Chapter 5

25 6 0
                                    

| Xizyl's POV |

Sa sobrang pagod, hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Nagising lang ako nang biglang tumunog ang phone ko.

Dale calling...

Halos matapon ko ang cellphone ko nang makita ko kung sinong tumawag. Agad-agad kong sinagot.

"Hello? Bakit?"

"Hindi ka na nakareply sa text ko. Naubusan ka ba ng load?"

"Ha? Hindi. Pasensya na, nakatulog lang ako."

"Ganun. Tinutulugan mo na 'ko?"

"Wuy. Hindi ah. Napagod lang ako kanina."

"Dapat kasi nagse-save ka ng energy. Pa'no nalang ako?"
Kinikilig na talaga ako~  Gosh, gosh, gosh!

"H-ha? Hahaha. Ano? I-i-end ko na ba?"

"Huwag muna. Usap muna tayo"

"Pwede naman tayong magchat or text ah. Mas madali pang mag-open up ng topic."

"Mas madali akong nakakapag-open up kapag sa tawag"

"Fine."

"Kita tayo?" 

Ramdam 'kong nakangiti siya ngayon. Ayoko sanang umasa pero hindi ko mapigilan eh.

"H-ha? Malapit na mag 8 pm oh."

"Oo nga. Maaga pa."

"Baka hindi ako payagan nina Mommy at Daddy eh."

"Wala namang masama sa pag try."

"Oo na, sandali."

Lumabas ako sa kwarto ko at dun ko napagtantuan na may pinuntahan pala parents ko kaya dalawa lang kami ni Ate Eunice sa bahay.

"Wala 'yung parents ko. Saan ba tayo?"

"Lumabas ka muna."

"Oo na."

Lumabas ako. Nabigla ako nang may biglang umakbay sa 'kin. Iniisip kong si Dale 'to. Kikiligin na sana ako pero pag lingon ko, kapitbahay ko lang pala. Si Kaye.

"Oh, Kaye, anong ginagawa mo dito?"

"Tara, labas tayo."

"Ha? May pupuntahan pa 'ko."

"Sige na, sa mall tayo. Tara, dali~"

"May pupuntahan nga ako eh. Bukas nalang siguro."

"Sige na nga. Text mo lang ako. Bye."

"Bye."

Tinawagan ko nalang si Dale. Ang tagal kasi. Grrr.

Dale dialing...

"Hello? Asan ka na ba?"

"Pasensya na. May emergency. 'Wag nalang ngayon. Siguro baka bukas? Titignan ko lang."

Galing sa smily face, bumusangot agad yung mukha. Pumasok nalang ako.

"May pupuntahan ako bukas. Wag nalang muna. Bye"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Hindi ko siya sinasanay na pwede lang ako isantabi.

Natatakot ako na baka dumating 'yung araw na ite-take advantage niya lang ako.

I should keep the chase going. Hindi ako magpapadakip agad. Kasi may ibang tao na na-cha-challenge lang at kapag nakuha na, iiwan nalang.

Hindi na ako kumain ng dinner at natulog nalang.

***

Nagising ako ng maaga. Nagdasal muna ako at agad-agad na tinignan ang cellphone ko.

Maraming nagtext pero hindi kasali dun si Dale.

Kumain ako ng almusal. Pagkatapos ay binuksan ko nalang ang facebook account ko.

Tinignan ko na agad kung online ba si Dale pero ASDFGHJKL! Sayang, active 2 minutes ago.

Binasa ko nalang yung mga posts sa News Feed ko.

AlDub or Ms.Pastillas?

'Yan ang nakapagpapuno ng news feed ko. Out of curiousity, binasa ko ang mga comments.

Grabe kung makapaglait 'yung mga fans sa idolo ng isa't-isa. May mga iba din na sinali ang Abs-Cbn at GMA.

Seriously guys? Alam kong kaya nagkakaroon ng away between sa dalawang fandom dahil dinedepensahan lang nila yung idolo nila. Marami din akong nakita na sinasadya talaga nila, minumura pa.

Tsk. Pwede naman sanang kahit sumosobra na ang iba sa panlalait, kung talagang may disiplina sila, hindi na nila ito papatulan at hindi magkakaroon ng away.

Bigla akong napangiti nang nagpop up ang messenger sa phone ko at nakita ko ang pangalan at pagmumukha ng crush ko.

Dale Santiago
active now

Ang ganda mo talaga.

Abot tenga 'yung ngiti ko.

Dale: typing...

Hindi muna ako nagreply since may tina-type pa siya.

Dale: Joke!

Agad akong bumusangot.

Bwisit talaga 'tong Dale na 'to! Grrr.

Me: Tse! Nahiya naman ako sa 'yo. Ang gwapo mo naman!

Dale: Alam ko. *grin emoticon*

Me: Joke lang din! Pwe.

Dale: Maka pwe naman. Labas tayo!

Me: Date?

Dale: Pwe! Hindi.

Nakaka-bad trip ah. 'Di ko 'to gusto.

Me: Joke. Feeling! Eew.

Dale: Sige na! Nakakabagot dito.

Me: So ganyan pala? 'Pag nababagot ka, dun mo lang ako naalala.

Dale: Ikaw ha! Sige na, may sasabihin ako.

Bigla akong na-excite. Baka magco-confess siya sa 'kin. Hahaha. Okay, 'wag mag assume.
Curiosity kills talaga. Gusto 'kong malaman kung anong sasabihin niya~

Me: Sige na nga. Saan tayo magkikita?

Dale: Sa Park ng Subdivision. Ngayon na, papunta na ako oh.

Me: Oo nga eh. Sandali.

Nagbihis agad ako, syempre nag toothbrush, nagsuklay at nagpabango ako.

I'm so excited~

Tumakbo nalang ako, alam 'kong kanina pa siya naghihintay.

Bago ako lumapit sa kanya, sumilip muna ako kung anong ginagawa niya.

Panay titig siya sa kanyang cellphone. Ano kayang tinitignan niya?

Hindi naman siya nagta-type o nanonood sa Youtube kasi wala namang music at yung ilaw sa mukha niya ay hindi gumagalaw. 'Yung parang picture ang tinititigan niya.

Pumwesto ako sa may likod niya. Chismosa talaga ako. I know right. Medyo lumapit pa ako para mas klaro ang imahe.

Natuwa ako nang makita ko ang profile picture ko sa facebook.

Napawi din agad ang ngiti ko nang ni-next niya.

At ni-next pa.

Cool. Napangiti ako ng mapait.

Puno ng pictures ni Ate Bianca...

Aasa Sa WalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon