A/N: Sorry po dahil medyo natagalan ang update. Natuwa po kasi ako sa binabasa k. I hope na may nagbabasa nito. Please vote and coment po. Thanks!
| Xizyl's POV |
Pagkagising ko, agad 'kong tinignan ang orasan sa may table ko.
5:30 na at 7 a.m. ang flag ceremony. Dali-dali akong bumangon.
***
Habang naliligo, iniisip ko pa rin ang napanaghinipan ko kagabi. Nakaramdam agad ako ng goosebumps sa naalala ko.
Siguro kailangan ko na talagang iwasan si Dale. Alam kong sobra akong masasaktan 'pag pinatuloy ko 'to.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko talaga! De joke. In-obserbahan ko ang sarili ko.
Katam-taman lang ang kulay ng balat ko. Sana maputi ako.
Hindi masyadong matangos ang ilong ko. Sana nga matangos ito.
Ang buhok ko ay manipis at may pagka-kulot sa dulo ng aking buhok at tuwid sa may ibabaw.
Sabi naman nila, ako ay magpagka-chinita.
Sa mga na-obserbahan ko na pisikal 'kong katangian, kuntento na ako.
Dahil ang kabuuan, maganda ako.
Hindi ako nagmamayabang! Totoo. Maganda talaga ako.
Nagsasabi ako ng totoo, okay?
Agad-agad 'kong tinapos ang pagliligo ko nang na-realize ko na male-late na pala ako.
Kailangan ko pa namang mag aga since Foundation Day na ngayon at ipi-prepare pa namin ang booth ng club namin.
***
Pumunta ako sa classroom ng president ng club namin since nung dumaan ako kanina sa classroom namin, wala na doon ang mga kaklase ko na member din ng club.
"Xizyl! Kanina ka pa namin hinahanap. Pumunta ka na sa loob, tulungan mo sila."
Papasok pa lang ako nang biglang lumabas si Ate Rylie, ang president ng club.
"Okay. Sorry, na-late lang ng gising."
Pumasok na ako at nakita ko ang mga kaklase ko na busy-ng-busy sa pagde-decorate sa booth namin.
Agad kong nakita si Hyacinth na nagle-lettering.
Math and Love.
Nang napansin ko na tapos na siyang maglettering, nagboluntaryo na ako since busy lahat at wala pa akong nagagawa.
"Ya, ako na ang gugupit niyan."
Ngumiti naman siya sa akin at
"Sure~ Marami na din akong nagawa. Pakigupit nalang din yung iba. Nandyan sa gilid ng table."
Doon ko lang napansin ang mga papel na nasa tray sa gilid ng table na tinutukoy ni Hyacinth.
I mean, yung tabi pa ng tray ng mga papel.
Sht. Si Dale.
Hinay-hinay kong hinila ang tray palapit sa akin.
Nabigla ako nang lumingon siya sa 'kin.
Gosh. Ang haggard siguro ng face ko!
"A—ah. Hehehe?"
Sheez. Ang awkward. Sinamahan ko nalang ng ngiti para hindi ako mahalata. Lols~"Late ka?"
"Hindi."
Ngayon ko lang napansin. Hindi nga pala siya late. Himala.
BINABASA MO ANG
Aasa Sa Wala
Teen FictionI should've broken your heart instead of you breaking mine. Syempre walang aasa kung walang paasa. Si Xizyl Manalili ay isang simpleng babae, nagkaka-crush, umaasa at nasasaktan. Sa una palang, simpleng crush lang talaga ang kanyang nararamdaman par...