| Xizyl's POV |
Naglalakad ako kasama si Keanna, one of my bestfriends. Kinu-kwento ko sa kanya ang nangyari kanina.
"Alam mo 'yun? Akala ko talaga gusto niya akong makasabay pero para lang pala matulungan ko siya kay Ate Bianca."
"Hahaha—ha. Pisshtea!"
Tinawanan niya ako ngunit nagtaka ako nang nagfade yung tawa niya.
Lumaki pa yung mga mata niya habang may tinitignan sa bandang likod ko.
Sinundan ko naman ang tingin.
Talagang pishtea! JuiceColored! Akala ko ba may boyfriend si Ate Bianca?! Eh ang sweet-sweet nga nila ni Dale habang kumakain.Bahala sila. Tss. I don't care, okay? Agad kong iniwas ang tingin ko.
"Oh, na-ba-bad mood ka na naman"
"Ha? Di ah. Wala akong pake sa kanila. Edi magsama sila."
"Asus. Pero ang landi naman. May boyfriend nga pero sweet naman sa iba. Opposite sex pa!'
"Uy. 'Wag ka ngang ganyan. Baka friendly lang siya."
"May friendly bang ganyan? Landi na 'yan, te."
Tinignan mo naman silang dalawa. Nag-uusap sila habang tumatawa. Tapos may pa-apir-apir pang nalalaman.
Pero bigla silang natigilan, naka-apir pa rin sila. So bale magkadikit ang palad nila.
Nagkatitigan.
Iniwas ko nalang ang tingin ko at bumaling kay Keanna.
"Siguro na-fell out of love lang siya kay Kuya Harold."
"Ang bilis naman. Malandi lang talaga siya."
"Tumahimik ka nga."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang tumingin sa direksyon ko si Dale.
Damn it. Bigla akong tumalikod at hinatak si Keanna.
"Patay. Kea, nakita niya ata ako!"
"Eh ano ngayon?"
"Baka isipin niyang sinusundan ko siya! Na gusto ko siya!"
"Tsee. Ang lawak ng imagination mo! 'Di yan. Promise."
"Promises are meant to be broken."
"Basta. 'Yun na 'yun."
Dali-dali kaming umalis. Like wtf. Nine-nerbyos talaga ako.
***
From: Ate Rylie
Math Club members! Pumunta na kayo sa booth. Mag-o-open na.
"Uyy, Kea! Tara na. Nagtext si Ate Rylie. Magsa-start na daw."
"I know. Tinext din ako ni Ate Ryls."
"Che."
Hinila ko kaagad siya papunta sa booth.
I'm so excited! Sana maging successful. Lols. Babaha siguro ng langgam. Nyayks.
Nakita ko kaagad ang ilang members ng Math club sa labas ng booth.
Medyo mahaba ang pila! Pumasok ako sa loob at bumungad kaagad sa akin ang isang malumanay na kanta.
♪ Say you'll remember me
Standing in a nice dress
Staring at the sunset, babe.
Red lips and rosy cheeks
Say you'll see me again
Even if it's just in your
Wildest Dreams Oh Oh Oh ♪May ilan nang nagso-solve. May pa palo-palo pa sa partner. Tss. Nakakainggit.
Biglang bumukas ang pintuan.
"Ayoko talaga. Hehehe. Sige na please. May gagawin pa po ako."
May isang babaeng nagpupumilit na kumawala sa mga members ng club na dumakip sa kanya.
Kasabay ng pagpasok isa pang lalake.
Wala siyang ipinapakitang expression. Naka-poker face lang. Aba! Gwapo xD Promise. Hahaha.
Pinanood ko sila na pilit umiiwas ng tingin sa isa't-isa.
"Sige na. Bumunot kayo ng iso-solve niyo."
Nanginginig namang kumuha ang babae.
Lumayo ako sa kanila at lumapit sa nag-o-operate ng sound system.
Si Dale.
Napansin niya naman ako.
"Uy. May magaganda ka bang love songs sa phone mo?"
Bungad niya sa 'kin.
"Yup. Meron."
Inilahad niya naman ang kanyang kamay.
Signal 'yun para i-abot ko ang phone ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita at nag scroll lang sa songs ko.
Nabigla ako sa pinatugtog niya.
♪ Gusto ko, gusto ko
Gusto ko sanang sabihin sa iyo
Pero paano? Paano? 'Pag malapit ay nauutal ako ♪Siguro by Yeng Constantino.
Tinignan ko naman siya. Nakititig siya sa akin.
"What?"
Napatawa siya.
"Wala."
Pinakinggan ko nalang ang musika.
♪ Siguro'y umiibig kahit 'di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako, magbabakasakaling ika'y mapatingin ♪Nakatingin lang ako sa mga kamay ko.
May nakasulat na 'XD'
Xizyl Dale.
Naalala ko pa nang nakita ako 'to ni Kendi, agad niyang sinabi 'Xizyl Dale yan ano? Ayiiieeee'
Dineny ko naman agad at sinabing hindi at simpleng emoticon lang 'yun medyo nakumbinsi ko naman siya.
Halos mapatalon ako nang biglang bumukas ang pintuan ng sobrang lakas.
May isang babae na naman ang dinakip ngunit mas napansin ko ang ma-iingay na mga lalakeng nakahawak sa kanya.
Nabawi din ulit ng babae ang atensyon ko. Doon ko pa napansin na si Ate Bianca pala 'yun.
Halos madapa ako nang biglang bumaling ang mga lalake sa amin pagkatapos paupuin si Ate Bianca at hinila si Dale.
So sila pala ang partners. Lumingon siya sa akin at ngumiti naman ako. Pretending na natutuwa ako.
Hindi din siya nagpumilit na tumakas sa mga dumakip sa kanya.
Malamang, gusto niya din.
Busy ang mga kasama ko sa iba mga dinakip kaya ako na ang nagpabunot sa kanila ng iso-solve nila.
"Ikaw na ang bumunot." Sabi ni Dale.
"Hindi, ikaw na. Baka mahirap 'yung mabunot ko."
"Sige na, ikaw na lang."
Hindi ko na pinakinggan ang "pagtatalo" nila. Tss.
Ngumiti ako sa kanila.
"Sige na, bumunot ka na lang, Dale. Nilalanggam na ako dito."
Lumingon naman siya kay Ate Bianca na parang nagpapalaam at tumango naman siya.
Agad akong lumabas pagkatapos nilang bumunot. Nakakainis.
Since busy ang mga kaibigan ko, mag-isa akong naglakad sa oval.
Halos atakihin ako nang may biglang humila sa akin at tinakpan ang mga mata ko gamit ang isang itim na tela.
MyGasssh~
"Wag kang mag-alala. Dadakpin ka lang namin para sa Blind Date Booth. Ikaw si Xizyl Manalili diba?"
"O—oo"
At hinila na nila ako.
BINABASA MO ANG
Aasa Sa Wala
Teen FictionI should've broken your heart instead of you breaking mine. Syempre walang aasa kung walang paasa. Si Xizyl Manalili ay isang simpleng babae, nagkaka-crush, umaasa at nasasaktan. Sa una palang, simpleng crush lang talaga ang kanyang nararamdaman par...