| Xizyl's POV |
Huminga ako ng malalim. Pangako, last na talaga 'to. Pipilitin kong iwasan si Dale hanggang sa wala na akong maramdaman para sa kanya.
Alam kong wala siyang magandang maidudulot sa 'kin.
Paulit-ulit niya lang akong sasaktan at ayoko nun.
May halong kaba akong naglakad patungo sa park ng subdivision namin.
Kinailangan ko pang pumasok at hanapin si Dale. Pumunta ako sa paborito naming tambayan. Medyo malayo na ako sa entance ng park at ngayon ay natatanaw ko na si Dale.
Nakaupo siya sa isang swing habang dahan-dahan itong ginagalaw.
Ano bang meron sa lalakeng to? Ang feeling ah. Sa dinami-daming lalake sa mundo, siya ang hinahabol-habol ko.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang umupo sa swing sa tabi niya.
"D-Dale."
Hindi ko maiwasang mautal.
"Sumayaw kami kanina."
Sabi niya ng nakatingin sa kawalan.
"Sobrang saya ko nun. Lalo na't halos limang kanta ang itinagal ng sayaw namin."
Tumango-tango lang ako sa kanya bilang sign na nakikinig ako.
"Pero biglang dumating si Harold. Hinila niya si Bianca palayo sa akin. Pwede niya naman sanang kausapin ako at sabihing kukunin na niya si Bianca pero hinila niya lang ng walang pasabi. Hindi man lang niya inisip na napahiya ako."
"Alam niya namang may gusto ako kay Bianca. Sana man lang hindi niya ipinamukha sa 'kin na may boyfriend na si Bianca at wala akong karapatang mangialam sa kaniya."
Bumuntong hininga siya.
"Nakakainis. Wala akong magawa."
Nakaramdam ako ng inggit kay Ate Bianca. Ang swerte niya naman.
Maganda siya, mabait, matalino at higit sa lahat, maraming nagmamahal sa kanya.
Naglakas-loob akong tanungin sa kanya ang nakita ko kanina.
"D-diba magkausap kayo kanina ni Ate Bianca? Kaya hindi ako sumipot kanina kasi baka maistorbo ko kayo. Alam ko namang gusto mo siyang masolo eh."
"Alam mo bang hinintay talaga kita? Ilang beses kong hiniling na sana sumipot ka."
"H-ha?"
"Kasama niya si Harold. Nagde-date ata. Tss. Sana dumating ka. Para naman makatakas ako sa kanila at maiwasan ang pag-usapan ang nangyari nung kanina."
"Sorry. Akala ko kasi..."
"Okay lang."
Bigla siyang ngumiti at bumaling sa 'kin.
"Crush."
Tawag niya sa 'kin at ngumiti.
"H-ha?"
T-tinawag niya kong crush??
What? Wala akong maintindihan.
Don't tell me...
"Okay lang naman siguro sa 'yo diba? Crush kita tapos crush mo 'ko."
"Anong pinagsasabi mo dyan?"
"Shh. Gusto ko lang maramdaman ang gustuhin ng taong gusto ko. Okay lang naman sa 'yo diba? Crush!"
Sinasabi ko na nga ba. Wala talaga siyang gusto sa 'kin.
Gusto ko siyang tulungan. Naawa ako sa kanya. Alam kong nasaktan talaga siya ni Ate Bianca.
But, kapag pumayag ako. Ako lang ang masasaktan. Ang patuloy na aasa at masasaktan.
Sa ngayon lang 'to.
Ngumiti ako sa kanya.
"Fine."
Nagkwentuhan kami ni Dale hanggang dumilim. Ramdam kong medyo napasaya ko siya ngunit ramdam ko rin nasasaktan pa siya.
Nagpaalam na ako sa kanya. Baka mapagalitan ako kapag hindi pa ako uuwi.
Dahan-dahan akong naglakad pauwi. We parted ways. May pupuntahan daw kasi siya sa baba tsaka dun din naman siya nakatira.
So bale nasa gitna namin ang park.
Habang naglalakad pauwi, hindi ko maiwasang pagalitan ang sarili ko.
Ba't ka pumayag?! Alam mo namang masasaktan ka. Lalo ka pang naging tanga! Ang bata-bata mo pa pero yan na iniisip mo.
Dapat kang mag-aral ng mabuti ang kalimutan ang pag-ibig na yan. Tsk.
Hayy. Akala ko nga iiwasan ko na siya? I just can't resist him. Is this love? No. Maybe infatuation. Magigising din siguro ako, ano?
Hindi ko namalayang nasa harapan na ako ng bahay namin.
Napagod ako kakaisip kay Dale. Nakakainis talaga ang lalakeng 'yun .Humiga ako sa kama at natulog.
°~•~°
Maaga akong nagising since maaga din naman akong natulog.
Maaga akong natapos magprepare for school. Alam kong hindi ako late ngayon kaya alam kong hindi ko makikita si Dale.
Pabalik na kami sa classroom pagkatapos ng flag ceremony pero hindi ko pa rin siya nakikita. Yung lalakeng yun, laging late. Tsk.
Maingay ang buong silid dahil sa mga naghalo-halong pag-uusap ng mga kaklase ko na halos isigaw na. Wala naman akong kaklaseng bingi eh. Di na kailangang sumigaw.
Busy sina Kendi at Keanna kaya inilabas ko nalang ang phone ko.
Natuwa ako nang makitang kong nagtext si Dale. Ito na. Ito na talaga ang last. I know nasabi ko na 'to noon pero last na talaga. Hihihi. Promise ko yan sa sarili ko.
From: Dale
Hi Crush :*
Syet. Kinikilig ako. Oo na. I know, hindi ako dapat masyadong magpadala dahil alam naman naming dalawa na nagkukunwari lang kami.
To: Dale
Hello ~
Tinignan ko ang orasan. 7:14 a.m. pa at 7:20 a.m. magsisimula ang klase namin. Agad naman akong nakatanggap ng reply galing kay Dale.
From: Dale
Tapos na ang flag ceremony?
To: Dale
Oo. Late ka na naman, ano?
From: Dale
Minsan lang kaya ako ma-late.
To: Dale
Che! You mean minsan ka lang hindi nale-late.
From: Dale
Oo na. Dito na ako sa classroom namin. Buti nga naunahan ko pa yung teacher namin.
To: Dale
Sinuwerte ka lang. Bakit ka ba laging late?
From: Dale
Kasi gwapo ako.
To: Dale
Owkaay? Bakit nga?
From: Dale
Hindi kasi ako nakakatulog dahil sa 'yo.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Lels.
To: Dale
Umayos ka ah. Di ka nakakatuwa. Bahala ka nga.
From: Dale
Tuwing gabi lang kasi nago-online si Bianca
Ahh. Kaya pala. Tss
BINABASA MO ANG
Aasa Sa Wala
Teen FictionI should've broken your heart instead of you breaking mine. Syempre walang aasa kung walang paasa. Si Xizyl Manalili ay isang simpleng babae, nagkaka-crush, umaasa at nasasaktan. Sa una palang, simpleng crush lang talaga ang kanyang nararamdaman par...