok? Kanina ka lang dumating?"
"Naghihintay ako ng kasama eeh. Sigurado akong ako ang naunang dumating xD And bago lang no."
"Sige. Hintayin nalang natin 'yung iba" Sabay tingin niya sa kaniyang relo.
"Tutal 8:58 pa naman."
"Okaay~"
~~~
A/N: Lame and short update. Hahaha. Pagbigyan~
BINABASA MO ANG
Aasa Sa Wala
Teen FictionI should've broken your heart instead of you breaking mine. Syempre walang aasa kung walang paasa. Si Xizyl Manalili ay isang simpleng babae, nagkaka-crush, umaasa at nasasaktan. Sa una palang, simpleng crush lang talaga ang kanyang nararamdaman par...