Chapter 7

25 6 0
                                    

| Xizyl's POV |

Hindi ako late ngayon kaya mas lalong lumiit ang chance na makikita ko siya ngayon.

Ayun nga, minsan lang kami nagkikita at kadalasan kapag late ako. Halos lagi din kasi siyang late.

Argh! Ba't ko pa ba siya iniisip?! Di ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi.

Pagkatapos ng flag ceremony namin, agad 'kong tinignan ang cellphone ko kung nagtext ba siya pero mga gm lang ang na-receive ko.

Maybe he's busy. Busy sa pagtitig sa mga pictures ni Ate Bianca.

Ito na ang kinakatakutan ko. Na baka dumating yung araw na pag meron na siyang iba, iiwan niya nalang ako sa ere.

***

Nagstart na ang klase pero wala pa ring pumapasok sa isip ko.

Grr. Hindi talaga maganda ang pag-ibig—pag-ibig na 'to. Nakakasama ng kinabukasan. Lol!

"Hoy, Xizyl! Wala ka bang balak kumain? Hindi ka ba ginugutom? Tignan mo, ang payat-payat mo!"

Nabigla ako nang sumulpot sa harapan ko si Kendi.

"Sorry naman. May iniisip lang."

"Ano naman? Hoy ikaw ha. Ano nang meron sa inyo ni Dale?"

"Wala."

Hindi ko sinabi sa kanya. 'Di naman sa wala akong tiwala sa kanya pero ayaw ko lang na kaawaan ako ng ibang tao.

"Weh? Share ka naman! Ikaw ha."

"Wala talaga. Ang panget nun. Bahala siya. Mas gwapo si Kuya Kenneth!"

Si Kuya Kenneth ay isang Grade 10 student. Isa siya sa mga heartthrobs sa school.

Pero kahit kinababaliwan siya ng mga babae, humble pa rin siya. Sobrang bait pa.

Kaso nga lang, may girlfriend na. At talagang bagay na bagay silang dalawa. Maganda din kasi si Ate Faye.

"Sus! Aminin mo na kasi. Ayieee~ Chipmunks! Hahaha"

"Ha? Chipmunks? Anong connect?"

"Diba Chip N' Dale, chipmunks! Hahaha."

"Ahh. Okay? Lol. Orayt~ Haha"

"Slow ka kasi. Duh"

"Bahala ka."

"Tara na."

***

Even that day, hindi kami nagkita ni Dale. Kaya niya akong balewalain. Pero siya, hindi ko kaya.

Ganyan ba talagang ganyan ang pag-ibig? Sabi nga ni Sarah Geronimo at Piolo Pascual, paano bang magmahal ng hindi nasasaktan.

Lol! I don't think talaga na pag nagmamahal, walang part na hindi ka nasasaktan.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Bago lang ako natapos mag-aral. Wala akong ibang magawa.

Kahit bago ako matulog, iniisip ko pa rin si Dale.

Ang sama-sama niya! Ba't ayaw niyang iwan ang isipan ko? Grr.

Binuksan ko ang glass window sa kwarto ko. Ang dami pa ding stars.

Naiisip ko na naman ang kalokohang ginawa ko nung gabing nasa park ako.

"Kung magwish kaya ako ulit? Baka mas mapapadali siguro yung pag grant ng star sa wish ko. Nyahahaha."

Para akong baliw ano? Talaga.

"In the window, wishing you float low to grant my wish as I blow. I clear my throat to clean my thoughts. To be loved by someone I love even if its against the odd. Under your spell, make him tell me that he loves me. Dear star, little star, before a war starts, make it fast and make it last."

Hahahaha. Napatawa na naman ako. Langya, nakalimutan ko kasi yung ginawa ko at wala akong maisip na iba. Grr, atleast nakawish ako.

Tumingin ulit ako sa langit. Bukas na ang Foundation Day. Magiging busy na naman ako pero walang klase~ xD

Humiga nalang ako ulit sa kama ko.

***

Pagmulat ng mga mata ko, may isang tao agad akong nakita na nakatitig sa akin.

Dale.

Nakahiga ako at siya naman ay nakaupo habang ako ay tinitignan.

Wala akong masabi. Ang tanging naririnig ko lang ay ang humahampas na alon ng tubig, mga ibon at ang hangin.

Sumasayaw-sayaw din ang mga puno sa aking paligid.

Bigla siyang bumangon at inabot sa akin ang kanyang kamay.

Tinignan ko lang ito. Ewan ko din kung bakit.

Ngumiti siya at hinawakan ang aking mga kamay.

Doon ko napagtantuan na meron kami sa isang beach resort. Ang ganda, malapit na din kasing magsunset.

"Anong ginagawa natin dito?"

Finally, may lumabas galing sa bibig ko.

"Mag enjoy ka nalang na kasama ako."

Hinawakan niya ang aking kamay. Nagsimula kaming maglakad-lakad.

Kahit hindi kami nag-uusap, magaan pa rin ang aking pakiramdam. Habang nagho-holding hands kami, pa-sway-sway pa.

Hindi ko ma-express ang nararamdaman ko. Sobrang sarap.

Ngunit hindi rin 'yon nagtagal, may narinig akong sumisigaw.

Hinanap ko kung saan iyon nanggaling.

Napansin ata 'yun ni Dale.

"Oh bakit?"

"May naririnig ako."

Doon ko pa nahanap kung saan nanggaling ang boses. Sa may dagat.

Tumakbo kami ni Dale palapit sa dagat.

Naaninag ko ang isang magandang dilag.

Si Ate Bianca. Nalululunod.

Tumakbo ako palapit sa dagat ngunit nabigla ako nang ako ay nalulunod na rin.

Nilingon ko si Dale ngunit halos mapunit-punit ang puso ko.
Poor term right?

Nakita ko siyang nilingon ako ngunit hindi na nagdalawang-isip at dali-daling tumakbo sa kabilang dako. Papunta kay Ate Bianca. Talagang mas pipiliin niya ang mas importante sa kanya. Pero sana naman, nagdalawang-isip siya. Sana nalito siya kung sinong ililigtas. Sana hindi niya ipinakita at ipinagmukha sa akin na wala talaga akong laban kay Ate Bianca.

Naghihirap ako ngayon, hindi ko makaapak. Hindi ako magaling lumangoy ngunit hindi ko alam bakit hindi ako nalunod.

Nagpalutang-lutang lang ako palayo habang sila naman ay maayos na nakabalik sa tabing dagat.

"Daleee!"

Napabangon ako. Nakagising ako ng pawis na pawis. Madilim pa ang paligid.

Oh My Gosh. Walang pumapasok sa isip ko.

Naiinitan talaga ako. Napahawak ako sa aking dibdib. Kumakabog ng mabilis ang puso ko.

Feeling ko na parang lalabas na ito.

Humiga nalang ulit ako at nagdasal bago bumalik sa pagtulog.

Nanaghinip lang ako.

Aasa Sa WalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon