| Xizyl's POV |
Hindi ko pinansin ang mga nakita ko at lalapit na sana sa kanya.
Napatigil lang ako nang nakita 'kong bigla siyang napangiti habang tinititigan ang wacky picture ni Ate Bianca.
Bahala siyang maghintay sa wala, tulad ng paghintay ko sa kanya.
Mas mabuti pang umuwi. Kahit nasaktan ako sa nakita ko, nagdadalawang-isip pa rin ako kung magpapakita ba ako sa kanya o hindi. 'Di dapat ako nag dadalawang isip! Dapat madali lang sa 'kin ang balewalain siya.
Ano ba talaga?
Hayy. Last na talaga 'to. Kahit hindi niya ako pinipilit, hindi ko talaga siya ma-resist.
Ganyan ba talaga? I hate this! Gusto ko talaga siya. Tanga na kung tanga. Wala akong pakialam.
Nagpractice muna akong magsmile. Dapat 'di 'to magmukhang fake. Mahirap na, baka madulas ako pag nagtanong siya.
"Hoy."
"Ba't ang tagal mo? Kanina pa 'ko dito ah"
Hindi mo naman siguro namalayang matagal ako kasi tinititigan mo siya.
"Sorry naman."
Doon ko na naalala na may sasabihin siya sa 'kin.
Bigla akong nakaramdam ng excitement.
Gusto ko nang malaman ang sasabihin niya. Ano kaya?
Magco-confess kaya siya sa 'kin?
Hindi rin. Nakita mo namang iba gusto niya eh. Tanga talaga."Ano nga palang sasabihin mo? Bilis. Gusto ko nang umuwi"
"Oo na. Gusto 'kong sabihin na.."
"Na ano?"
"Na..."
"Ano nga eh?"
"Na wala lang. Gusto ko lang gumala. Makita at maka-usap ka."
"Tsee! Ano nga? Aalis na talaga ako."
"'Yun nga."
'Yun lang?! Sumakit ang gums ko sa sobrang pagto-toothbrush, maraming nalagas na buhok ko sa pagsusuklay at malapit maubos ang perfume ko tapos 'yun lang ang sasabihin niya?!
Alam ko din namang hindi 'yun totoo at gusto niya lang talagang may kausap, may pinapaasa at may pinaglalaruan.
Tapos nakita ko siyang napangiti habang tinititigan ang pictures ni Ate Bianca. Pero tiningnan naman niya ang picture ko eh.
Kahit na! Mas madami pa rin ang pictures ni Ate Bianca kaysa sa pictures ko sa phone niya.
Grr. Iniinis talaga ako nito eh.
"Bahala ka! Uuwi na 'ko"
"Sandali lang, mamaya na. Sige na, please~ Sasabihin ko na talaga."
"Good. Ano ba 'yon?"
"Sobrang saya ko these days."
"Bakit naman?"
"Pinapansin na ako ni Bianca. Lagi na kaming magka-chat at nakuha ko na din ang number niya."
Awts. Umiwas ako ng tingin at humarap sa mga bituin. Para mapigil ang aking mga luha.
Ang OA ano? 'Yun palang nga ang sinabi niya, sobrang nasaktan na 'ko.
Paano pa kaya kung may mas malala pa. I don't know kung anong mangyayari sa akin.
"Wow. Ang bilis ah! Hoy tandaan mo, dapat maghinay-hinay ka muna. May boyfriend pa siya, magbe-break din sila. Walang forever eh! Tsaka pag nag break sila, time na nun na close na talaga kayo at ikaw yung tatakbuhan niya hanggang ma-fo-fall siya sa 'yo. Tapos magiging kayo"
Pabagal ng pabagal ang pagsasalita ko at unti-unting nagfe-fade ang boses ko.
"At dahil wala ngang forever, magbe-break din kayo"
"Okay na sana eh. May pinahabol ka pa. Pero pag darating siguro ang araw na magiging kami, papatunayan ko sa buong mundo na may forever."
Alam ko na ngang nasasaktan na 'ko, pinapakinggan ko pa rin siya.
Kahit pwede na akong umuwi at iwanan siya dito, sinamahan ko pa rin siya.
Tapos anong napala ko? Ayun, nasaktan lang naman ako.
"Good luck nalang sa inyo"
"Wag ganyan, alam mo ba pag nagsabi ka ng good luck sa isang tao, mamalasin siya. Dapat Godbless"
Che! GOOD LUCK, GOOD LUCK, GOOD LUCK, GOOD LUCK!
"Oo na! Uuwi na 'ko. Bye."
Tumayo na agad ako.
"Mamaya na. Dito ka muna."
"Gusto ko nang matulog."
"Dito ko humiga"
Sabay turo niya sa balikat niya.
"Hindi na. Uuwi na talaga ak-"
"Shhh! Padaan si Bianca. Sige na nga, umuwi ka na. Ingat ha."
Bigla akong lumingon sa tinitingnan niya. Meron nga siya. Hayy. Iniwan niya nalang ako ng ganun ganun lang.
Iba talaga 'pag si Ate Bianca ang pinag-uusapan. Wala talaga akong laban.
Naglalakad akong mag-isa. Gabi na pero dahil full moon, medyo maliwanag ang paligid.
Umupo nalang muna ako sa isang tabi. Malayo-layo sila sa akin pero kitang-kita ko pa rin kung paano sila magtitigan.
Hindi ko naman matatawag na malandi kasi I think she's just friendly.
Magkatabi sila ngayon sa kanilang inuupuang kahoy.
Pinagpag ko ang mga damo sa may likod ko at hinigaan ito.
Napakadaming stars ngayon ah. Hinanap ko ang pinakamalapit at pinakamaliwanag na bituin at nag wish.
"Under the skies, where fireflies fly, there's a girl who's wishing by. Make her wish come true, in one blink, everything's blue. To be loved by the man in her heart and never let them part. Dear star, little star, you may be far but let her reach you and make her wish come true."
Gusto 'kong tawanan ang sarili ko. Dahil kay Dale, kung ano-anong nagagawa ko. Nagpapaka-tanga na nga ako.
Nakaramdam ako ng patak ng malamig na likido sa noo ko. Nagsisimula nang umulan.
Nakita ko na nagmamadaling tumakbo sina Dale at Ate Bianca. Sobrang saya nilang tingnan.
Tumayo na ako at naglakad na pauwi. Palakas ng palakas ang ulan. Papuno ng papuno din ang luha sa aking mga mata.
Siguro kakalimutan ko nalang lahat ito. I'll try to move on! Hindi muna ako magpaparamdam.
Mas magiging madali siguro 'pag ganun...
BINABASA MO ANG
Aasa Sa Wala
Teen FictionI should've broken your heart instead of you breaking mine. Syempre walang aasa kung walang paasa. Si Xizyl Manalili ay isang simpleng babae, nagkaka-crush, umaasa at nasasaktan. Sa una palang, simpleng crush lang talaga ang kanyang nararamdaman par...