| Xizyl's POV |
Halos sabay sabay nang dumating ang ilan sa mga kaklase ko at ngayon, sapat na ang dami namin. Nakakabagot din kayang maghintay.
Nagdoorbell kami at agad na lumabas si Sophia.
"Ba't ang tagal niyo? Late na kayo ng 7 minutes!"
"Duh. Hello, Jan?! 420 seconds lang 'yan! Lels. Nandito na 'yung kalahati." -Jandy
"Tara."
Agad kaming pinapasok ni Sophia. Bumungad sa amin si Tita Fel, ang Mommy ni Soph.
"Hi. Good Morning. Magbehave kayo ha? Magpapahanda lang ako ng miryenda niyo."
"Sige. Salamat tita" We said in chorus.
Malaki ang kwarto ni Sophia kaya kasyang-kasya kaming lahat. Isang flatscreen tv na 42 inches ang bumungad sa amin.
Agad-agad kaming naghanap ng pwesto, umayos ng upo at nagkatinginan...
"MOVIE MARATHON!"
Sabay-sabay naming sabi. Natuwa ako sa reaksyon nila. Halos magkakapareha kami ng iniisip.
Nag uunahan agad silang pumunta sa isang medium sized glass cabinet na may maraming movie tapes.
Tatayo na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko.
Tinignan ko agad kung sino ang nagtext umaasang si Dale 'yon.
Natuwa ako nang nakita ko kung sino ang nagtext. Siya nga.
From: Dale
Hi. Kamusta?
To: Dale
Okay lang. Ikaw?
Okay na sana eh pero matagal pa bago siya nakareply at ang mga kaklase ko ay nag aaway pa rin kung anong panonoorin namin.
Excited kong tinype ang password ko pero napasimangot din ako agad pagkatapos kong mabasa ang reply niya.
From: Dale
Tyl muna. Magbabasketball kami.
Binulsa ko agad ang phone ko nang nakita ko silang nag uunahan papunta sa kanilang sari-sariling pwesto. Takot maagawan xD Hahaha.
"Anong panonoorin natin?"
"Evil Dead"
Ito 'yung ayaw ko eeh! Horror movie ang napili nila. Kasi bago matulog, 'pag madilim na, nag iimagine ako ng horror faces eeh!
"What?! Bakit horror?!"
"Majority wins eh. Di ka kasi sumali sa botohan! Next is The Maze Runner."
Mas gusto ko sana na 'yung The Maze Runner ang unanahin but I think wala na akong magagawa.
Nasa kalagitnaan na kami ng movie at nabigla ako nang tumunog ang phone ko at dahil nakafocus ako sa pinapanood namin, binalewala ko nalang 'yung text. Sigurado akong gm 'yun.
***
Halos lahat ng girls ay parang masusuka na. Sobrang nakakapagpatayo ng balahibo xD Pero ang mga boys ay tawa lang ng tawa at gusto pa daw na ulitin.
Nang natapos namin ang movie, sinunod agad nila ang The Maze Runner. Hanggang naaalala 'kong may nagtext pala sa 'kin.
From: Dale
Hi Zel☺
Patay. Kanina pa 'to ah. It's fine. Dapat may space kahit konti.
Nalilito na ako. Baka isipin niya na ayaw ko na sa kanya, na ganito, ganyan. Arghh!
Napahawak nalang ako sa ulo. Natapos namin ang movie at hindi ko na pinansin ang mga sinunod na pinanood namin.
Busy ako sa pagde-daydream sa kunwari mangyayari sa amin.
Napatawa ako. Atleast nangyayari ang isang bagay kahit sa panaginip lang.
Napa-isip ako, ano ba talaga ang meron siya? Ba't di ko man lang siya makalimutan at mapapalitan?
This is hopeless. Really hopeless.
"Xizyl! Ba't ka nakatunganga dyan? Ayaw mo pang umuwi?"
Nabigla ako nang biglang sumulpot si Hyacinth sa harap ko.
"Sandali. Pasensya na okay?! Sige, Jan. Alis na kami. Byeee~"
Pagkalabas ko pa lang ng gate, naghintay agad ako ng taxi na masasakyan.
Pero nang nakakita na ako ng taxi, bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko sana papansinin pero nang nakita ko na si Dale pala ang tumatawag, hindi ko nalang pinansin ang taxi.
"Hello? Napatawag ka?"
"Wala. Umuwi ka na, sa'n ka pa ba pupunta?"
"Pauwi na. Bakit?"
"Basta. Sige na, bye. Ingat ka"
OH MY GOSH! Bakit ako kinikilig?!! Syempre, crush mo yung nagpauwi sa'yo at sinabihan ka ng 'Ingat'.
Hindi pwede 'to. Hindi pa ako sigurado sa kanya, naisip ko, baka iwanan niya lang ako. Natatakot ako. Normal lang naman siguro ang matakot diba? I think so. For now, I'll just go with the flow nalang.
Matagal akong naghintay ng taxi. Tsk, ba't ko kasi hinayan 'yung dumaan kanina. Pero worth it naman. Hindi ko pinahintay si Dale.
Ano ba 'to?! Grrr. Lagi ko nalang siyang iniisip.
May naalala ako nagsabi na pag raw may lagi kang iniisip na tao, lagi ka din daw niyang iniisip.
Gusto ko sanang isipin na totoo yun pero paano kung lagi 'kong iniisip si Daniel Padilla, lagi din niya akong iniisip? Diba hindi. Ni hindi niya nga alam na may tao pala na katulad ko ang nag-e-exist.
Agad-agad kong pinara ang dumaang taxi.
Nakauwi ako bago mag-6 ng gabi.
Nag-gm agad ako pero kay Dale ko lang sinend. Hehe, sensya. Ayaw ko kasi ng may ibang ka-text habang ka-text ko siya.
BINABASA MO ANG
Aasa Sa Wala
Teen FictionI should've broken your heart instead of you breaking mine. Syempre walang aasa kung walang paasa. Si Xizyl Manalili ay isang simpleng babae, nagkaka-crush, umaasa at nasasaktan. Sa una palang, simpleng crush lang talaga ang kanyang nararamdaman par...